TBTH4

46 2 0
                                    

TBTH-4

MAE KAREN'S POV

Asan na ba si Malabanan? Ang tagal talaga nun. Tsk! Sabi on the way, panigurado kakagising lang nun.

Boring naman tumambay dito sa Incle Quad. Palibhasa may event dun sa Incle Grounds wala ka ng makitang estudyante dito.

Hay! Ang tagal mo Kathy Malabanan! >_<

" Ikaw ba si MK na galing BANA University?!" tanong ng isang babaeng bigla nalang sumulpot sa harap ko. Taas ng kilay! Kulang nalang umabot sa langit. -_-

"Oo." tipid kong sagot.

" Ikaw ba yung lagi kasabay ni Mino ko kumain?!"

Mino ano daw?

"Mino Song pangalan nya. Hindi Mino Mo. Asa!" pabalang kong sagot.

"Aba! Bastos ka ah! Malandi ka!!!"

Sasabunutan nya sana ako. Kaso may humawak sa kamay nya.

Yieee! Hero! *^O^*

"Jewel hanggang kailan ka mangbubully ng mga bagong estudyante dito?"

Oh Em! Baro Kwon! kyaaaa~

"Tumigil ka nga Baro! Wag ka makialam dito. Masyado kang bata para makisali dito!" pagtataray parin nitong  tinawag na Jewel.

"Wala sa edad ang pagtatama ng maling gawain mo. Di dahil kayo ang may ari ng school na to ganyan mo tatratuhin ang mga estudyante. Act on your age Jewel." mahinahon pero halata ang inis sa boses ni Baro.

"Ah! How dare you?! Wala kang karapatang pangaralan ako. Mabuti nalang pala nakipagbreak ako sayo!"

Wow?! Naging sila? Ay loka to si Jewel. Nagsayang ng gwapo.

" Mabuti ngang binreak mo ko. Kesa ako ang nakipagbreak sayo edi lalong naghimutok yang butche mo."

Pagkasabi ni Baro non, lalong nagusot yung mukha ni Jewel. Halos lumampas na sa langit yung kilay nya. At kulang nalang may lumabas na usok sa ilong at tenga nya.

BOOM! HAHAHAHA! NASUPALPAL KA NGAYON? TARAY TARAY KASI. hahahaha!

"Tara na MK." pag aaya ni Baro.

Sino ba naman ako para tumanggi sa gwapo?

"Sige."

Tahimik lang kami naglalakad. Di ko alam saan kami pupunta. Sumusunod lang ako sa kanya. Bahala na kung saan nya ko dalhin. Gwapo naman sya eh. Hahaha! Ang landi ko. Pasensya na. Mahilig lang talaga ako sa gwapo. Hoho!

"So, what are you doing there... alone?" bigla nyang tanong.

"I'm waiting for KM. But then, That Jewel girl came up. Oh!  Thanks for saving me. ∩__∩"

"Stop smiling. I might fall for you."

" Huh?!"

"Walang ulitan sa cute na bingi. Haha!"

Narinig ko naman! Di ko lang na-gets. Psh!

Stop smiling? He might fall for me???????

Edi mas mabuti! Hahaha!

"Oo nga pala. Pamilya ni Jewel ang may ari ng Incle University?" pag iiwas ko ng topic. awkward din pala. Haha!

"Yup! Bunsong anak sya ng may ari."

"Ahhh... Naging kayo?" nakakahiya pero gusto ko itanong eh hahaha!

"Sabi na nga ba itatanong mo rin eh." nangingiti nyang sabi.

"Bawal ba? Sige wag mo na sagutin."

"De, Okay lang. Naging girlfriend ko sya for 3months. No feelings involve. Kailangan ko lang sya ligawan para tigilan na nya yung classmate ko na parati kong kasama. Gustong gusto nya daw kasi ako at sa kanya lang daw ako."

"Ang possessive!" bulong ko.

"Oo. Possessive sya. Spoiled bratt. Kaya gusto nya lahat makukuha nya."

"Naging masaya ka sa kanya?" tanong ko ulit. Kung di nyo naitatanong. Matanong talaga ako. Hahaha!

"You are most inquisitive one huh?" natatawa nyang sabi.

"Pwede mo naman di sagutin kung di ka kumportable. Hehe!"

"Malakas ka sakin. Sasagutin ko lahat ng itatanong mo. Haha! Masaya naman sya kasama eh. Kaso nga lang may madikit lang na ibang babae sakin. Pagtitripan na nya agad. Nagsawa ako kasi ganun nalang ng ganun. Kaya hinintay ko nalang na i-break nya ko." -Baro.

"Eh bakit hindi ikaw yung nakipagbreak?"

"Kasi po..." kinurot nya ng marahan yung ilong ko. "kapag ginawa ko yun. pangit. Pangit tingnan na lalaki yung nakikipagbreak sa babae. Tsaka masyadong mahina ang mga babae. Si Jewel, akala mo lang ganun yun. Pero ang totoo  mabait yon. Weak. Pinagmumukha nya lang matapang ang sarili nya. Kaya mas ayos na sya yung nakipagbreak. Atleast after nun may naipagmalaki pa sya. Na pinagsawasaan nya lang ang isang Baro Kwon na hinahangad ng maraming babae sa school."

"Whoooo~! Teka ah! Liliparin ako ng hangin! Ang lakas grabe!"

"Hahaha! Ang kulit mo. Bakit hindi ba ko gwapo?"

"GWAPO!"

"o yun naman pala eh. Hahaha!"

Natapik ko ang bibig ko. Gaga kang bibig ka! Di ka marunong magpigil! aaaah! Nakakahiya!

" MK, pano kung..."

"MK! TARA NA! DI NA PAPASOK SI KM. NAKITA KO KASAMA YUNG MOMMY NYA!" sigaw ni Ravi.

Di ko pinansin si Ravi.

"Ano nga yun Baro?" tanong ko.

"Ah. Wala. sige na. I'll see you around." tapos nauna na syang umalis.

Hay~

"Kahit kailan talaga! Panira ka! Nakakainis ka Ravi!"

"Sige mainis ka sakin. Di kita ihahatid. Di ka pa naman susunduin ni Tita."

"at bakit?!"

"Ewan ko. Nagtext sakin iuwi nalang daw kita eh."  kibit balikat nyang sabi.

"Ugh! I hate you! Asan na Kotse mo?!"

"wushuuu! You hate me. Sabay hanap kung asan yung kotse ko."

"Dalian mo na!"

"Edi halika na Bansot!" sabi nya sabay takbo.

"Walangya ka talaga! Yari ka sakin mamaya!"

"Bilisan mo nalang! Ikli kasi ng mga binti! Hahaha!"

"Leche ka Raviiiiiiiiii!" sabay takbo din.

Nung makarating ako sa tapat ng kotse nya. Si Ravi prenteng prenteng nakasandal sa Kotse nya.

Akalain mo nga naman...

May itsura din pala tong Asungot na to. Hmm!

"Tagal mo! Magpatangkad ka nga!" sabay bato sakin ng mineral water.

>_< wala akong sinabe kanina!  Bwisit!

"LECHE! TARA NA!"

Tahimik lang ako habang bumabyahe pauwi. Samantalang yung driver ko daldal ng daldal. Ay bahala ka dyan! hmmp!

"Baba na."

Napatingin naman ako sa labas. Nakatulog pala ko.

"Subukan mo ko i-appreciate minsan. Tagal ko ng nagpaparamdam. Mahid mo lang."

"Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Nagpapraktis lang ng dialogue. Bumaba kana Bansot."

"Bwisit ka! di ako bansot! hmmp!" padabog akong bumaba at isira ang pinto ng kotse nya.

Tapos umalis na rin sya.

Bakit ang we-weird ng mga tao ngayon?  Kung ano ano sinasabi. Di ko maintindihan!

Bahala na nga!

Torn Between Three HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon