Chapter 1

2 0 0
                                    

  "Miss? Miss Selene?"

  Toott... toott...

  "Miss? Gising ka na po ba?"

  Boses yun ng babae na naririnig ko.

  "Miss? Doc? Doc?" sigaw nito.

  Nasan ba ako? Bakit nahihilo ako?

  "Doc? Gumagalaw na ho sya!" sabi nung pamilyar na boses ng babae.

  I tried hard to open my eyes at ng namulat ko na ang mga mata ay nakita kong may mga nakapaligid na nurses at isang doctor sakin.

  "Naku, Miss!" Maluha-luhang tawag nung babae sa kin. Ang babaeng yun ay si Maymay. She's my handmaid.

  Naramdaman kong may kung anong pinatong yung doctor sa dibdib ko. Finlash-light din ang mata ko at may instruction syang sinabi saken na sinunod ko naman.

  "Doc, kamusta po si miss Selene?"

"There's nothing to worry now. She's responsive and her vital signs are normal."

  "Diyos ko, salamat po! Salamat, Doc!"

  Walang humpay ang pasasalamat ni Maymay sa doctor habang ako ay nakatitig lang sa kisame ng ospital. Pilit na inaalala ang nangyari.

  Nang lumabas ang doctor sa kwarto ay agad akong dinaluhan ni Maymay.

  "Miss? Kamusta ka? Kumustang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"

  Napatitig ako sa mukha ng babae. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya. Siya lang talaga ang may pakialam sa kin simula noon hanggang ngayon.

  "Maymay? Ano bang nangyari saken?" mahinang tanong ko.

  "Hindi mo ba naaalala? Nadisgrasya ka gamit ang sasakyan ni sir Elixx. Dalawang araw kang walang malay, Miss." Dahan-dahan ang pagkakasabi nya saken.

  Natulala ako sa sinabi nya. Nadisgrasya?

  Nanlaki ang mga mata ko ng may maalala. Agad kong hinawakan ang tiyan ko at dinama yun.  "May... Maymay ang anak ko?" natatarantang tanong ko sa kanya.

  Hinawakan nya ang kamay kong nakahawak sa tiyan ko. Nangilid ang luha ko nang unti-unti syang umiling.

  "Anong ibig mong sabihin? Bakit ka umiiling dyan, Maymay?" lumaki ang boses ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para bumangon.
  "Miss, baka mabinat ka!"

  "Sagutin mo ko, Maymay! Sabihin mo, nandito pa sya sa sinapupunan ko di ba?"

  Agad syang naiyak sa tanong ko. "Miss... Sorry po!"

  Parang pinipiga ang puso ko sa nais nyang ipahiwatig. Umiling din ako. "Hindi, Maymay. Nandito pa sya. Sabihin mong ligtas sya!"

  "Wala na sya, Miss!" umiiyak din sya harap ko at batid kong nahihirapan din sya.

  Napahagulhol nalang ako sa iyak. Walang katumbas ang sakit na nakararamdaman ko ngayon. Akala ko wala ng mas sasakit pa tuwing hindi ako pinapahalagahan ni Elixx. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong gusto ko na ring mamatay dahil sa nangyari sa anak ko. Niyakap ako ni Maymay, sa kanya ako sumandal ngayong walang ibang taong nais na dumamay sakin. Dalawa kaming umiiyak sa kwartong yun at alam kong pinapatatag lang din ni Maymay ang loob nya para saken.

  Ilang sandali pa ay kumalas na ako sa kanya. "Nasaan ang anak ko? Gusto ko syang makita."

  Lumunok ito bago nagsalita. "Kinuha ni sir Elixx ang dugong nakuha mula sa inyo, Miss. Sa tingin ko ay sya na rin ang nagpalibing nun."

Fixing The Broken DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon