001

1K 29 19
                                    

Lee Seoyeon POV

Nagising ako sa pagpalo ni mama sakin "Mama naman ang aga aga eh namamalo ka" sabi ko ng inaantok na boses " Aba anong oras na, tanghali na late ka na. Maligo ka na nga don" sabi ni mama na may pagkainis. "Opo."

Duniretso na ako sa banyo at naligo ng mabilis.

"Kumain ka na at pumasok ka na masaraduhan ka pa ng gate" ani ni mama.

"Ito na po, papasok na po ako bye!" kumaway ako kay mama at ganun din sya.

Nang makarating ako sa school ko binati naman ako ng mga siraulo kong kaibigan.

"Hoy! Ano na ung sinabi mo kahapon lilibre mo ko diba?!" sabi ni Min Jung
"Anong ikaw? Pati kami din noh. Diba Seoyeon?" sbi naman ni Ji-woo.

"Kahit kelan talaga ang buburaot nyo" sabi ko naman. 'Talagang mawawalan ng laman ang wallet ko ng dahil sa mga kaibigan ko' sabi ko sa isip ko.

"Oh? Eun nandito ka na pala." (Ha-eun's nickname)
"Ahh oo maaga akong pumasok para matulog ng konti" ani ni Eun. "So pumasok ka paramatulog?" sabi naman ni Ji-woo "Di ba pedeng umidlip lang kase kulang sa tulog?" pag sagot naman ni Eun. "Tamana nga yan aga aga mag aaway pa kayo" sabi ni Min Jung sa dalawa.

"Kayo ang aga aga ang iingay nyo hayst." sabi ko ng may halong pagkainis. Ilang minuto ang nakalipas at dumating nadin ang teacher namin.

"Good morning class" sabi ni miss Jung. "Good morning miss Jung" sabi naming lahat na nasa klase. "Okay turn your book on page 10 and answer exercise 1&2" sabi ni miss at nagsagot kaming lahat.

"Psst..." sabi nung katabi kong lalaki.
"Baket?" sabi ko sa kanya ng pabulong
"Pahiram ballpen madali lang" sabi naman nya "Napasok ka ng walang ballpen? Grabe ah." sabi ko habang nakuha ng extrang ballpen "Hindi noh nawalan lang ng tinta ballpen ko" sabi niya. "𝘼𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙞𝙩 𝙞𝙣𝙞𝙩 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙝𝙤𝙤𝙙𝙞𝙚 𝙠𝙖." sabi ko sa kanya "Wala ka nang pake don. Ano nga pala panga-" hindi pa nya natatapos ang sinasabi nya nahuli kami ng teacher namin na nagkukuwentuhan.

"Gusto nyo bang ishare yang pinaguusapan nyo?" sabi ni Miss Jung at tumingin naman saaming dalawa ang buong klase "Wala po miss, sorry po." sabay naming sabi ng 𝙃𝙤𝙤𝙙𝙞𝙚 𝙗𝙤𝙮 na yon "Continue answering." sabi ni Miss Jung.

398 𝘸𝘰𝘳𝘥𝘴.
- 𝘛𝘰 𝘣𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦𝘥.

༄ 𝘏𝘰𝘰𝘥𝘪𝘦 𝘉𝘰𝘺 | 𝘕. 𝘙. 𝘒.Where stories live. Discover now