Ikapitong Tagpo

2.4K 85 6
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin pumapasok sina Mayumi at Yurie. Ang totoo n’yan, e, nagsabi na ang mga professor nila na kapag hindi pumasok ang dalawa bago matapos ang linggo, automatic na bagsak na sila sa bawat subject nila.

Hindi maintindihan ni Ali pero parang kinukutuban siya. Hindi lang talaga niya matiyak kung bakit.

Wala siyang duty ngayon sa library dahil whole day ang pasok niya kaya naman nang matapos ang huling subject sa hapon ay nagmadali na s’yang pumunta sa waiting shed sa harapan ng eskwelahan. Iyon kasi ang usapan nila ni Art.

Niyayaya pa nga sana siyang gumala ng mga kaklase niyang sina Flor pero tumanggi siya at nagrason na maglalaba pa siya ng uniform.

Pagdating niya sa waiting shed ay naroon na si Art – nakasakay sa motor habang naghihintay sa kanya.

“Kanina ka pa?” tanong niya.

“Kadarating ko lang din. Sumakay ka na,” walang emosyon nitong sabi.

Noong una ay nagdalawang-isip pa s’ya kung sasakay nga s’ya dahil medyo naasiwa siya sa ideyang aangkas siya sa likod ni Art, pero dahil sa alam niyang wala naman siyang pagpipilian, sa huli ay sumakay pa rin s’ya.

“Sa’n ba tayo pupunta?” tanong ni Ali nang iabot sa kanya ni Art ang isang helmet.

“You’ll see.” Iyon lang ang sinabi nito bago pinaharurot ang motor. Muntik pa s’yang mahulog. Buti na lang ay nakakapit s’ya agad sa balikat ng binata.

Makalipas ang halos kinse minutos na pagmamaneho ay inihinto ni Art ang motor sa tapat ng isang lumang simbahan. Sa sobrang luma ay tinutubuan na ito ng mga damong ligaw sa iba’t ibang parte ng haligi nito. Gayunpaman ay hindi pa rin maiaalis ang maganda nitong itsura dahil sa trayanggulo nitong hugis.

“Ano’ng ginagawa natin dito?” tanong niya pagkababa nila ng motor ni Art.

“Follow me.”

Naguguluhan man kung bakit sa lugar na ito s’ya dinala ni Art ay sumunod pa rin siya sa binata. Nilakad nila ang direksyon papunta sa kampanaryo na nasa kaliwang bahagi ng simbahan. Inakyat nila iyon at nang makarating sa pinakataas ay saka lang muli nagsalita si Art.

“Mabuti rito para walang makarinig sa atin.”

Gusto sana niyang itanong kung bakit kailangang walang makarinig sa kanila pero pinili na lang niyang manahimik at hintayin si Art na magsalita ulit.

“Tatlong taon, Alijandra. Tat --”

Napangiwi si Ali sa pagbigkas ni Art nang buo n’yang pangalan. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng binata.

“Bakit?” tanong nito.

“Err... Pwede bang Ali na lang? Ang sagwa, e.”

Sa gulat niya ay ngumisi ang binata na nakapagpangiti rin tuloy sa kanya. Kung sana lang talaga ay lagi itong nakangiti, paniguradong magkakasundo sila.

“Okay, fine. Ali, then... Anyway, as I was saying, tatlong taon na ang nakakalipas simula nung patayin si Zoila at hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga pulis sa kung sino’ng may gawa nun sa kanya. Hindi ko alam kung talagang malinis lang trumabaho ‘yung kung sino mang hayop na ‘yun o sadyang tanga lang ‘yung mga pulis na may hawak ng kaso, pero isa lang ang nasisiguro ko. Nasa paligid lang ang may gawa nun at malakas ang kutob kong nasa eskwelahan s’ya.”

“Pa’no mo naman nasabi?” kunot-noong tanong ni Ali. Simula nang makilala niya si Art, iyon na yata ang pinakamahabang sinabi nito habang kausap siya.

“The retreat was only for freshmen and sophomore students at that time. Nung nangyari ‘yun, ang tanging naro’n lang sa isla bukod sa amin ay ‘yung matandang mag-asawang caretaker nung lugar. Tatlong professor ang kasama namin noon. Sina Mrs. Monares, Mrs. Bitangcul at Mrs. Alton. Tinignan ko rin ‘yung listahan ng mga estudyanteng kasama sa retreat and found out that we were only 120. Hindi naman kasi compulsary ‘yung retreat. Kung sino lang ‘yung gustong sumama. Tinignan ko isa-isa ang records nung mga estudyanteng kasama sa retreat, lahat nasa eskwelahan pa.”

AlijandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon