TBTH2

63 1 0
                                    

TBTH-2

MAE KAREN'S POV

"MK, babes bakit ba nadamay ako sa paglipat mo?" tanong sakin ng bestfriend ko.

Yep. kasama ko syang lumipat ng school. syempre! Bestfriends kami eh. Hahaha!

"Bakit babes? Hahayaan mo ba ko dito mag isa?"

"Hay nako, hindi. Pero kailan kaya mababago yang ugali mong pagsagot sa tanong ng isa pang tanong?"

"Alam mo KM babes, its not me kung hindi ako ganun sumagot. Hahaha!"

"Ewan ko sayo. Baliw!"

"Baliw na tulad mooo~ hahaha!"

Inirapan nya lang ako. Haha! OKay lang sanay naman na ko dyan. Di yan marunong magalit eh. Ganda ng pangalan nyan. Pero binigyan ko sya ng nickname na KM. Noong una ayaw nya pero nasanay na sya. Simula High School magkasama na kami nyan. Sa hirap at ginhawa kaya subok na samahan namin. Ang totoong pangalan ni KM my bestfriend babes is..... *insert drum roll* KATHY MALABANAN. Oh diba? ang ganda ganda ng Pangalan nya? hahaha! Ayaw nya rin natatawag sa surname nya. Di naman daw sa kinakahiya nya. Hindi lang daw nagfifit sa ganda nya. Haha!

Naglalakad lang kami at patingin tingin sa mga number ng rooms na nakadikit sa pinto. Hinahanap namin yung room naming dalawa.

"Babes, sigurado ka bang dito yung daan papunta sa room natin? Parang hindi naman eh!" - KM

"Dito yun, sabi sa google map."

*toinks*

"awww! babes bakit ka ba nambabatok?" pag angal ko sa kanya.

" Katalino mong tao di ka makausap ng maayos. Nakukuha mo ba yan kay Ravi ha?! Nakakahalata na ko."

"Luh luh luh! Duh duh duh! Nah nah nah! Ano ka?! Wag kang magbiro! Wag mo rin mabanggit ang pangalang yan. Baka magdilim paningin ko sayo." irita kong sabi sa kanya.

"Ah okay sige. Sabi mo eh. Haha!"

"Che! lika na nga! Maghanap ka nalang!"

tatawa tawa sya habang naglalakad kami.

lakad lakad at tingin tingin lang kami ng mapatigil ako.

"O bakit?" Nagtatakang tanong sakin ni KM.

"Hottie!"

"Ano?!"

"Babes, wait lang. Wag ka magulo."

" saan ka ba tumitingin?"

"Sa future ko."

*toinks*

"Aray! Ano ba Malabanan! Nakakadalawa kana!" Pano binatukan na naman ako. Sadista talaga nitong babaeng to.

" Anong tawag mo sakin?!" mainim na aurang tanong nya sakin.

oh-oh! Wrong move ako mga beks!

"K-Kathy Maganda. S-sabi ko. He.he.he"

"Umayos ka. Uuwi kang puro pasa mamaya."

"OO na nga eh! wag kana kasi magulo!"

"Che!" singhal nya sakin may irap pa.

Tumingin ako ulit doon sa parte ng hallway kung saan nakatayo si Future ko este yung gwapong nilalang na nagbabasa ng libro. Kaso wala na sya don.

"Ayan! ikaw kasi! Nawala tuloy si Future!" singhal ko naman sa kanya.

"Ako pa sinisi mo? Ikaw yang parang ewan dyan!"

"Ikaw kasi ang gulo-"

"Miss, di naman siguro kayo magsasabunutang dalawa no? Kanina ko pa kayo nakikitang nag aaway dyan eh."

Naputol yung sinasabi ko ng biglang sumulpot sa harap namin si Future este si Pogi.

ANG GWAPO~ KYAAAAA~

"Ay okay lang kami. Ganito lang talaga kami magbiruan nitong Bestfriend ko. Hehe! Pwede bang magtanong? Saan ba yung room 620?" tanong ni KM dahil di na ko makapag salita.

Omo! Ang gwapo talaga. Pakiramdam ko magiging puso na ang mga mata ko.

Tumawa sya. "Deretso lang kayo tapos kanan tapos sa dulo na yung room620."

Kyaaaaaa~~ mas gwapo pa sya kapag tumatawa! Waaaah~!

"Ah sige salamat ah." -KM

"No problem."

"Sige. thank you ulit!" sabi ni KM tapos hinila na ako.

Wala ako sa sariling nagpapahila sa bestfriend ko. Bakit ang gwapo gwapo nya? Papasalamat ako kay Mama pag uwi kasi pinalipat nya ko. Hihi!

"Uh, BTW, I'm Baro. Baro Kwon!" sigaw nya samin ni KM.

Agad naman akong humarap sa kanya. Papakilala ako syempre! Hihihi!

"I'm Mae Karen Ang. MK for short. and she's my bestie, Kathy..."

"KM for short." pagtutuloy ni KM sa sasabihin ko. Hahaha! ayaw talaga ipaalam surname nya. MAmaya naman siguradong sasabihin ng Prof namin yung surname nya. Haha!

"Nice to meet you, MK and KM!" sabi ni Baro tapos ngumiti ulit.

Ohmygosh! Malalaglag na ata puso ko!

"Sige. Nice to meet you too! Alis na kami malelate na kami." sabi ni Babes KM kay Baro. "Halika ka nang malandi ka. Kukurutin ko na singit mo!" bulong nya naman sakin.

Takot ako makurot kaya mabilis akong tumakbo papunta sa direksyong sinabi ni Baro.

Pagdating sa room namin, wala pa yung Prof namin kaya naghanap na lang muna kami ng mauupuan. after 15 mins ay dumating na yung Prof at sinabi na bukod samin ni Babes, may isa pa daw transferee syang kasama.

"RAVI!???"

" Hi MK!" He said grinning then sat beside me.

Sa tabi ko nalang kasi may extra chair.

Ugh! Bakit?! Bakit?! Bakit?! Bakit ba lagi naman may sumisira ng araw ko?!!!!! T_T

Torn Between Three HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon