TBTH7

33 2 0
                                    

TBTH-7

BARO'S POV

Ano ba ni MK yung Ravi na yun? Mas gwapo naman ako dun. Haha!

Sana magustuhan nya yung sinulat ko. Haha! Kahit ang korni ng codename. -_-

Noona na sya para sakin. Pero okay lang. Simula naman sa first girlfriend ko. Noona na ang gusto ko.

Paano ko kaya sya maaya lumabas? Hanggang kailan ako magpipigil?

Paano ba dumiskarte sa kanya? Pucha! Naturingang malakas sa babae, pagdating kay MK. Nga-nga?! Haist!

*FlashBack*

"Hoy Bro! Lalim ng iniisip mo. Yan ba yung babaeng lagi mo sinusundan?" Tanong sakin ng barkada kong si Gongchan.

"Bro, paano manligaw? Haha!"

*Pak* "Lul ka! Ikaw pa ang nagtatanong sakin nyan e dami mo ng naging ex-girlfriend!"

"Sira ulo ka Gongchan! Bakit ka nambabatok?!" sakit nun ah.

"E bakit nga ba nagtatanong ang isang Baro Kwon ng panliligaw, nakukuha mo naman babaeng gusto mo kahit tingnan mo palang." tanong naman ni Cnu.

"Gusto ko lang masubukan. Haha!"

"Ulol! Si MK yan no?!" malakas na tanong ni Sandeul.

"Amp! Wag kang maingay. Gag* mo!" sabi ko kay Sandeul.

"hahahaha! Ayun! Buking! Yon ba yung pangalan nung babaeng lagi nyang sinusundan dito sa school? Gamit na gamit pagiging Spy nya." natatawang sabi ni Jinyoung.

"Amp! Wag kayong maiingay!"

"IKAW ang maingay eh! Lakas ng boses mo!" Natatawang sabi ni Cnu.

Napakamot nalang ako ng batok. Daldal nitong si Sandeul. Asar!

"Kindatan mo lang yon Baro. Bibigay din yun sayo." Sabi ni Gongchan habang tinatapik ang balikat ko.

"Lul! Iba yun sa mga ex ko. Ibang iba. Kaya nga gusto ko ligawan eh."

"Edi ligawan mo!" -Jinyoung

"Hindi nga ko marunong! Nak ng!"

"Ganto nalang. Ayaw mo pa sabihin sa kanya?" -Cnu

"Oo. Natotorpe ako."

"Edi, daanin mo sa sulat. Bigyan mong sulat araw-araw." -Cnu

"ha?! Sulat? Edi, nalaman nya!" - Sandeul

"Hindi naman papangalan eh." - Cnu

"Ah! Parang secret admirer?" Tanong naman ni Gongchan.

"Nakuha mo!" -Cnu

"Parang ang baduy mga Bro!" reklamo ko.

"Edi wag kanang tulungan!" Sabi ni Cnu tapos tumayo silang apat sa mga upuan nila.

"Saan kayo pupunta?"

"Uuwi na. Wala kang kwenta!" -Jinyoung

Sira ulo tong mga to. Eh sa ang korni nga. -_-

"Amp! Oo na! oo na! Pano ba gagawin ko?"

Mga plano naman nitong mga to. Parang di ako bilib. Ang baduy!

Umupo sila ulit.

"O isip na tayong Codename mo." - Sandeul

"MR MAGNET!" suggestion ni Jinyoung.

"Bakit Mr. Magnet?!" Tanong ko.

"Magnet ng babae! HAHAHA!"

"Gag* ka Jinyoung! Dyan palang basted na! Haha!" natatawang sabi ni Cnu.

"Wink Man!" suggestion naman ni Gongchan.

"Bakit? Wink Man? Parang dun sa Dream Dad lang. Haha!" tanong ni  Sandeul.

"Kasi, isang kindat lang nagkakagirlfriend na sya." -Gongchan

*Pak*

uhm! Hahaha! Nakaganti din ng pambabatok haha!

"Sabing iba nga sya sa mga ex ko." Sabi ko sa kanya.

"Gumanti ka lang ng pambabatok eh." reklamo niya.

"Haha! Quits na!"

" Pretty Boy." suggestion naman ni Sandeul.

"Ayoko! tunog babaero!" Reklamo ko.

"Bakit di ba totoo?" tanong sakin ni Sandeul.

Tinaasan ko lang sya ng Middle finger. Tapos tumawa sya ng tumawa.

"Haha! Eh kung... Mr. Chinito?" suggestion naman ni Cnu.

Napaisip ako.

"Parang ang korni?"  tanong ko.

"Ayos na yun! Korni ka rin naman! Hahaha!" Sabi ni Jinyoung.

Tinaasan ko rin sya ng middle finger.

"Sige na nga. yun nalang." Pagpayag ko na. No choice eh.

*EndOfFlashBack*

Pucha! Ang korni talaga.

Sana basahin nya yun ng mag isa lang sya. Kasama nya na naman yung Ravi na yun. Kaya di ako makaporma eh. May bumabakod na.

Pero kahit ganun. Basta! May the best man wins nalang! Hahaha!

*phone ringing*

*Kuya Calling...

/Baro, uwi ka daw maaga mamaya sabi ni Mama. Baka late ako makauwi./ -Kuya

"Ge."  walang gana kong sagot tapos binaba na nya.

Di kami close. -_-

"Bakit di maipinta mukha mo?" tanong ni Gongchan.

"Wala. Uwi na ko."

half day lang naman klase ko  kaya uuwi na ko. Nawalan na rin akong gana.

"Bro, Kasama na naman ng Kuya mo si MK." turo ni Sandeul dun sa table na inuupuan nila MK.

"Uwi na ko." tapos iniwan ko na sila.

Bakit ba lagi nalang din sya kasama ni MK? -_-

Tsk! Bahala na nga.

Torn Between Three HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon