035

116 8 6
                                    

Huminga ng malalim si Soo-ah at inayos ang ka yang sarili saka sya nag salita.

"Ginawa ko yon kase gusto kong maghiganti sa pagkamatay ng mga magulang ko. May project kasi sila na mapapataas ung popularity ng company nila.

Parang bomba sya. Ginawa nila yon para sa mga bahay na madaming insekto. Ihahagis mo lang ung bomba sa gitna ng bahay nyo tapos mag aactivate na ung bomba at mag co-countdown." sabi ni Soo-ah sakin wala akong maintindihan sa sinasabi nya pero hinayaan ko na lang sya mag kwento.

"Kailangan mo ng mask kase mag kaka sakit ka sa baga kapag naamoy mo ng matagal. The problem is ung bomba kapag na activate delikado sa tao. Ung components ng bomba masyadong delikado, mag ka skin contact ka lang dun sa gas after 30 seconds patay ka na." bakit naman kase un ung naisip nilang gawing project?

"Inaayos pa nila ung problemang yon. Sabi ko sa parents ko itigil nila ang contract pero di nila ako pinakinggan at tinuloy pa din. Nung nag di drive parents ko papunta sa house namin accidentally na activate ung bomba na nasa compartment at nag count down ng 5 minutes ung bomba ng di alam ng parents ko, nalaman na lang nila na na activate ito, ung components ng bomba naapektuhan ung makina ng kotse kaya sumabog ito." pinunasan nya muna ung luha nya at tinuloy ung sinasabi nya.

"9 years old pa lang ako non kaya sobrang lungkot ko, tumira muna ako sa lola ko non para maka move on sa pagkamatay ng magulang ko. Pero di ko nagawa g makapag move-on kase mahal na mahal ko parents ko. Binigay nila lahat ng gusto ko. Inalagaan nila ako. Minahal nila ako ng lubos. Kaya nung nalaman ko na namatay sila. Na traumatized talaga ako." sabi niya at lalo syang umiyak dahil don .

"Sa tingin mo ba magiging masaya sila kapag nalaman nila na ginagawa mo to dahil gusto mo lang maghiganti sa pagkamatay nila?" tanong ko sa kanya naiiyak na din.

"Hindi diba? Gusto nila tanggapin mo na ung pagkamatay nila at maging masaya. They want you to live your life to the fullest. Enjoy your life when you can, because life is short." sabi ko sa kanya at napapansin ko na din na kumakalma na sya.

"Revenge is not the answer. Kaya please kung ano man yang pinaplano mo itigil mo na" sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla nya akong niyakap. Pero niyakap ko din sya. "Sorry kung muntikan ka na mamatay dahil sakin. Sorry kung nasira ko ung buhay mo." sabi nya at kumalas sa yakap "Basta willing to change ka ok na yon" sabi ko sa kanya "At sorry din kung umepal ako sa love story nyo ni Ni-ki." "Ay nadulas! Pasmado bibig." nanlaki mata ko sa sinabi nya. "Anong pinagsasabi mo?" sabi ko at hinampas ung balikat nya "Wag mo nang isipin ung sinabi ko" sabi nya at ngumiti.

"Tanong lang. Bakit sinabi mong 'Dahil samin namatay magulang mo'?" tanong ko sa kanya. "Kasali kase mga magulang mo don sa project, nalaman ko nung pina investigate kita" napaisip na lang ako at binalewala na lang yon.

"Tara?" pag-aya ko sa kanya at pumunta kami sa labas para I-explain na ang lahat sa mga kaibigan ko.

Ang di nila alam ay pinakinggan ng mga kaibigan nya lahat ng pinagusapan nila.

573 words
- 𝘛𝘰 𝘣𝘦 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦𝘥

༄ 𝘏𝘰𝘰𝘥𝘪𝘦 𝘉𝘰𝘺 | 𝘕. 𝘙. 𝘒.Where stories live. Discover now