Teaser

9.3K 162 15
                                    

NAALIMPUNGATAN si Zoila nang marinig niya ang tunog ng marahang pagpihit sa doorknob ng tinutuluyan nilang kwarto ng kaibigang si Sen. Retreat nila ngayon at nandito sila sa isang retreat house sa Hundred Islands. Naisip niyang baka si Sen lang naman iyon kaya ipinikit na lang niya muli ang mga mata. Nagsabi kasi ito kaninang doon ito makikitulog sa kwarto ng kaklaseng si Avrille. Baka nagbago ang isip o ‘di kaya’y hindi makatulog ng maayos kaya nagpasya na lang na bumalik sa kwarto nila.

Mayamaya ay narinig na nga niya ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. Inasahan niyang sunod na rin niyang maririnig ang tunog ng pag-ingit ng kabilang kama tanda na umupo na roon ang kaibigan, ngunit hindi iyon nangyari dahilan para magtaka siya.

Agad siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba. Si Sen nga ba iyong pumasok sa kwarto nila? Awtomatikong minulat niya muli ang mga mata at humarap sa direksyon ng pintuan ngunit laking gulat niya nang pagpihit niya ng katawan ay siyang pagdikit din ng isang matulis na bagay sa leeg niya. Biglang napalitan ng takot ang kabang nararamdaman niya. Ang masama pa nito’y sarado ang ilaw kaya hindi niya mapagsino ang may hawak ng kung anumang matulis na bagay na iyon.

“S-sino ka?” pautal-utal na tanong n’ya.

“’Wag kang maingay kung ayaw mong mas mapadali ang buhay mo!”

Nanlaki ang mga mata niya pagkarinig sa boses ng nagsalita. Kilala niya ang boses na iyon! Pero, bakit?

“B-bakit?” nagawa niyang itanong sa kabila ng takot na nararamdaman.

“Bakit? Ha? Bakit?!” Galit na ang boses nito na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ni Zoila. “Hindi mo pa ba nararamdaman?! Kung sabagay, pa’no mo nga naman pala mararamdaman, e manhid ka! Hindi mo alam na nasasaktan na ‘ko! Hindi mo alam na nahihirapan na ‘ko! Alam mo ba kung bakit, ha? Kasi, sobrang mahal kita! Akala ko matututunan mo rin akong mahalin, pero kahit ‘ata gaano ko iparamdam sa’yo ang pagmamahal ko, hindi mo ako mapapansin.”

Umiiyak na si Zoila. Hindi siya makapaniwala sa mga rebelasyong iyon. Matagal na niyang napapansin na kakaiba ang pakikitungo nito sa kanya pero pinagsasawalang-bahala lang niya sa pag-aakalang baka nagkakamali lang siya. Ngayon n’ya lang napatunayang higit nga sa kaibigan ang turing nito sa kanya!

“Kaya ngayon, kung hindi kita makukuha sa santong dasalan, dadaanin na lang kita sa santong paspasan!”

AlijandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon