TBTH-8
MINO'S POV
-Lunch Break-
"Hi!" bati ko sa dalawang babaeng kaharap ko.
"Oh, Hi!" Bati rin nila sakin.
Ang ganda talaga nito ni MK. Sayang nga lang mas bata sya sakin.
"Ano yang hawak mo Mk?" para kasing pamilyar.
"Bigay sa kanya ng secret admirer nya." Sagot ni KM.
"Ah talaga?"
"Bakit parang nalungkot ka Mino?" Biglang tanong ni KM. Napatingin din sakin si MK.
"Di ah. Tara order na tayo."
"Ay wait lang." sabi ni Mk tapos binaba nya yung card.
'You Smile, I Smile'
Tinitigan kong mabuti yung card. Pamilyar talaga sakin eh.
*FlashBack*
*knock-knock*
"Tuloy!" tugon nung nasa loob ng kwarto.
"Baro, may extra folder ka ba dyan? Pahingi ng isa."
Tumayo sya mula sa study table nya at pumunta sa drawer malapit sa kama nya.
Kailan pa sya gumawa ng ganito? 'You Smile, I Smile' yun yung nakalagay sa harap card.
Si Baro nagbibigay ng cards? Talaga?
"Oh." pag-aabot nya nung folder sakin.
"Salamat." tapos lumabas na ko ng kwarto nya.
*EngOfFlashBack*
So kung tama ang hinala ko, Si Baro ang nagbigay ng card sa kanya?
"MK, okay lang magtanong?" sya yung kasama ko umorder ng pagkain.
"Yeah. Ano yun?" inusenteng tanong nya sakin.
Kaya attracted ako eh. Tsk!
"Kilala mo nagbigay ng card sayo?"
"Inabot ni Baro kaninang umaga. May nagpapabigay daw. Haha! Ang korni nga ng codename nung nagpabigay eh. 'Mr. Chinito' daw. Hahaha!"
"Haha! Torpe ang loko."
"Ano yon?" gulat nyang tanong sakin.
"Ah wala. Haha! Sabi ko ang korni nga. Haha!"
"Haha! Oo nga eh. Pero ang sweet nung mga sinasabi nya. Kinikilig ako. Haha!" komportable nyang sabi.
Aray ko po! MK, be sensitive. Haha!
Sa lahat ng magugustuhan ng kapatid ko. Yung babaeng gusto ko rin? Pambihira naman. Minsan nalang makagusto ng babae. Karibal pa ang kapatid. Tsk tsk!
Lalong lalayo loob nya sakin kapag nalaman nyang gusto ko rin ang babaeng gusto nya.
Oo, kapatid ko si Baro. Magkaiba man kami ng apilyido. Iisa lang nanay namin.
Daddy ko ng unang asawa ni Mama. Mark Song pangalan ni Daddy. Kaya Song ang surname na gamit ko. Pero baby palang daw ako ng mamatay ang daddy ko.
3years old ako ng magpakasal si Mama kay Mr. Kwon. Bernard Kwon ang pangalan ng Papa ni Baro.
Tinuring din akong parang totoong anak ni Papa Bernard. Kaya pakiramdam ko buong buo ako kahit di ko sya tunay na ama. Di na napalitan ang surname ko dahil ayaw pumayag ng mga Grandparents ko. Yung parents ni Daddy.
5 years old si Baro nung namatay ang Papa nya. 9 years old naman ako.
Noon okay pa kami. Close pa kami.
Pero noong nalaman nyang magkaiba kami ng Tatay doon na nagsimulang magbago ang pakikisama nya sakin.
Madalas kasi syang napapagalitan ni Mama. Kaya simula noon iniisip nya na mas mahal ako ni Mama dahil anak lang daw sya sa pangalawang asawa.
Simula noon, di na nya ako masyadong kinakausap. Pakiramdam na kakumpitensya nya ako. Kahit hindi.
"Oy, Mino! Hello, earth to Mino?" sabi ni MK habang kinukuha atensyon ko.
"Ano nga ulit yon?" nahihiya kong tanong.
"Woooooh! space out! Haha!" - KM.
"Wala ng ulitan sa nag sspace out. Bleeeeh!" - MK
"Haha! May inisip lang ako." tumingin ako sa relo ko. "Malapit na pala mag time. una na ko ah?" tapos umalis na ko.
Nakakahiya. Sa harap nya pa ko nag space out. Bawas pogi points. tsk tsk!
Pero di pa ko nakakalayo ng makarinig ako ng ingay.
'Malandi ka talaga! Lahat nalang ng Gwapo sa school na to nilalandi mo!'
'Aray ko! Let go of my hair!'
'Bagay lang yan sayo!'
'Bitawan mo sya Jewel! Ano ba?!'
'Wag ka makialam! Girls hawakan nyo yang alipores ng malanding to!'
'Ano ba?! Masakit! Bitawan mo ang buhok ko!'
May nag aaway?
Paglingon ko, Si Jewel? MK? KM?
Napatakbo ako pabalik sa table namin.
Pero bago pa ko makalapit, nandun na si Baro at napigilan na si Jewel.
Mukhang galit sya. Alam ko kapag galit sya. Lalong nawawala mata nya.
Naglakad na ako ulit papunta sa room ko. Ligtas naman na si MK. Alam kong di sya pababayaan ni Baro .
Ganito na kalalim ang pagkagusto ni Baro kay MK?
Hahayaan ko na ba sya sa kapatid ko?
Paano naman ang nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Torn Between Three Hotties
FanfictionTORN BETWEEN THREE HOTTIES PROLOGUE Anong gagawin mo kung may tatlong hotties ang sabay sabay mong magustuhan? Paano kung lahat sila ay gusto ka? Sinong pipiliin mo? Pipiliin mo ba ang taong mas bata sayo pero mature mag isip? O yung kaedad mo pero...