TBTH3

56 2 0
                                    

TBTH-3

MAE KAREN'S POV

Sa dami dami ng taong magtatransfer din bakit sya pa? Nananadya ba sya?! Ugh! nakakastress!

"Wala pa kong ginagawa ganyan na agad mukha mo?" nang aasar nyang sabi sakin pagkaupo nya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" pabulong na sigaw ko sa kanya. (Meron ba nun? basta ganun! hahaha!)

"Sinisira ang araw mo." nakangisi nyang sagot.

"Babes palit nga tayong upuan." baling ko naman kay KM.

"Kapag lumipat ka, kahit saan susundan kita."

" Eh sinusundan mo naman talaga ako diba?!"

"hanggang ladies room susundan kita. gusto mo?"

" Bastos ka talaga kahit kelan!"

"Yes, Ms. Ang? Mr. Kim? May problema ba kayo?" tanong nung prof namin. napalakas ata yung sinabi ko. Nakakahiya! First day of class pa naman! Ugh!

"Sorry Ma'am."

"Yan kasi ang ingay mo. Haha!" pang aasar nya ulit.

Uh Good Lord! Bigyan nyo po ako ng mahabang mahabang pasensya sa taong to.

***

"Babes, bilis! Gutom na ko!" Pang aapura ko kay KM.

"Sandali naman! Makapagmadali. Gutom na gutom?"

"Wag kanang ano dyan. Di kita ililibre. Sige."

"Ay ganun ba, tara na tara na!"

Tamo to. Basta libre ang bilis!

"Ako? Di mo ko aayain?" bilang harang sakin ni Ravi.

"Manigas ka dyan!" tapos iniwan na namin sya sa room. bahala sya dun! Mag isa sya.

"Di kaba naaawa kay Ravi na di mo sya inaya? Bago lang din sya sa school na to. Wala pang kakilala yun."

"Hayaan mo sya Babes. Kailan ka pa naging concern sa kanya?"

"Ngayon lang. Nakakaawa itsura nya kanina eh."

" Wag  ka nga! Korni mo pa awa awa kapang nalalaman dyan."

-Canteen-

"Ikaw na order Babes. Hanap na kong mauupuan. Damihan mo ha? Daming masarap na food eh." -KM

" Takaw!"

" Mana lang sayo. Hahaha!" nang aasar nyang sabi sakin.

Inirapan ko sya at pumila nalang sa bilihan ng pagkain. Nung ako na, inorder ko nalang kung ano yung masarap sa tingin ko. Nakakatakam sa picture sa menu eh baka masarap nga. Hahaha! Hinanap ko kung saan umupo si KM para di na ko maghahanap habang hawak ko yung order namin. Medyo may kalayuan yung napwestohan nya.

"Here's your order Ma'am!" sabi nung crew.

" Thanks!"

Bubuhatin ko na dapat. Kaso may pahabol pang isang tray si ateng crew for the drinks. bakit kasi di nagkasya sa isang tray lang!

"I'll help you." sabi ng isang boses sa tabi ko.

agad naman ako napatingin.

●0● ang gwapooooooooo!

"S-sige." nasabi ko nalang unconsciously.

"Miss palagay nalang yung order ko sa tray ng drinks nya. Ako na magdadala." sabi ni Gwapo.

" Okay sir. Here Sir. Thank you!" sabi naman nung crew.

Ay si Ate. pa-cute din. Hahahaha!

"San ba table mo?" tanong nya.

" Doon lang. dun sa Babaeng may red headband sa may door malapit." sagot ko.

"Okay. Let's go."

"Sige." tapos sumunod na lang ako sa kanya. Grabe! Nakatalikod sya sakin pero ang gwapo gwapo nya. Ang swerte ko naman dito sa school na to! Hihi!

Pagdating namin sa tapat ni KM, agad nya ko sinalubong ng nagtatanong nyang mga tingin.

Umiling lang ako. Gets nya na yun. Haha!

"Pwede bang makitable na ko sa inyo? May uupo ba dito?" tanong nya.

"Wala. Sige okay lang." mabilis pa sa alas kwatro kong sagot sa kanya.

Habang kumakain, di ko mapigilang mapatingin sa kanya. Nakakailang beses na akong sinisiko nitong katabi ko kapag napapatagal yung titig ko.

"Ano palang Course nyong dalawa?" biglang tanong ni Gwapo.

"Hospitality Management." sagot ni KM.

Ang tipid! Naiinis na tong bestie ko for sure. Hahaha!

"Oh, sa kabila lang pala ng building na pinapasukan ko." nakangiti nyang sabi.

Ay! Heaven on earth! ANG GWAPO NYAAAAAA!

"Babes, tissue oh. tutulo na laway mo." -KM

agad naman ako napahawak sa may labi ko.

"Di naman ah!" singhal ko sa kanya.

"Kung makanganga ka kasi kulang nalang pasukan ng langaw bibig mo."

Inirapan ko sya.

"Ang cute nyong magkaibigan. Haha!" yung tawa nya! oh Lord! bakit ganito po kagagwapo mga tao dito?(*^﹏^*)

" By the way, I'm Mino. Mino Song." sabay abot ng kamay nya.

agad kong inabot yun at nagpakilala din.

" MK. short for Mae Karen. Sya naman bestfriend ko. si KM. Kathy..."

"KM nalang." pagputol ni KM sa muntik ko ng pagsabi ng surname nya.

" Nice to meet you girls. I have to go. Nga pala. nagmamasteral na ko. sa kabilang building nyo lang ako. bye! Thank you sa pagpayag na sumabay ako kumain sa inyo. Cute nyong mga bata." tapos umalis na sya.

Napatulala ako sa huling sinabi nya.

Mga bata.

"BOOM! hahaha!" pang aasar ni KM.

"Sakit Babes!"

" Hahahaha! bleeeeh!

" ang sama mo!"

"Buti nga sayo. Lahat nalang ng makita mo gusto mo eh hahahaha!

"che!"

***

"How's your first day Ladies?" tanong ni Mama pagkasakay namin ni KM sa kotse.

"Ayun Tita. same lang din. Kaso yang anak nyo. Wala ng ginawa kundi ngumanga at mag laway sa mga gwapong nakikita nya." natatawang pagkukwento ni KM kay Mama.

"uy di ah!" pagtatanggi ko.

" Balita ko nga ay mga gwapo ang nag aaral dyan. Karamihan."  - Mama

"Opo Tita  karamihan lang. hindi lahat. yung Iba feeling gwapo lang." -KM

" Parang si Ravi. Feeling gwapo.. psh!"

" Uy naalala nya si Ravi!" panunukso ni Mama.

"Maaaaa!"

"Okay. hahaha!"

tss tong Mama ko.  Lakas din mang asar. Nakakabadtrip bakit nga ba nasabi ko pa yung pangalang yun. haish!

Torn Between Three HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon