Ikatlong Tagpo

3.2K 92 2
                                    

NAGISING si Alijandra nang maramdaman ang pag-aalburuto ng mga alaga niya sa t’yan. Ang orasan ang una niyang tiningnan. Alas sais y medya na ng gabi. Halos apat na oras din pala siyang nakatulog.

Bumangon na s’ya at napangiti nang makatayo na siya nang maayos. Matapos iyon ay paika-ika naman siyang naglakad patungo sa kusina upang mag-init ng tubig at kumuha ng biskwit pantawid gutom. Tinatamad pa kasi siyang magluto.

Habang nag-aantay na kumulo ang tubig ay natanaw n’ya ang dalawang lalaki na nag-uusap sa may sala. Ang isa sa mga iyon ay si Art, habang ‘yung isa naman ay ngayon n’ya lang nakita. Pagkaraan ng ilang minuto ay kumulo naman na ‘yung tubig at nagsimula na siyang magtimpla ng Milo. Mayamaya ay nagulat s’ya nang biglang may magsalita sa may likuran niya.

“Hi. Ikaw pala si Ali.”

Humarap siya sa pinanggalingan ng boses. ‘Yung lalaki lang palang kausap ni Art sa may sala. Nginitian n’ya lang ito pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang ginagawa.

“I’m Gavin. Art’s bestfriend,” muli ay sabi nito. Hindi niya mawari kung bakit siya kinakausap nito.

“Ah... Hello. Sige, balik na muna ako sa kwarto ko,” nakangiting paalam niya. Tapos na rin kasi siya sa pagtimpla ng Milo.

“Sige. Nice meeting you, Ms. Beautiful.” Kumaway pa ito sa kanya. Pananalita pa lang, alam mo na agad na playboy.

Nagtuloy-tuloy na si Ali sa kwarto pero bago pa man s’ya makapasok sa kwarto niya ay hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nung lalaking nagpakilalang Gavin.

“Chikababe pala P’re ‘yung bagong boarder n’yo, e. Malay mo, ‘yun na ‘yung papalit kay Zoila sa puso mo.” Halata ang panunudyo sa tono ng boses nito.

Sa sinabing iyon ni Gavin ay nahinuha ni Ali na Zoila pala ang pangalan niyong tinutukoy ni Sen na babaeng mahal ng kapatid nito. Kasabay ng pagpasok niya sa kwarto ay bahagya rin niyang narinig ang pag-tss ni Art. Kahit ang bestfriend pala nito ay sinusungitan din nito.

***

KINABUKASAN ay masaya si Alijandra na kaya na niyang makapaglakad na hindi paika-ika. Effective iyong pagpapagulong-gulong n’ya ng bote sa paa kagabi. Tinext n’ya kasi ang Mommy niya at ibinalita ang tungkol sa nangyari sa kanya. Katulad nang inaasahan ay labis itong nag-alala sa kanya kahit na sprain lang naman iyon kung tutuusin. At iyon nga. Pinayuhan siya nitong i-apak ang may sprain na paa sa bote at pagulong-gulungin iyon.

Ikinwento rin niya kina Mayumi at Yurie ang tungkol sa nangyari sa kanya kahapon mula sa pagkahulog n’ya sa stool sa library hanggang sa paghatid sa kanya ni Art sa bahay nila.

“Ayie! Mamaya, mahulog ‘yung loob mo sa Art na ‘yun ah?” panunudyo ni Mayumi habang kumakain sila ng lunch.

“Duh? Ano ba kayo? Kawawa nga ‘yung tao dahil parang hindi pa rin s’ya nakaka-move on doon sa pagkamatay nung babaeng mahal n’ya,” puno ng senseridad na sabi niya.

Oo, hindi pa niya nararanasang magmahal pero sigurado siyang mahirap mawalan ng minamahal.

“Bakit? Por que ba hindi pa rin s’ya nakaka-move on doon sa babaeng mahal n’ya, imposible nang mahulog ang loob mo sa kanya? Tandaan mo, friend, nakatira lang kayo sa iisang bahay,” saad naman ni Yurie.

“Sus, ‘wag nga kayong ganyan. Hindi ako mafo-fall dun, no! Hindi ko type ang mga masusungit na lalaki,” depensa naman ni Ali sa sarili.

Nagtinginan naman lang ang dalawang kaibigan niya. “If you say so...” sabay na sabi ng mga ito at nagkibit-balikat.

AlijandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon