Chapter 8: Room 143

276 14 0
                                    

Pagkapunta ko sa school ay inaalala at iniisip ko pa rin si papa. Halos di nga ako makapaniwala na wala siyang kibo sa amin. Alam ko namang hindi bagong babae ‘yun, siyempre. Si papa kasi, ‘pag umuuwi siya, lagi niya akong kinukumusta. Pero kahapon, parang vice versa na yung nangyari.

“Ms. Dominguez, may problema ka ba?” Sabi ni Ms. Tina.

  “A... Eh... wala po, ma’am, may iniisip lang po ako,” sabi ko.

  “Mag-usap tayo mamaya, pagkatapos ng klase ko.”

  “Sige po ma’am.”

  Nagpatuloy ang klase. Ano kaya ang sasabihin sakin ni ma’am? Baka nagalit siya sa akin, kasi di ako nakikinig.

  Ang tanga ko talaga. Nakakatakot.

  Hay nako, ano ba ‘tong ginagawa ko?

  “Okay, class dismissed,” biglang salita ni Ms. Tina. Parang nagkasiyahan ang mga kaklase ko. “Ms. Ashley Dominguez, maiwan ka.”

  “Yes po, ma’am,” sabi ko. Hala, ‘eto na. Ano kayang sasabihin sakin ni ma’am? Baka bumagsak ako! Lagot ako kay mama at papa! Pleeeaaase, wag po sana...

  “Ms. Dominguez, napansin kong parang may malalim kang iniisip,” panimula niya. “Mayroon ka bang problema?” Parang mapagtitiwalaan ko rin siya, favorite teacher ko naman siya, eh.

  “Ma’am, kasi po, inaalala ko lang si papa. Ilang araw ko na pong napapansin na patamlay ng patamlay siya. Hindi ko po malaman yung problema niya, hindi rin naman po alam ni mama. Nag-aalala na po ako.” Pag-amin ko sa kaniya.

  “Hay, Ashley,” hinaplos ni Ms. Tina ang buhok ko. “Mabuti kang bata, mapagmahal sa magulang. Ganito, bakit hindi mo subukang kausapin iyang tatay mo? Baka masabi naman niya sa iyo, at kung may problema, baka maagapan pa naman.”

Napangiti ako ng kaunti. “Sige po, ma’am, susubukan ko. Salamat po.” Tumungo si Ms. Tina sa akin, at kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis.

  Akala ko sesermonan ako ni ma’am, ‘yun pala, tatanungin lang ako kung ano ang problema ko. Kamusta na kaya si papa ngayon..?

  “Ms. Takaw!” Ginising ako ng boses ni Kyle sa realidad.

  “Bakit?”

  “Hatid ulit kita!” Sagot niya. Ang bait naman niya, kahit ang lapit-lapit lang ng bahay ko. Mga wala pang isang kilometro, pero okay lang yung distance na yun para lakarin.

  Tumango na lang ako sa kanya.

  “O? Bakit parang ang lungkot ng mukha mo?” pinisil niya ang pisngi ko.

  “Ah, wala...” Ngumiti na lang ako para takpan ang pag-aalala ko.

“O, sige na nga,” pinapasok na niya ako sa sasakyan niya. Naramdaman ko uli ang lamig, pero hindi ko na lang pinansin. Tinanggihan ko na lang din yung coat ni Kyle.

  Pagpunta namin sa bahay, pinapasok ko muna si Kyle sa bahay, at nakita namin si Zeus na nakaupo sa sala habang kausap si papa.

  “O, anak, andyan ka na pala. Sino yang kasama mo?” Tanong ni mama. Kumaway si Kyle.

“Ah! Best friend ko po.” Sagot ko. Biglang nahimatay si papa. Nataranta kami, pati si mama. Si Zeus naman, dali-daling pinunta si papa sa pinakamalapit na ospital. Sumabay na rin si mama.

  Takot na takot ako habang papunta kami sa ospital. Pagkadating namin ay sinugod agad si papa sa emergency room. Sa tingin ko i-rerevive nila si papa at i-eexamine sa laboratory.

  Pagkatapos matingnan ng doktor si papa ay pinagpahinga muna siya sa room 143. Kinausap kami ni mama ng doktor.

  Ang sabi daw, prostate cancer. Stage four.

  Hindi ko alam ang prostate, pero dahil sa mga salitang cancer at stage four, alam kong sobrang lala na ng kondisyon ni papa. Paano na ‘pag nawala samin si papa? Anong gagawin namin ni mama?

  Parang mapapaiyak ako dahil dun. Mahal ko silang pareho. Ayokong matigil sa pag-aaral at mawala si papa.

  Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Napansin ko, lumuluha na rin si mama. ‘Yun ang lalong nagpaiyak sa akin. Ayokong makitang nasasaktan ang mga magulang ko.

  Lumabas na kami ni mama sa opisina ng doktor. Pinuntahan namin ni mama ang room 143. Si Kyle at si Zeus ang nagbantay kay papa habang wala kami. Iniwan muna namin sina papa at mama para magusap ng masinsinan. Hindi ko pa kayang makita si papa ngayon.

  Lumipas ang mga minuto habang nakatayo kami sa labas. Kumanta na lang ako sa isip, at bawat kanta, binilang ko ang mga minuto.

  “Uy! 143 pala!” Sabi ni Kyle na siyang bumasag sa katahimikan naming tatlo.

  “Oo nga. Ngayon mo lang napansin?” Sabi ko. Kinurot niya ulit ang pisngi ko, magkabilaan. Pagkatapos niyang gawin iyon ay hinalikan niya pa ang noo ko.

  Napangiti niya ako ng kaunti.

  “Ikaw kasi, eh, ayaw kong makita kang malungkot!” Sabi ni Kyle habang nakangiti at nakatitig ang kaniyang mga singkit na mata sa akin.

  “Hindi ka niya gusto.” Ang unang sinabi ni Zeus simula kanina. Napatingin ako sa kaniya. Nakacross-arms pa siya at nakayuko.

  Hindi ko maiwasang maawa din sa kanya.

I'm inlove with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon