CHAPTER 9
A/N: Hi sexy! Thanks for voting and also shout-out to my lovely small followers💌ILY😙
NAIWANG NAKATAYO SI LUNA SA LOOB ng condo unit niya. Panay lakad lang nito pabalik-balik habang nakawahak ang isang kamay nito sa bibig niya at lutang nanaman na na stock sa nangyari kanina.
Lihim siyang nainis sa inakto ni Magner pero mayamaya pa ay pangiti-ngiti rin ito dahil hindi naman maitatanggi ni Luna na nagustuhan niya rin ang paghalik sa kaniya ni Magner.
Mahina niyang tinapon ang katawan niya paupo sa couch habang malalim na nag-iisip.
"Kiss lang naman yun eh! Ilang beses ng nangyari Luna naiilang ka pa rin? Hays." Napahilamos ito ng mukha at inabot ang cellphone sa mini table at nahiga sa couch.
"Pero.. saan naman kaya sila pupunta ng mga kaibigan niya?" Pamaang kausap nanaman nito sa sarili.
"Ahh.. baka may urgent work." Sabay na gumalaw si Luna para maiba naman ang posisyon nito sa pagkakahiga at pa sideview naman itong nakatuon sa flat screen tv niya.
"Pero saturday naman ngayon di'ba? Impossible naman yun, si sir White nga day off na din ngayon." This time tumihaya naman siya ng pagkakahiga nakatingin lang ito sa kisame habang patuloy na kinakausap ang sarili.
"Normal lang siguro yun sa may mga malalaki at sikat na kompanya na maging busy ang may ari di'ba? Tama, tama." Kumbinsi nito sa sarili.
Mayamaya pa ay bigla itong napaupo at pinagtatapik nito ang sariling mukha.
"Lunaaaa. Tama ng kakaisip sa kaniya. Kung ano man ang gagawin niya ngayon, it's none of your business anymore." Pilit na pagpapaintindi nito sa sarili.
Pero normal lang naman na mag alala di'ba kasi magiging boyfriend mo naman yun! Sagot naman ng isipan ni Luna sa kaniya.
"Omo! Nababaliw na talaga ako kakaisip sa lalaking iyon, ayoko na!" Dali dali itong tumayo at tumakbo sa sariling kwarto.
Pagpasok nito sa kwarto ay agad na nag dial ng number at tinawagan ang kaibigan nito.
"Hello Vanilla? Come to my condo now!" At agad nitong pinatay ang tawag at mabilis na nagtungo sa cr para maligo at makapag ayos.
MATAPOS MA E-PARK NI MAGNER ang sasakyan kaagad siyang pumasok sa isang magarang club house.
Nang makita siya ng mga bouncer ay binati siya nito at malaya itong pinapasok at itinuro sa kaniya kung nasaang area ang kaibigan nitong si Todd.
Dahil malawak ang Expensive Club House na ito na pagmamay-ari ng isa niyang kaibigan na si Morris Henderson. May investment na rin siya sa Club na to kaya napabilang siya sa mga VIP at ang iba pa niyang mga kaibigan.
Kung tutuosin nga pwede na siyang manirahan dito o gawing rest house ang club na to. Naka desenyo kasi ito na parang hotel at kompleto pa sa mga services, tatawag kalang at mag-uutos kung kailangan.
Dahil nga VIP siya ay mayroon itong sariling kwarto sa club house na to na exclusive lang na para sa kaniya.
Pero hindi naman siya naglalagi rito, nagagamit lang niya ito sa tuwing naglalasing silang magkakaibigan.
YOU ARE READING
WANTING HER
RomanceWARNING: R-18 | SPG | Mature Content WANTING HER Magner Cox, a ruthless and a badass rich business man. He gets everything he wants. Until he met a woman named Luna Andres, she has amnesia because of car accident with her ex-boyfriend named Cohen L...