TBTH-6
RAVI'S POV
"Ravi, bumaba ka dyan at magmano ka sa Tita Kate mo!" si Mommy habang kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Opo!"
Kasama kaya ni Tita si MK? Sana.
Pagbaba ko sa sala.
"Hi Tita!" sabay mano.
"Godbless, anak." sabi ni Tita Kate pagtapos ko magmano.
Teka, wala syang kasama? Sayang! Wala akong maaasar.
Nag uusap na silang mga oldies. Haha! Sibat na ko. Di ako makakarelate sa kanila.
"Mom, sa kusina na ko ah?" tapos tumango lang si Mommy.
Kumakain ako ng cookies na ginawa ni Mommy nung bigla ko marinig yung usapan nila.
Di ako chismoso. Malakas lang talaga sila mag usap. Tapos nakuha lang nung usapan nila yung atensyon ko. -_-
Eh bakit ako nag eexplain wala namang nagtatanong?
Baliw na ata ako. Haha!
'Bessy, ano kayang gagawin ko? Lilipad ako papuntang Singapore next week at wala ng maghahatid sundo kay MK ko.' - Tita Kate
'Edi ikuha mo ng driver, Bessy.' Mommy
'Di naman yun papayag. Mas gusto pa nya nga mag commute kung di ko sya napilit na ihahatid sundo ko sya.'
'Edi pagcommute-tin mo. Bessy naman. Malaki na anak mo. Kaya na nya sarili nya.'
'Edi ako naman napagalitan ni Melvin. Alam mo namang over protective yun sa anak nya.'
'Hay naku naman Bessy. Bakit kasi di mo hayaang mag aral magdrive para di kana namomroblema?.'
'You know we tried. Si MK ang may ayaw. Mukhang natrauma talaga sya noong naaksidente sya sa bump car sa amusement part noong bata pa sya.'
Mukhang ito na ang right timing!
Dali dali akong naglagay ng juice sa baso ko at naghawak ng dalawang pirasong Cookies bago lumabas ng kusina. Kailangan may props. Hahaha!
"Tita, gusto mo ako na lang? Pwede ko naman sya daanan every morning. At ihatid kapag uwian na. Magkaklase naman kami eh."
"Sigurado ka Ravi?" nag-aalangang tanong ni Tita Kate.
"Opo. Yun ay kung gusto nyo po." Haha! kailangan cool lang ako.
"O sige. Sasabihin ko sa kanya na sasabay na sya sayo mula bukas. Salamat Poging inaanak!"
Ninang ko si Tita. Pero di ako nasanay na Ninang ang tawag sa kanya.
"Tita, may bayad yun. Haha!"
"RAVI!" suway ni Mommy.
"Hindi. Okay lang yan Rachel. Anong bayad Ravi? Magkano?"
" Marami na kong pera Tita. Haha!"
" Eh ano yon?"
"Secret muna sa ngayon. Haha! Sige po Tita Ninang kong maganda. akyat na ko sa kwarto. Ako na po bahala kay MK." sabi ko at iniwan na sila ni Mommy.
-KINABUKASAN-
MAE KAREN'S POV
*Car beeping*
Ugh! Leche Ang aga aga pa!
*car continuously beeping*
Shet!
BINABASA MO ANG
Torn Between Three Hotties
FanfictionTORN BETWEEN THREE HOTTIES PROLOGUE Anong gagawin mo kung may tatlong hotties ang sabay sabay mong magustuhan? Paano kung lahat sila ay gusto ka? Sinong pipiliin mo? Pipiliin mo ba ang taong mas bata sayo pero mature mag isip? O yung kaedad mo pero...