Chapter 11

32 3 0
                                    

[Chapter 11]

 

[Kris POV]

 

Tama ba yung ginawa ko? Tss. Para kasing kahit saang anggulo ko tignan pinagpupustahan pa rin namin sya. Tsk. Kris naman kasi. Haaaayy.

“Kris!” nagising ako sa malalim na pag-iisip ko nang marinig ko ang isang pasigaw na tinig na sya ring ikinagulat ko.

“Oh anong problema mo?!” Ganti ko sa may-ari ng tinig na syang sumigaw malapit sa tenga ko.

“Ganyan ba manligaw ha?” sagot naman nito. Haaayy. Porket alam nyang may gusto ako sa kanya naging demanding na sya. Haaayy. Ganyan ba talaga ang babae?

“Ano po ba kasing gusto nyo My Highness?”-ako

“Yan! Ganyan nga! Treat me like a Princess. Bwahahaha”-Maru

“Wag ka lang abusada ha”-ako then wink. Hahaha.

“Ako abusada? E ikaw nga tong araw-araw akong maipahiya dati ee. Tapos ako pa rin abusada? That’s unfair!”-Maru. Tsk. Bakit kailangan nya pang ibalik yun?!

“Di pa ba tayo nagkakaayus dun? Akala ko ba napatawad mo na ako?”-ako

“Oo nga, E kaso ang hirap din kasi kalimutan kasi sobrang nasaktan ako nun ee. Buti na nga lang nandyan si Mark. Kung wala sya. Malamang miserable na talaga ako ngayon.” Naluluha nyang sabi.

Nasaktan ako sa sinabi nya. Ewan, sobrang sakit ganun ba kalalim yung sugat na binigay ko sa kanya?



Niyakap ko sya at binulungan.

“I’m sorry. Kung alam ko lang edi sana di ko na ginawang lumayo sayo.” Napatingin sya sakin, nakatitig sa mata ng isa’t isa at tila nangungusap. Kinuha ko yung dalawang kamay nya at hinalikan ang likod ng palad nito. Mahal ko talaga itong babaeng ito. Ayaw kong mawala sya sakin.

“Gagawin ko ang lahat wag ka lang mawawala sakin. Kahit anong sakripisyo gagawin ko.”-ako

Ngumiti sya ng bahagya.

“Oo, kaya dapat gawin mo ang lahat para gumaling ka. Lumaban ka sa sakit na  yan. Ayaw ko ring mawala ka Kris. Ipangako mong gagawin mo ang lahat para gumaling ka. Lalaban ka para sakin.” Umiiyak nyang sabi. Pinunasan ko ang mga luha nya. At ngumiti sa kanya. Ngumiti rin sya bilang tugon.

“Pangako.” I mouthed. At saka niyakap nya ako.

Lalabanan ko ang sakit ko para sa babaeng pinakamamahal ko. 

--------------------------------------------------------------

[Maru POV]

 

UnluckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon