Chapter 15

26 3 0
                                    

[Maru POV]

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Okay, lunch na. Ang pinaka hate ko na oras. Paano naman po kasi, mag-isa na naman po ako at walang ibang magawa kundi kumain. Tapos bawal pa kumain ng marami. What a waste of life. -_-

Di naman na ako nagtaka kung bakit hanggang tingin lang sa akin si Kris. Baka hanggang ngayon galit pa sa akin yun. Di namuan kasi talaga yun ang gusto kong mangyari ee. At ang magaling kong boyfriend? Ewan? We are texting pero ang lame naman ng mga convos namin parang ganto...

Mark: Hi?

Maru: Hello :) (ayaw ko naman po kasi syang awayin ee. dito na nga lang kami kahit papaano nakakapag-usap ee. sisirain ko pa ba? Di na uy!)

Mark: Kamusta?

Maru: Ok lang naman.

Mark: Aa. ganun ba? Busy ka siguro. Text nalang kita ulit next time.

End of convo.

Di na rin ako nagreply. Badtrip na 'ko ee. Ako pa? Ako pa talaga ang sinabihan nyang busy? Lengya! Tsaka kelan pa kayo yung next time? Next week?! Utut! Urgh! Kainis talaga! -_-

Naala ko tuloy yung sinabi ni Issay.

"I-break mo na kaya. Wala naman palang kwents ee." sabi nya na parang wala lang bago tuluyang lumabas.

Binato ko nga ang loka. Palibhasa walang pake-elam sa love. Pero matibay ang bruha. Nasense nya ata na babatuhin ko sya kaya mabilis na nakakilos at nakalabas. Pero kahit ganun yun mahal ko yun. Di talaga pwede hingian ng advice ee. Tss.

Kung i-break ko na nga kaya? Parang wala namang paki-elam sakin ee. Hahaha. Pero syempre, hindi noh. Kilala ko ang ex-bestfriend ko at present boyfriend ko. Alam kong may mali kaya sya nagkakaganito. Hindi nya kayang gawin sa akin 'to. Mahal nya ako diba? Kaya I have to know why he is acting this way.

Naglalakad ako paakyat sa rooftop. Ayaw ko naman kasi kumain, nitatamad ako ee tsaka masarap magpahinga dun ee. Specially the garden where I first met Mark. Ayyiieee. Kinikilig na naman ako. Hahahaha. Holo! Anlandi! Pagbigyan nyo na minsan lang naman ee.

Malapit na ako sa pinto nang may marinig akong mga pamilyar na boses. Lumapit ako para mas marinig ko. Am I eavesdropping? Tss. E kasi naman, parang feeling ko it's somehow related sa akin. Or not? Aa basta.

"Pare, sayang naman noh. Di nangyari yung nasa deal natin."- Darsh?

Deal? Hmmm? Kawawa naman yung girl mukhang pinaglaruan lang nila. Ano pa nga aasahan ko sa mga 'to. In-born na silang kalokohan.

"Paano na yan Kris? Di mo napasagot si Maru? Meaning, di mo nagawa yung deal natin." Ako?! sjfgtaugbfoasiyfcasouhdajkbfauopjfdasbfkjaschiahdkah!!!!!z@#%$%^#$%^YYsa,fshsfjkk!

"How m-----"

Naputol na si Kris sa pagsasalita. Dahil sa biglang pagbukas ko ng punto. Nakayuko lang ako. Ang labo ng paningin ko dahil sa mga luhang gusto ng pumatak na kanina ko pa pinpigilan. Tumingin ako kay Kris at lumapit ako sa kanya. Habang lumalapit ako sa kanya....

"Maru, let me explain." sabi nya na aktong hahawak na sa akin. Pero di ko na hinayaang makahawak pa sya. sang malutong na sampal muna ang nilanding ko sa gwapo nyang mukha.

I smiled bitterly. "Tss. Explain mo mukha mo. Ang kapal mong sabihan ako na pinaglaruan lang kita. E ikaw pala itong niloko ako. Ang kapal ng apog mo. Buwiset! Hanggang kailan pa ba ako magpapa-uto sayo. Naniwala ako sa lahat ng sinabi mo dati. Tapos paglalaruan mo lang pala ako. Ang shonga ko at naniwala ako sayo. Buti nalang si Mark ang pinili ko." sabi ko nun.

"Si Mark? Tss. yun ba ang pinagmamalaki mo sa kaibigan ko? E diba? Mas pinili pa nga nun yung bago nyang barkada kaysa sa GIRLFRIEND nya? Ayy. Teka may girlfriend nga ba yun? Kasi parang isang araw parang..." -sydney na naka-smirk pa.

Urgh! Di ko na sya pinatapos, binato ko sakanya kung anumang mahablot ko. Pero nakaiwas lang sya. Di ko na kaya ang galit ko. Kaya nag-walk out na ako.

Naiinis ako! Dali-dali akong bumaba pero pagbaba ko. Isang di kanais-nais na view lang ang nakita ko. Si Mark at may babaeng mukhang higad na nakapulupot sa braso nya, alam kong nakita nya ko pero kahit tanggalin man lang yung higad na yun di nya ginawa. Parang wala lang ako. Ayoko na talaga! Tumakbo na ako paalis sa lugar na yun at di ko masukat ang sakit. Ayoko na! Nagpunta ako sa likod ng school. At nakita ko dun si Grace na masayang kumakain pero nagbago yung mukha nya nang makita akong umiiyak.

"An--" di na sya natuloy. Nyakap ko na kasi sya at nag-iiyak na ako.

"Sila ba?" tanong nya. Tumango nalang ako habang umiiyak pa din.

Hinarap nya ako sa kanya. "Spill it. I'm willing to listen."

Pinunasan ko muna yung mukha ko. At sinimulan ko na magkwento.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

A/N: Short update. Guys, Ingat kayo ha. Parating na ang hagupit ni Ruby. Love yeah :*

Maru-------------------->

(Paltan ko nalang pag naulit na yung pic.)

Read nyo previous chaps. Thanks :)

UnluckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon