CHAPTER 12
"GOOD MORNING, LUNA!" MASAYAHING bati ng best friend nito sa kaniya.
Nilipat niya muna ang dalawang folders na kakatapos lang niyang e check at nilagay iyon sa right side niya saka ningitian si Vanilla.
"Good morning too, Van" Sweet na bati nito sa kaibigan.
"Mukhang busy ka yata, pero hindi naman halata sa mukha mo, ang fresh ha. Saka blooming ka din, girl." Asar nito sa kaniya habang sinusuri ang mukha niya.
"Blush on lang yan." Sabat nito at pinag krus ang braso dibdib niya.
Nakita niya naman ang shock na mukha ni Vanilla sa reaction nito.
"At kelan ka pa natutong mag lagay ng blush on?" Turo nito sa kaniya.
"Bawal ba? Tinry ko lang naman." Sabat nito sa kaibigan ng naka pout.
Pinaningkitan naman siya ng mga mata ng kaibigan at sinuri ang mukha nito. "Ikaw ha, something good happened no?" Turo nito sa kaniya pero nag open lang siya ng laptop at kunyare ay nagpakabusy.
"Don't tell me, sinagot mo na si Magner?" Sabat nito at sininyasan naman siya ni Luna na manahimik dahil medyo may kalapitan din naman sa kanila ang ibang departments.
"Hindi pa naman." Sagot ni Luna na nakapag pakunot ng noo ni Vanilla.
"Weh? Palagi na kayong nagsasama Luna, kailangan ka na niyang panagutan." Sabat nito at umupo na nga sa katapat niya na upuan.
Napatawa naman ni Luna sa sinabi nito. "Anong panagutan ka diyan? Akala mo naman binuntis ako."
"Oh bakit? Kahit na, wala pa bang may nangyayari sa inyo?" Pinanlakihan naman siya ng mata ni Luna dahil napaka open talaga magsalita nitong kaibigan niya.
"Vanilla naman, napakahalay mo."
"Naku naman, nasa legal age kana kaya. Pwede mo na ngang asawahin yang si Magner." Asar nito kay Luna at tinignan nga siya nito ng masama.
"Makapagsalita ka, bakit may nangyari na ba sa inyo ni Chavez?"
"Wala pa. Syempre dalagang pilipina ako, hindi naman porket crush ko siya ibibigay ko na ang lahat. Hello, sa kaniya na nga puso ko, pati ba naman itong precious sexy body ko?" Sabat naman niya kay Luna
"Pero kong siya lang naman.. why not diba?" Dugtong nito habang tukoy kay Chavez at nawala naman ang galak sa mukha ni Luna.
"Bumalik ka na nga sa department mo." Pagtataboy nito habang tawang tawa naman siya sa reaksyon ni Luna.
Bago pa umalis si Vanilla ay dumating na rin si Maximus.
"Good morning ladies." Bati nito sa kanilang dalawa. Binati na rin nila si Maximus at pumasok na nga ito pagkatapos sa loob.
Sininyasan niya na si Vanilla na bumalik sa sariling department at dinala na din ang ibang mga papeles sa loob na kailangang permahan ni Maximus.
"Ah, Sir, ipapaalala ko lang po na may meeting po kayo together with all the Managers of the company at 9:00 am po, then after that may meeting din po kayo sa ibang shareholders natin na mga bago after po ng meeting niyo with the Managers at exactly 11:00 am, Sir." Habang nag d-discuss si Luna ay stress naman napabuntong hininga si Maximus sa mga naririnig na schedules niya.
"Thanks Ms. Andres, tama nga si Dad, maaasahan ka talaga." Sabat nito habang nag-umpisa na ulit sa pagpipirma ng mga papeles.
Simula kasi ng maging acting CEO ito ay hindi pa nito masyadong makabisado ang mga schedule nito sa subrang busy kaya alam na alam ni Luna na bago pa niya ito makalimutan ay ipapaalala nalang niya kaagad.
YOU ARE READING
WANTING HER
RomanceWARNING: R-18 | SPG | Mature Content WANTING HER Magner Cox, a ruthless and a badass rich business man. He gets everything he wants. Until he met a woman named Luna Andres, she has amnesia because of car accident with her ex-boyfriend named Cohen L...