Chapter 7

65 4 0
                                    

[Chapter 7]

 

[Kris POV]

Kaasar! Antagal naman mag-time. Sinasayang lang naman ata namin oras namin dito e. Paano puro magic lang naman tinuturo sa amin ng magaling naming Physics teacher. Kailan kaya ito magdidiscuss sa amin ng totoong lesson. Sa buong year na ‘to ata wala akong natutunan aside sa mga malulupit nyang magic tricks. Tsk tsk. Haaay. Paaano naman kaya kami sa college. Bahala na. Bakit ba kasi tumatanggap ang school ng mga ganitong teacher. Pang-asar lang e.

Ang lakas pa ng loob ng magaling na teacher na yun na sabihin na hindi daw basta basta ang subject namin. Ang sarap nga sagutin na ‘oo,alam namin kaya kung maaari lang sana magturo ka ng tama’ aba, kahit ba luluko-luko ako pinahahalagahan ko pa rin future ko no. Syempre paano na yan kung kami na ni Maru ang mag-asawa. Alangan naman na sya pa ang maghanap-buhay para sapamilya namin. May hiya rin naman ako no. At isa pa, mahal ko yun kaya hangga’t maaari ayoko syang mmahihirapan. E ang kaso di ko ba sya dinadala sa sitwasyon na mahihirapan, masasaktan, at iiyak sya? Alam ko naman na din a sya kasing sigla gaya nung magkaibigan pa kami dati pero dir in naman nagtagal unti-unti rin bumalik ang siglang yun dahil kay Mark siguro. Pero mag-iisang lingo ko na ata syang nakikita na walang kasigla-sigla. Tapos halata pang di sya gaanong nakakatulog. May nangyari ba sa kanila ni Mark? Nag-away ba sila? Mag-iisang lingo ko na rin pala napansin na walang Mark na umaaligid-aligid. Sa tingin ko may mali talaga dito e. Kailangan kong malaman para malaman ko kung ok lang  si Maru. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Malaman ko lang talaga na sinaktan ng Mark nay un si Maru. Makakatikim syang walang hiya sya sa akin. Hmpf.

“Tol, sama ka sa amin maya? May laro kami e.” tingnan mo tong mga tropa ko di rin nakikinig. Ayy, iba ang nasa isip.Wala naman kasing silbi yang pinagsasabi ng teacher namin e. Hayaan nalang syang magsasalita dyan mag-isa.

“Hindi. May lakad ako. May kakausapin  pa kasi ako.”At nagsitungo nalang sila. Matic na yun. Gets na agad nila yun.

Nag-antay pa ako ng mga 30 mins. at nang nagring ang bell agad na akong tumayo at umalis.

 

[Maru POV]

After ng klase dumaan muna ako sa library syempre para sa assignment ko. Minsan kailangan ko ding maging good girl no, 4th year na kaya ako. Then dumiretso na ako sa rooftop. Ibang lalaki ang nadatnan ko sa may roof top. Lumingon-lingon pa ako para hanapin yung lalaking inaasahan ko. Pero walang ibang tao dun, kami lang. Di ko talaga ine-expect na sya pala yung nagpapunta sa akin dito. Akala ko si Mark. But I found my self wrong, si Kris ang naabutan ko dito. But why?

“K-Kris?” I’m just not expecting him to do it.

UnluckyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon