TBTH9

31 1 0
                                    

TBTH-9

MAE KAREN'S POV


Ang bilis nga naman talaga ng panahon.

Parang kahapon lang kakalipat lang namin nila KM at Ravi dito sa Incle university.

Parang kahapon lang natulala pa ako kay Baro nung makita namin sya sa hallway noong firstday of school.

Parang kahapon lang tinulungan ako ni Mino sa pagbuhat ng tray ko sa canteen.

At parang kahapon lang ng makaramdam ako ng kakaiba towards Ravi.

Noong una, di ko maintindihan kung bakit sa tuwing lalapitan ako ni Ravi ng sobrang lapit ay kinakabahan ako. Inisip ko nalang na takot ako sa kanya. Kaya sinubukan ko syang layuan. Habang wala si Mama, si Ravi ang naghahatid sundo sakin. Pero dahil nga sa kakaibang nararamdaman ko tuwing lalapit sya sakin. Iniwasan ko sya. Kay KM ako sumasabay papasok at pauwi. Sa school hanggang kaya ko syang iwasan, ginagawa ko. Pero isang araw nung di na nya ko pinansin dahil siguro nasawa na sya sa kakahabol sakin, para akong nasaktan. Hindi ko alam pero yung mabilis at masayang tibok ng puso ko, napalitan ng sakit. Yung pakiramdam na parang ang sikip at ang sakit sa puso. Di ko nga namalayan na umiiyak na pala ako nun kung di lang ako napansin ni KM.

Si Baro, sa tuwing kausap ko sya, pakiramdam ko kahit kailan di ako mabobored. Ang lakas ng sense of humor nya. Kapag kasama ko sya wala kaming gagawin kundi ngumiti at tumawa lang. Yung sinabi nya noon na, I might fall for you. Ako pa ata ang tinamaan. Sa tuwing magkasama kami, hindi ko nararamdaman yung kaba katulad ng nararamdaman ko kay Ravi. Pero sya yung nakakapagparamdam ng feeling na para na akong mauutot sa sobrang kilig. Parang may kumikiliti sa tyan ko. Basta ganun! Ang weird pero ang saya. Kakaiba pero gustong gusto ko maramdaman. Sinabi ko kay KM yon. At sabi nya, siguro gusto ko nga sya. Hindi lang impatuations. Nagulat na nga lang ako noong isang araw na may binigay na naman syang card. Pero walang ng nakalagay na codename sa labas ng envelop. Nagulat nalang ako ng sabihin nyang 'Ako si Mr. CHINITO' yung ngiti sa mukha ko noon, di ko alam kung obvious bang masayang masaya ako sa sinabi nya o kung naitago ko pa kahit papano.

Si Mino, kapag kasama ko sya natututunan ko magmature. Alam mo yun, yung mga nasasabi ko may sense na. Haha! Di katulad kapag kausap ko si KM o si Ravi. Isa pa sya! Napaka gentleman nya. Alaga kung alaga. Care kung care. Kapag kasama ko sya okay lang. Normal feeling. Pero nung isang beses na bigla nya kong niyakap sa  sobrang tuwa nya dahil nag top sya sa first term it feels awkward pero alam mo yun. 'wag mo na ko bitawan. Gusto ko na dito sa arms mo forever feeling.' Diba ang landi? Haha! Pero yun yung nararamdaman ko eh. Kapag kumakain kami, at napapansin nyang may dumi sa bibig ko. Pinupunasan nya yun. Lagi narin nya kami hinahatid ni KM sa room after lunch kahit pa malelate na sya. Kapag kasama ko sya feeling ko napaka special ko. Di ko na nga lang rin namalayan, gusto ko na pala sya. Di ko na lang sya basta crush. Kapag di kami kumakain ng sabay, wala akong gana. Kahit minsan para nya lang akong nakakabatang kapatid ituring. ewan ko. pero masaya ako at gusto ko ang nararamdaman ko.


"Ugh!! MK ANO BA?! KANINA PA KITA KINAKAUSAP!" sigaw ni KM sa mukha ko mismo.

Babaeng to! Walang manners! Halos paliguan ako ng talsik ng laway nya. Yuck!

"Ano ba yun?!" kainis eh!

"Kanina ka pa kinakausap. Di ka nakikinig!"

"Oh! Edi Sorry! Ano nga kasi?!"

Ge, magsisigawan kaming dalawa kahit magkatabi lang kami. Hahaha!

"WALA!" Sabay irap.

Ay ang bruha! Malaki ang galit.

Lambing mode on!

"Sorry na babes. Ano na kasi yon? Bati na tayo." Please lang kumagat ka. Haha!

"Nakakainis ka talaga. hmmp!"

Nagpakipot pa. Konyatan ko to. Haha!

"Sorry na. Dali na ulitin mo na makikinig na ko. All out pa! yieeee!"   wag kanang pakipot Malabanan please! Haha!

"Sabi ko, samahan mo ko manood ng Fifty shades of Grey."

Nagulat ako sinabi nya.

"Ano?! Pwede ba tayo dun? Hoy Kathy! alalahanin mo 19 palang tayo."

"Wag ka pademure bakla ka! Nagbasa ka naman ng Book nun. Kunyari pa."

"Eh basa lang. Hahaha!"

"R18 naman eh. nood na tayo." sya naman naglambing. Haha!

"Sige na nga. Pogi ni Christian Grey! Hihi!"

*Pak*

"Aray! bakit mo ko binatukan?" singhal ko sa kanya.

" Kalandian mo na naman! Di mo pa nga masolusyunan yang problema mo eh!"

"Kaya nga manuod nalang tayo para kahit pano makalimutan ko. Haha!"

"Hilig mo kasi sa gwapo. -_-"

"Maganda kasi ako. :P"

"Anong konek?"

"Wala. hahaha!"

"Baliw kana! haha!"

" I know right!" tapos tumawa nalang kami ng tumawa sa mga usapan naming walang kwenta.

Yeah. My best friend is right. Im crazy. Im going crazy. Bakit kasi tatlo eh?! T_T

Torn Between Three HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon