CHAPTER 7

1.6K 24 3
                                    

CHAPTER 7

A/N: Hi guys! Nakita ko medyo madami na yung mga nag add to library ng story na to at para naman may pambawi ako HAHAHA(late update ulit) ito na nga at nag update na😂 sorry sa typo😅 Keepsafe guys! ILY' all💜


NAGLALAKAD PALANG SINA LUNA AT MAGNER SA hallway ay hindi na mapakali si Magner sa suot ni Luna.

Para sa kaniya ay masyado itong revealing.

Kitang kita ang sexy back nito dahil nga naka backless strap si Luna.

Hindi alam ni Magner kung bakit nagkakaganito siya dahil sanay naman itong makakita ng mga babae na ganyan manamit, minsan nga ay subrang revealing pa sa suot ni Luna.

Nanatili si Magner sa likuran ni Luna dahil hindi niya maiwasan na mapatingin ng masama sa mga nakakasalubong nilang tao na napapatingin kay Luna.

Binibigyan niya ng masamang tingin ang sino mang tumitingin kay Luna hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Pero may iba talaga na makakapal ang mukha, kahit gaano pa kapamatay ang tingin niya ay hindi siya napapansin dahil naka focus lang iyon kay Luna.

Mahinang nagmura si Magner dahil nakaramdam siya ng pagkainis sa mga lalaking panay ang tingin kay Luna.

Hanggang sa makapasok na sila ng elevator ay madami ding lalaki na sumabay sa kanila ang iba ay may mga anak na dala-dala pero nakuha paring magnakaw ng tingin kay Luna.

Inis na hinubad Magner ang coat nito at maingat na pinandong iyon sa ulo ni Luna.

Dahil sa laki ng coat ni Magner ay tago ang mukha ni Luna at maging ang likuran nito.

"Anong ginagawa mo?" May pagtatakang tanong ni Luna kay Magner dahil na w-weirdohan siya sa ginagawa nito sa kaniya.

Binalak na alisin ni Luna ang coat nito pero pinigilan niya ang kamay nito sa pagtatanggal.

"Stay right that, for your safety." Sagot naman ni Magner habang ang mata ay nakatuon sa mga tumitingin pa din kay Luna.

"Ano? Umuulan ba para pandungan muko nito? Saka anong safety, safety ka diyan?" Masama namang napatingin si Luna kay Magner dahil sa pagtabon nito sa kaniya gamit ang coat nito dahil hindi niya na siya halos makakita.

"Basta. Mamaya kukunin din natin pag nakalabas na." Sagot ni Magner habang hindi naman sumabat pa si Luna at nakangusong masama ang tingin kay Magner.

"Parang timang." Bulong ni Luna sa sarili at tinutukoy nito si Magner.

"What did you say?" Sabat ni Magner kay Luna, habang si Luna naman ay binaba sa mukha niya ang coat para tuluyan na matabonan ang mukha nito kay Magner.

Pagkababa nila ng elevator ay binalak ng tanggalin ni Magner ang coat nito sa ulo ni Luna ng makita niya sa unahan na may makakasalubong silang mga grupo ng mga teenager na lalaki kaya binalik ka agad ni Magner ang coat sa ulo ni Luna at inakbayan ito na para maging guide na din sa paglalakad habang si Luna naman ay panay reklamo sa pinang gagawa ni Magner sa kaniya.

Nang makarating na sila sa parking lot at mahanap ang sasakyan ni Magner ay tinanggal niya na rin ang coat sa ulohan nito at nilagay sa balikan ni Luna at pinagbuksan ito ng pintuan ng kotse.

"Wow ha, may balak ka rin palang ipakita sakin ang kinabukasan ko." Irap ni Luna kay Magner at pumasok na sa loob ng kotse.

Napa lipbite nalang si Magner sa sinabi ni Luna dahil alam niyang nagalit ito sa kaniya at sinarado ang pintuan ang pumasok na rin sa drivers seat.

WANTING HERWhere stories live. Discover now