CHAPTER 1

7.4K 49 9
                                    

A/N: Hi/Hello to everybody! Gusto ko lang sabihin na sorry sa mga errors and grammars na mali. At hindi din pala ako maka-reply sa mga baby ko na nag-comment! HAHA. And yeah, hindi naman kasi talaga ako expert writer so, take it or leave it, basta thankyou sa magsu-support. 😉

CHAPTER 1

"OHMYGHADDDD! LUNAAAA!"narinig kong tili ng baliw kong bestfriend sa labas ng condominium namin. Hindi ko alam kung may sunog ba? Gulo or patayan na nangyayare kaya dali-dali na rin akong bumaba para puntahan siya.

"Lunaaaa! Ohmyghadd! It's another flower delivery for you daw!" Nagni-ningning na mga mata na pinapakita niya sakin ang mga hawak niyang bulaklak.

Nasira na agad ang araw ni Luna ng makita ang mga bulaklak at delivery boy na palaging naghahatid ng bulaklak sa kanya.

"Ma'am, paki permahan nalang po sa received." singit ng delivery boy samin.

"Ayoko. Ibalik mo nalang yan sa nagpadala sakin, Kuya. Wala akong natatandaan na tao na magbibigay sakin ng bulaklak. At hindi ko yan kailangan." sabi ko at tumalima na paloob ng bahay. Narinig ko nalang na si Vanilla na ang nag-entertain sa nagdeliver sa labas.

"Hoy, Luna, ha. Pati si kuya delivery tinatarayan mo." sambit nito at umupo sa tabi ko. "Ito na yung flowers mo, wagmong itatapon ulit, nako mamahalin yan." panay salita nito at nilagay sa kandugan ko ang mga bulaklak. Napatingin nalang ako dito at tinignan ang note na nakalagay.

To: Luna Andres

"Good morning baby, hope you will like this flowers that I bought for you. Have a good day! 😚"- M.C

Anong baby? Gago, to ah. At hindi ko magugustuhan ang mga bulaklak na to kahit kelan. Ang creepy kaya. At ano 'tong M.C?  Master of Ceremonies? I took a deep  breath and face my best friend, Vanilla.

"Van, eh sa hindi ko nga kilala yung nagpapadala nito sakin eh. Why keeping this? What's the use, diba?"

"Anong, 'what's the use, what's the use' ka diyan? Nag-effort yung tao sa pagpapadala sayo palagi ng bulaklak pero napupunta lang sa basurahan. Naku kung para sakin yan, tatanungin ko mismo si Kuya delivery kung ano pangalan noong nagpapadala palagi." Effort. Yeah. Pero hindi ko naman kilala.

"Malalanta rin naman ang mga to." Sabay tayo ko para itapon na sa basurahan. Napairap nalang sakin si Vanilla.

"Bahala ka, baka hindi na magpadala yung tao sayo." may pagtatampo sa mukha nito.

"Edi, mabuti. Nagsasayang lang siya ng pera sakin."

"Hindi ka na magkaka-jowa kahit kelan, Luna."napatingin ako dito.

"Wow, parang ikaw, merun? Merun ka 'non ha?"natatawang tanong ko sa kanya. Totoo naman eh. Parehas lang naman kaming walang jowa pero kung makapagsalita ito, kala mo may asawa na.

"Merun kaya!" laban nito sakin.

"Sino aber?" tanong ko na ikinapula ng pisnge nito. "Wagmong sasabihing si Ryder Chavez nanaman yan. Masusuntokan ka talaga sakin, limang taon ka ng nagkaka-crush 'don pero wala pa'ring nangyayare. Pinaasa ka pa rin."

WANTING HERWhere stories live. Discover now