Chapter 23

6 2 0
                                    

[Maru POV]

Isang linggo na ang nakalipas. At kahit isang beses, di ko nagawang masilip si Mark. Kasi nga di ko pa tanggap.

Pumapasok naman ako ng school. Pero wala akong kinakausap. Naiintindihan din naman daw nila.

Kung di lang ako worried sa future ko di na ako papasok sa school na yun ee. Masyadong madaming memories. Minsan nga, out of nowhere bigla nalang akong umiiyak. Kahit sa kalagitnaan ng klase. Haaayyy.

Balita ko din pala, nagising na si Kris. Tss. Edi wow. Ewan ko pero may part din sa akin na galit sa kanya. Ewan ko. Parang gusto ko rin syang sisihin.

At eto na. Ngayon ang araw ng libing ata ni Mark. Di ko alam kung pupunta ba ako o ano? Kasi naman. Pag pumunta ako isasampal lang sa mukha ko na wala na talaga si Mark.

Ka-stress ang maiwan ng minamahal. I wonder paano kaya natanggap ni Mommy ang pagkawala ni Daddy.

"Maru, sasama ka ba?" sigaw ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Di nalang ako sumagot.

"Sige, aalis na ako ha." pagpapaalam nya. At narinig ko nga syang umalis.

Naiwan nalang ako dito sa bahay mag-isa. Haaaayyy. Ayan na naman ang salitang naiwan. Bad terp! naiiyak na naman ako.

1 Message Received!

Binasa ko yung text...

Fr: Grace

Oy, di ka ba pupunta? Nag-aalala na kami sa'yo ha. Kung kailangan mo ng kausap andito lang ako. You can share it all sa'kin. Masama ang nagki-kimkim.

Di ko na ni-replyan. Bukod sa pipiso nalang ang load ko. Wala akong gana.

1 Message Received!

Ayy. Ang kulit ha. -_-

UnluckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon