CHAPTER 20

7.1K 116 4
                                    

Chapter 20

Nagpa check-up kami ni mama sa center kasama namin sina Andromeda pag punta namin doon.

Dalawang buwan pa lang ang tiyan ko.  Kasama ako ni mama sa loob para sa ultrasound nya.

Napangiti ako nang marinig ko ang tibok ng puso ng magiging kapatid ko. Napatingin ako kay mama pero hindi saya ang nakita ko sa mata nya kundi pag kamuhi.

Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya saakin ngumiti din ito pabalik.

Malusog naman daw ang anak ko. Kahit ilang buwan palang ay excited na akong makita sya.

I have my mother to assist me to my child. We will have another members of the family.

"I am very happy to announce that Ms. Mondovi will be our Valedictorian this year while Lucas will be our Salutotorian. " narinig ko ang palakpakan ng mga kaklase ko.

Binati din kami nina Andrei at Andoremda. "Napaka swerte talaga ni baby dahil valedictorian ang mama nya. " napangiti ako nang sabihin iyon ni Andromeda.

My baby is my strength. Hinaplos ko ang medyo may umbok kong tiyan. Maluwag na damit at minsan ay nakajacket ako para hindi mahalata ang paglaki ang tiyan ko.

Pagdating ko sa bahay ay excited akong ibalita kay mama na valedictorian ako.

Nakita ko syang nakaupo habang malalim ang iniisip. Agad akong yumakap sa likod nya. Naramdaman ang pag tigas ng katawan nito.

"MA!" tawag ko sakanya. Parang natauhan naman ito kaya napatingin saakin at pilit na ngumiti.

"Andyan ka na pala. "

"Ma, valedictorian ako ngayong year. " masayang balita ko sakanya.

Hindi na nag t-trabaho si mama sa hacienda ng mga Madrigal sa hindi ko malaman na dahilan.

Niyakap ako nito. "Pupunta ka sa graduation ko diba? " umaasang tanong ko. Naging mailap kasi saakin si mama. Hindi ko alam kung nagtatampo ba ito dahil nabuntis ako ng Maaga.

"Oo naman" sagot nya habang hinahaplos ang buhok ko. Pero kahit sabihin nya iyon ay hindi pa din ako mapanatag.

"Promise? "  nadala na ako sa promise na iyan pero Kay mama alam kong tutuparin nya.

Tumango lang ito at niyakap lang ako. Parang may mabigat na bagay sa dibdib ko dahil hindi nya sinabi na promise pero may tiwala ako sakanya.

Dumating ang araw na nag p-practice na kami ng graduation. Todo alalay saakin sina Andrei lalo na si Lucas lagi itong may pamaypay at tubig para saakin.

Tuwing break time naman ay ito na ang bumibili ng pagkain ko.

"Ms. Mondovi, hindi ka ba naiinitan dahil naka jacket ka? " tanong ni Ms. Melendez saakin. Napatingin ako kina Andromeda maging sila at gulat sa tanong ni Ms. Melendez.

Tumawa si Andromeda. "Ma'am, sayang yung maputi na balat ni Astraia kung magbibilad sya sa araw. " napahinga ako ng malalim nang tanggapin iyon ni Ms. Melendez.

Medyo halata na ang umbok ng tiyan ko Kaya malalaking jacket na ang gamit ko.

"Ma!bukas na ang graduation ko, wag ka ma l-late ha! " pag kakausap ko sakanya habang kumakain kami ng hapunan.

Binigyan nya ako ng isang magaan na ngiti. "Oo naman, may may napili na nga akong susuotin e. "

Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa bakanteng kisame. Every night I cried because of the man who broke my heart and shattered it to pieces.

He never accepted my explanation but he choose to believe those picture that aren't true.

Hindi ko din maiwasang isipin kung hindi umalis si Nereus magiging mabuting ama ba sya sa anak namin?  Tatangapain ba nya?

Pero kahit bali-baliktarin ang mundo ay hindi nya pa din alam, wala pa din syang alam. Because the moment he walked away I already told my self that you only have yourself at the end of the day.

"Oh My Gosh, graduate na tayo!" masayang sabi ni Andromeda.

"Hindi pa, hindi pa nga tayo nag lalakad sa stage " pambabara ni Andrei sakanya.

Napangiti nalang ako dahil simula nang dumating ako sa paaralan na ito hanggang sa kalagayan namin ngayon ay kasama ko sila.

Napangiti ako nang makita ko si Dylan. Pumunta ito sa pwesto namin at agad akong niyakap.

"Congrats " Bati nito. Nagpasalamat ako sakanya, umupo ito sa mga puting upuan. Nasa pinakaunahan kaming dalawa ni Lucas.

Nagsisimula na ang opening remarks pero wala pa din si mama. Tumingin ako sa pwesto ni Dylan kung saan dapat uupo si mama pero wala pa din sya.

Hanggang sa tinawag ang pangalan ko ay walang mama na dumating. Nakailang tawag na ang mc sa pangalan ko pero hindi ako tumatayo.

Nakita ko ang paghawak sa magkabilang braso ko ni Andromeda, Andrei at Lucas. Hinila nila ako papunta sa stage.

I tried to hide my tears pero patuloy ito sa pag agos. Napatingin ako sa buong tao at hinahanap si mama pero wala kahit ni anino nya.

Sina Lucas ang nag abot saakin ng dimploma ko habang sina Andrei at Andoremda ang nagsabit ng mga medals ko. Niyakap nila ako ng mahigpit habang patuloy sa paghikbi.

Hanggang sa matapos ang graduation ay patuloy pa din ang pag hahanap ko Kay mama.

Nanatiling nasa tabi ko si Dylan dahil umuwi na ang tatlo. Kahit ayaw pa nila ako iwan ay hinihintay sila ng magulang nila kaya umuwi na sila.

Papalabas na kami ng campus nang salubungin ako ni Manang Eva. May mga tuyong luha ito sa mag kabilang pisngi nito.

Bigla ako nakaramdam ng kaba nang makalapit na ito saakin. Bigla ako nitong sinalubong ng yakap.

Naguguluhan akong tumingin sakanya habang patuloy ito sa pagluha. "Manang Eva, s-si mama p-po" nanginginig na ang buong katawan ko habang hinihintay ang sagot nya.

Umiiyak ito bago dahan-dahang umiling. Kahit nanlalambot ang buong katawan ko at agad akong naglakad pauwi sa bahay namin.

Hindi ko na binigyan pansin ang mga medalya na patuloy sa pag tunog dahil sa mabilis na pag lakad ko.

Madami nang tao ang nasa labas ng bahay namin, may mga pulis din. Agad akong pumasok sa bahay.

Nakita ko si mama na nakahiga sa sahig habang may tali ang leeg nito. Nakita ko ang natumbang upuan.

Nanghihina akong umupo kung saan nakahiga si mama. Niyakap ko ang walang buhay nitong katawan.

"M-ma, sabi m-mo pupunta k-ka sa graduation k-ko. " lumuluhang sabi ko. "Nag promise ka d-diba. "

Hinayaan ako ng mga pulis at mga tao na umiyak. My mother is gone, I don't know what to do.

"MA, sabi mo gusto mo pang makita ang apo mo, bakit hindi mo na hinintay ang paglabas nya. Paano na ako? Ma, hindi ko kaya!" nanghihina ang buong katawan ko habang yakap si mama.

"Ma, may mga medal ako,ok lang kung hindi ka naka attend ng graduation ko basta bumalik ka lang saakin. "

Sabi ng mga pulis ay nag suicide daw si mama dahil may nakitang mga laslas sa magkabilang pulso nito bago ito mag bigti.

Nanatiling nasa tabi ko sina manang Eva at Dylan. Nasa morgue pa rin kami. Nasa labas lang ako nakatingin sa puting pader ng hospital.

"Astraia, may nakita ang mga pulis na sulat sa bulsa ng damit ng mama mo. " mahinang sabi ni manang Eva bago iabot saakin ang nakasobreng sulat.

May malaki itong pangalan na Astraia.

Mama ko...

Occupation Series #3: The LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon