Chapter 12

41 3 0
                                    

[Chapter 12: Anniversary Special ko. CHOSSS!]

 

[Mark POV]

 

Haaaay. Sa sobrang tagal ng update ng author na to. Di ko na alam ang sasabihin ko. Tss.

Saturday ngayon. Pero may date si Krs at Maru ngayon. I wonder what are they doing. Haaaay. Kaysa naman pinapaliguan ko ang saril ko sa selos minabuti ko nalang pumunta sa orphanage na kinalakihan ko. Like what I’ve said before orphaned na nga ako di ko alam kung sino ang mga tunay kong magulang and I don’t know if they are still alive. Kung dati gustong-gusto ko silang hanapin pero ngayon? Ewan ko. Parang ayaw ko na silang makita siguro dahil sa grabeng sakit na ibinigay nila sakin. They have no idea what I’ve been through sa mga panahong kailangan ko ng magulang. Sila rin ang sinisisi ko why I become a mess.

“Hoy! Lalim ng balon noh?” sabi ni ate Angiela

“Pinagsasabi mo.” Sabi ko. Wala naman kasing balon.

“Hanubayan! Kala ko pa naman matalino ka na? Tsk. Ang taas ng ranking mo sa school pero slowpoke ka pa rin pala?” luka talaga to.

 Si Ate Angiela, sya yung nagsilbing ate ko habang andito ako sa orphanage. Maganda, mabait, matalino, responsible kaya nga parang nanay ko nga yan minsan ee. Haayy. Almost perfect na sya pero sa likod ng mga salitang yun may madilim syang nakaraan. Bago sya pumasok dito sa orphanage she has a perfect family but later on, nalululong sa bisyo ang tatay nya and she was abused by her own father pero kahit ganun minahal pa rin nya ang pamilya nya umaasa na babalik pa sa lahat ang dati. Kaya ganun nalang ang sakit ang masaksihan nya mismo sa mga mata nya ang pagkasira ng pamilya nya. Nakita nya ang pagpatay ng nanay nya sa tatay nya dahil di na kinaya ng nanay nya ang pang-aabuso sa kanya at sa mga anak nya. Nakulong ang nanay nya at di rin nagtagal nasiraan ito ng bait at di nagtagal ay namatay. Sa kanya ko nakita na dapat pa rin akong magpasalamat at magtiwala sa Diyos. Di rin sya gaanong nagtagal dahil may umampon sa kanyang isang missionary, inalagaan naman sya at pinag-aral pa nga sa States ee pero kahit ganun bumalik pa rin sya dito para tumulong para sa mga kagaya nyang napagkaitan na makasama ang tunay na magulang at ok lang naman sa mga umampon sa kanya.

“Ate Angiela,”

“Ow?”

UnluckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon