Ika-apat na Tagpo

2.7K 83 2
                                    

“Hey! Pwede ko na bang makuha ‘yung panyo ko?”

Nanumbalik lang ang isip ni Ali sa kasalukuyan nang marinig ang tanong na iyon. Hinihingal siya na para bang tumakbo ng ilang kilometro.

“Ali, okay ka lang?” tanong naman ni Yurie sa kanya.

Kumurap-kurap s’ya habang pilit pinoproseso sa utak ang nangyari. Nang medyo makabawi na ay tumingin siya sa gawi ni Art at napansin na nakakunot-noo ito. Siguro ay nagtataka rin kung ano ang nangyari sa kanya.

Sa kawalan ng sasabihin ay ibinalik na lang niya sa binata ang panyo nito.

“S-salamat. I-I’m sorry, I just need to go,” paalam niya pagkatapos ay payukong naglakad papunta sa exit ng auditorium habang naiwan namang nagtataka sina Mayumi at Yurie.

Pagkalabas ng auditorium ay dumiretso agad si Ali sa CR ng building. Humarap siya sa salamin at itinukod ang magkabilaang kamay sa lababo habang iniisip iyong tagpong nakita na naman niya uli kung saan naroon iyong babae sa panaginip niya. Pangatlong beses na ito. Una ay ‘yung panaginip, pangalawa ay noong hawak niya iyong hikaw, at itong pangatlo naman ay noong hawak niya kanina iyong panyo ni Art.

Bigla ay isang ideya ang pumasok sa isip niya. Hindi kaya may kaugnayan iyong hikaw at panyo doon sa babae? Kung may kaugnayan ang panyong pinahiram sa kanya ni Art kanina sa babaeng iyon, ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na kilala ito ng binata. Ngunit paano naman niya itatanong ang babae sa binata, e hindi nga niya alam ang pangalan nito?

Ipinikit niya sandali ang mga mata at nang imulat muli ito ay binuksan niya ang gripo sa lababo at naghilamos doon – umaasang sa pagdampi ng tubig sa mukha niya ay makakalimutan niya ang tungkol sa misteryosang babaeng iyon.

Mayamaya ay biglang tumunog ang cellphone niya tanda na may nag-text kaya dali-dali naman niyang pinunasan ng tissue ang mga kamay at kinuha ang telepono sa bulsa ng blouse. Tinignan niya kung sino ang nag-text. Isang unknown number. Nang buksan niya ang mensahe ay napag-alaman niyang si Sen pala. Niyayaya siyang pumunta sa mall mamayang uwian. Tutal naman raw ay Biyernes naman na. Noong una ay nagtaka pa nga siya kung paano nito nakuha ang numero n’ya, pero agad n’ya rin namang naalala na kinuha pala nito iyon kanina nung nakasabay nila itong mag-lunch.

Wala siya sa mood mag-mall ngayon kaya ni-replyan n’ya na lang ito na may kailangan silang gawing group assignment nina Mayumi at Yurie para naman hindi ito magtampo. Pagka-send niya ng reply kay Sen ay nagtext naman si Mayumi. Tinatanong kung nasaan s’ya. Nireplyan n’ya naman itong sa library na lang sila magkita. Tutal ay ilang minuto na lang din at simula na ng duty niya roon.

Lumabas na siya ng CR at dumiretso sa library. Doon siya nagtungo sa newspaper section. Magbabasa na lang muna siya ng mga magazine habang nag-aantay sa dalawang kaibigan. Hindi nagtagal ay dumating na rin nga sina Mayumi at Yurie at katulad ng inaasahan ay inusisa siya ng mga ito kung ano’ng nangyari sa kanya at bigla s’yang umalis sa General Assembly. Ikinwento naman niya sa dalawa ang nangyari at maging ang mga ito ay nahiwagaan din.

Nang ibalik ni Ali ang magazine na kinuha kanina sa stand ay biglang naagaw ng isang dyaryong nakalagay rin doon sa stand ang atensyon niya. Pamilyar kasi sa kanya iyong babae sa larawan na nasa front page. Kinuha niya iyon at binasa ang headline.

2nd Year Civil Engineering Student Murdered During the 2011 University Retreat

 

Tiningnan niya ang petsa kung kailan nalimbag ang dyaryo. September 1, 2011. Tatlong taon na ang nakararaan.

Ibinalik niya ang tingin sa larawan at kasabay niyon ay parang pinukol siya ng martilyo sa ulo nang mapagtanto kung bakit pamilyar sa kanya ang mukha niyong babae. Iyon ‘yung babaeng na-rape sa panaginip niya at nakita niya habang hawak iyong hikaw at panyo!

AlijandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon