[Chapter 9]
[Mark POV]
Saan nga naman kaya pupunta yung babaeng yun? Anyway, para may magawa na rin kami. Hah! Wala naman talaga kaming pupuntahan e. Palusot ko lang yun. Gusto ko lang talaga syang makasama mamaya para masolo ko sya. Hehehe.
After ilang oras…
*KRIIIIIING*
*KRIIIIIING*
Dismissal.
Agad-agad akong lumabas ng classroom para mapuntahan ko na ang lab dabs ko. Eiwie lang no. Hahaha. In-love e. Pag dating ko andun na sya sa labas ng classroom. Patakbo akong lumapit sa kanya. Ilang steps nalang nang biglang lumabas si Kris at lumapit dito. Awtsu. Nagselos agad ako wala pa naman silang ginagawa. Tsss. Ngumiti si Maru dito at parang may sinabi kaya tumango nalang si Kris.
“Oh, andyan na pala sya e. Mark! Dito!” si Maru kaya nagising ako.
Lumapit naman ako sa kanya. Dahan-dahan lang. Napatingin ako kay Kris at ganun din sya sa akin. Tumingin ako kay Maru at ngumiti sa kanya. Ganun din naman sya sa akin.
“Tara na” yakad nya sa amin ni Kris. WHAT?! Kasama sya? Ano ba naiisip ng babaeng ‘to?
Dinala nya kami sa canteen at agad kaming umupo dun sa may bakanteng upuan.
“Oy Kris, diba sabi mo sa akin ililibre mo ‘ko. Hah! Um-oo ka. Pwera bawi.” At ngumiting nang-aasar si Maru. Tss. Mas sweet kami. Hah! Bakit? Sweet na ba yun? Ugh! Selos na naman?!
“Bakit? Humihindi ba ako? Tss.” Sabi nya nang nakangiti. At akmang tatayo na.
“ Tol, ako nalang bibili. Ano ba Maru gusto mo?” sabi ko.
“Ha?” sabi ni Maru parang nagulat siguro.
BINABASA MO ANG
Unlucky
Short StorySi Maru ay minsang iniwan ng matalik na kaibigan nyang si Kris sa di nya malamang dahilan. Nasaktan sya dahil masyado na syang napalapit sa kanya to the point na wala na syang ibang kaibigan kundi si Kris lang. Pero sa pang-iiwan sa kanya ni Kris si...