CHAPTER 8

6.1K 117 4
                                    

Chapter 8

"Astraia, pinapapunta ka ng senyorito sa garden. Nanduon sya sa may kubo. " sigaw ni Eleanor na nagpahinto saakin.
Habang papunta ako sa garden ay nakasalubong ko si Ate Alice. Nakasuot ito ng maikling maong na short at off shoulder, nakalugay din ang mahaba at straight nitong buhok.

Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at ngumisi. Napatingin naman ako sa damit na suot ko. Isang simpleng white t-shirt at palda na hanggang tuhod ang suot ko habang magulo ang pagkakatali ng kulot sa dulo kong buhok.

Huminga ako ng malalim bago ko simulang maglakad ulit.

Natanaw ko si sen— Nereus na nakaupo sa upuan sa kubo habang nakasandal ang siko nito sa hita.

Huminga ako ng malalim. "Pinapatawag nyo daw po ako. " magalang na sabi ko.

Agad itong tumingin saakin nang marinig nya ang boses ko.

He is wearing a faded maong jeans and simple blue t-shirt, medyo magulo din ang buhok nito.

"Take a seat. " serysong sabi nito. Ganto ba sya kapag nasa korte na?

Napatingin ako sa mga notebook at ballpen na nasa mesa. May mga iba't ibang design din ang mga ito.

"That's for you. " nawala ang tingin ko sa mga gamit at napatingin sakanya.

He licked his lower lips and brushed his hair using his fingers.

"I bought that when I was at Manila. " tugon nito.

Agad akong lumapit sa mga gamit at tiningnan ito isa-isa. May nakita akong isang kahon ng ballpen na ang tatak ay muji.

"Nakabili na po—"

"You'll need that. " pagpuputol nito sa sasabihin ko. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"Salamat po. Sobra-sobra na po ang tulong nyo saamin. "

He bit his lips and looked directly to my eyes.  "Don't worry, may kapalit yan. "

"Kahit ano po gagawin ko para mabayaran lang ang kabutihan nyo. " pinalaki ako ni mama na marunong tumanaw ng utang na loob.

"I will tell you soon. " napatango nalang ako.

...

Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang araw ng klase ko. Medyo kinakabahan na din ako dahil ito muli ang unang araw na makakapasok ulit ako sa paaralan.

Suot ko na ang pinatahing uniform ni mama, ginamit na lang nya ang dapat pangbili ng gamit ng uniform ko.

Sa isang public school ako mag-aaral at grade 10 na ako ngayon.

"Astraia, halika na at kumain ka na ng almusal. " narinig kong sigaw ni mama. Tumingin muli ako sa salamin bago lumabas ng kwarto.

"Dahan-dahan at baka mabulunan ka. " saway saakin ni mama.

Pagkatapos kumain ay kinuha ko na ang bag ko na bag ko pa noon grade 9 ako. Mabuti nalang at natago ni mama.

"Ma, aalis na po ako. " paalam ko dito. Humalik ako sa pisngi nya at niyakap ito. "Galingan mo sa unang araw ng klase. " tumango lang ako bago lumabas ng bahay.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa school. Kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang saya.

Nagbayad ako bago bumaba ng tricycle. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa gate ng school.

Marami nang estudyate ang andito. May mga magkakilala na, namangha naman ako dahil sa laki ng pinagbago nito.

Malayo ang senior high school building kaya malabong makita ko ang mga kaklase ko noon.

Occupation Series #3: The LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon