“MS. CORTEZ, do you know where Ms. Arcos is?” tanong ng Algebra professor nina Ali sa kanya. Hinahanap nito si Yurie.
“I don’t know po, Ma’am. Hindi naman po s’ya nagtetext,” umiiling-iling na sagot naman ni Ali. Matapos sagutin ang tanong ng guro ay bumaling naman siya sa katabing si Mayumi. “Nasa’n nga ba si Yurie? Nagtext ba sa’yo?”
Nagkibit-balikat lang naman din si Mayumi tanda na wala rin siyang ideya kung bakit wala sa klase ang kaibigan nila.
Pagkatapos ng klase nila sa Algebra ay tinext ni Mayumi si Yurie kung nasaan ito pero wala silang nakuhang sagot. Sinubukan nila itong tawagan pero ring lang ng ring ang cellphone nito hanggang sa sumuko na lang sila.
“Hayaan mo na. Magtetext na lang ‘yun,” saad ni Ali. “‘Yung kaboardmate mo ba, nakausap mo na tungkol doon kay Zoila Ramirez?” tanong na lang niya rito.
“Hindi pa, friend, e. Gumala kasi kami nung high school friends ko nung Friday. Pag-uwi ko, wala na si Ate Loraine. Umuwi raw sa Nueva Ecija. Mamayang gabi, for sure makakausap ko na ‘yun.”
Tumango-tango na lang siya. Kinahapunan ay may isa silang oras na bakante kaya pumunta na lang sila sa library para gumawa ng assignment sa Algebra.
Habang nagsusulat ay biglang nawalan ng tinta ang ballpen ni Ali. Sa kasamaang-palad ay wala na ring extra ballpen si Mayumi para maipahiram sa kanya.
“Asar naman ‘tong ballpen na ‘to, o. Kabibili ko pa lang, wala na agad tinta,” reklamo ni Ali. Hindi sinasadya ay napatingin siya sa kanan niya at doon ay nakita niya si Art na mag-isa sa mesa at nagbabasa. “Ay alam ko na! Wait lang, a? D’yan ka lang.”
Tumayo na siya agad at pumunta sa mesa kung saan nakita si Art. Sinundan naman lang siya ng tingin ni Mayumi.
Pagkaupo n’ya pa lang sa harapan ni Art ay kunot-noong tinignan na s’ya agad nito.
“Hey, may ballpen ka ba? Pahiram naman, o.”
Walang sabi-sabing kinuha nito ang ballpen na nakasabit sa bulsa ng polo nito at iniabot sa kanya pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang pagbabasa.
“Ibalik mo rin agad,” wika nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya.
Ngumiti na lang siya at binalikan si Mayumi. Nang magsimula siyang magsulat muli ay natulala siya nang maramdaman na naman ang isang pamilyar na pakiramdam na ilang araw nang gumugulo sa isip niya dahilan para mapahinto siya sa pagsusulat.
Napunta siya sa may encyclopedia section ng library. Luminga-linga siya, tila siguradong-sigurado na makikita niya roon si Zoila. At hindi nga siya nagkamali. Sa pinakasulok na mesa ay nakita niyang nakaupo si Zoila. Ngiting-ngiti ito habang hawak ang isang maliit at pahabang box. Ibinaling niya ang tingin sa lalaking kausap nito at natigilan nang mapagsino iyon.
Si Art!
***
“Huy...”
Yugyog ni Mayumi ang nakapagpabalik kay Ali sa kasalukuyan. Kasabay niyon ay nabitawan din niya ang ballpen na hiniram kay Art dahilan para gumulong iyon at mahulog sa sahig.
“May nakita ka na naman?” tanong pa ni Mayumi sa kanya.
Napakurap-kurap siya at nang medyo mahimasmasan na ay yumuko para damputin ang nahulog na ballpen. Kunot-noo niyang dinampot iyon nang mapansin ang pangalan na naka-engrave doon.
Zoila Ramirez
Ibig sabihin ay kay Zoila ang ballpen na iyon?
BINABASA MO ANG
Alijandra
Mystery / ThrillerSI ALIJANDRA – isang college student. Humiwalay sa kanyang mga magulang upang mag-aral sa malayong lalawigan ng Baguio. Lingid sa kaalaman niya ay isa palang malagim na sikreto ang naghihintay sa kanya sa bahay na tinutuluyan niya. Nagsimula ang lah...