CHAPTER 6

1.8K 24 4
                                    

CHAPTER 6

A/N: Hi guys! IMY ALL! 💜Hope you still reading this story. Pasensya nanaman ulit at it takes me a month to update 😂 At sa mga nagtataka kung bakit wala na yung RPW account ko, matagal ko na pong na delete yun. Babalik din siguro ako pag may time na. Nilamon ulit kasi ako ng ML na yan 😂 pengeng ka-duo. Anyway, thankyou sa mga nag a-add to library ng story na to.
Keep voting and comments! 😚

MARAHAN NA TINAHAK NI LUNA ang hall way patungo sa Department niya matapos siyang ihatid ni Magner sa Building na pinagta-trabahuhan niya.

Hindi niya talaga malaman kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking yon.

Sunod sunod na yung pagpapakita sa kaniya.

Binalewala muna ni Luna ang iniisip at napatingin sa mga departamento na malalampasan niya.

Napaaga siya yata ngayon dahil sa paghatid sa kaniya ay hindi na siya nakaabot ng subrang traffic sa daan.

Napapangiti nalang siya ng may mga empleyado din na hindi niya ka departamento ang bumabati sa kaniya ng 'magandang umaga' sa tuwing may makakasalubong siya nito.

Madalas mga lalaki ang bumabati kay Luna.
Sino ba naman kasing lalaki ang hindi mapapatingin sa kagandahan nito. Pero hindi naman napapansin at binibigyan ng motibo ang mga tao sa paligid niya.

Madami na ding nagkakagustong lalaki sa kaniya sa companya pero naka focus lang siya sa trabahu.

Hindi naman sa ayaw niya talagang magka jowa pero hindi lang talaga siya nagbibigay ng atensyon sa mga lalaki lalo pa pag relasyon ang pag-uusapan.

Hindi niya din lubos maintindihan sa sarili niya kung bakit wala pa talaga siyang balak mag relasyon.

Minsan nga napaisip nalang siya na baka, hindi pa siya nagkakajowa ay dahil hindi pa ito maka move on sa ex niya?

Pero hindi niya naman maalala na may nakarelasyon ito noon.

At ang sabi lang sa kaniya ng best friend niya na hanggang crush lang siya noon sa mga lalaki.

Hindi maalala ni Luna ang isa sa mga crush niya na naging kauna-unahan niyang jowa noon.

Si, Cohen Lucas ang half brother ni Magner.

Dahil nilihim nila ito ng kasintahan niya sa lahat ng tao maging sa best friend niya sa kadahilanang hindi siya nagustuhan ng ina ni Cohen para dito.

MAHINANG NAGTITILIAN ang mga empleyadong babae sa likuran niya.

Hindi mapigilang magtaka ni Luna kung sa kaniya ba nagtitilian ang mga empleyong babae na iyon. Nang marinig niya ang iba sa kanila na bumati sa likuran niya.

"Good morning Sir White." Bati ng mga babaeng empleyado sa kasunod niya.

"Good morning too." Pabalik naman na bati ni Mr. White sa kanila at nagtilian pa ang mga ito.

Kaya napagpasyahan na din ni Luna na tumigil muna sa paglalakad at humarap sa anak ng may ari ng MW Toys Product Company bilang respeto na din at batiin ito.

Pagharap niya ay hindi siya nakabati agad sa kaharap niya. Paano ba naman kasi napakagwapo nitong tignan sa business attire nito at para lang itong modelo na nag e-endorse ng mga mamahaling damit.

WANTING HERWhere stories live. Discover now