CHAPTER 1

17.2K 185 12
                                    

Chapter 1

"Astraia, gumising ka na at may trabaho ka sa hacienda. " napabangon ako dahil sa sigaw ni mama na nasa labas.

Agad akong nag-ayos ng kwarto ko at naglinis ng sarili bago bumaba. Isang simpleng t-shiet lang ang suot ko at mahabang palda MA hanggang tuhod ko.

"Magandang umaga, ma" masayang bati ko kay mama nang nasa kusina na ako.

Nag aayos ito  ng lamesa para sa agahan. Napatingin naman ito saakin.

"Itong batang 'to, kanina pa kita tinatawag. " napangiti nalang ako dahil sa sinabi nito.

Umupo na ako para kumain ng almusal. Bata palang ako ay si mama na lang ang kasama ko dahil maagang namatay ang papa ko.

"Halika ka na at maraming aayusin sa hacienda dahil dadating sa susunod na araw ang apo ni Donya Mercedes." sumunod naman ako sakanya para sumakay sa tricycle MA papunta sa hacienda.

Ang hacienda ng mga Madrigal ang nag-iisa at pinaka sikat na hacienda dito sa probinsya namin. Sabi din ni mama na sa hacienda din daw sila nagkakilala ni papa.

Minsan naiisip ko na baka sa hacienda ko din mahanap ang mapapangasawa ko pero malabong mangyari iyon dahil puro matatanda na ang nag ta-trabaho sa probinsya.

Kahit ilang beses na akong nakarating dito sa hacienda ay namamangha pa din ako sa ganda nito. Sa unahan ay may malaking gate na may naka ukit na malaking pangalan na Madrigal's. Pagpasok naman ay makikita ko agad ang plantasyon ng rosas at may fountain sa gitna.

May mga kabayo din sa rancho na madalas gamitin ni Theodore ang isa sa apo ni Sonya Mercedes. Pero yung sinasabi ni mama na apo na dadating dito ay hindi ko pa kilala.

Baka galing ito sa Maynila ka ganun.

Nagsimula na akong maglinis ng buong bahay. Nagsimula ako sa pag walis nang sala hanggang sa pagpunas ng mga picture frame.

Napahinto ako sa isang picture frame. Hinawakan ko ito habang nililinisan.

Nag iisa lang ang tao sa picture at base sa mukha nito at bata pa ito. Maganda ang mga mata nito na kulay brown at magulo ang buhok habang nakasuot ng tuxedo.

Napangiti ako dahil sa ganda ng mga mata na taglay nito.

"Iyan ang apo ni Donya Mercedes. Sya ang bunso sa lahat ng mga apo. " napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Alice sa nakatingin din sa larawan MA hawak ko.

"Bata pa pala ang apo ni Donya Mercedes. Mukhang mag e-enjoy sya dito. " base kasi sa picture ang nasa pitong taong gulang palang ito.

Napa-angat ako ng tingin nang tumawa ng pagak si ate Alice.

"Napaka bobo mo talaga,Astraia." nang iinsultong sabi nito saakin.

"Wala kang karapatan na tawagin akong ganyan. Oo hindi ako nakapag tapos pero may manners naman ako Kayla sayo. Iyon ata ang nakalimutan sayong ituro sa paaralan nyo, Alice. " mahabang sabi ko bago umalis doon.

Matagal na ring nata-trabaho si Alice sa hacienda mas matanda din ito saakin. Habang ako ay sixteen palang.
Dapat ay nasa ika-sampong grado na ako pero huminto ako dahil sa hirap ng buhay.

Huminga ako ng malalaim dahil sa inis ko kay Alice. Napaupo ako sa hagdan.

Napasinghap ako nang makita ko na hawak ko pa din ang picture frame nung bata.

"Napaka gwapo mo kahit bata ka palang. " nakangiting sabi ko.

"Astraia, halika dito at tulungan mo akong mag-ayos. " agad kong tinanggal sa frame ang picture at nilagay iyon sa bulsa ng palda ko.

"Sa makalawa ay darating ang apo ni Donya Mercedes at Son Pablo, gusto ng Donya at Don na malinis ang buong mansion dahil ngayon lang ulit pupunta dito ang apo nya. " seryoso akong nakikinig sa sinasabi ng mayordoma ng mansion na si Manang Eva.

"Astraia, Ikaw ang maglilinis nang kwarto ng senyorito. : napa angat ako ng tingin dahil doon.

"Ako nalang po. " sabat naman ni Alice kaya napatingin ako sakanya.

Wala naman kaso saakin iyon dahil pare-parehas rin naman kaming naglilinis.

"Manahimik ka, Alice. Si Astraia na ang napili ko. " napangiti naman ako dahil doon habang masama and tingin saakin ni Alice.

Pagkatapos noon at lumabas ako ng mansion para pumunta sa rancho.

"Astraia, tapos ka na? " tanong saakin ni Mang Lito ang asawa ni Manang Eva.

"Opo, pupunta lang po ako kay Alfonzo. " nakangiting sabi ko bago maglakad ulit.

Mabuti nalang at hindi maputik ngayon papunta sa rancho dahil maganda ang sikat ng araw.

Pagdating ko sa kwadra ng mga kabayo ay agad akong pumunta kay Alfonzo.

"Kamusta ka naman dito? " habang hinihimas ang ulo nya.

Alfonzo is a horse. Sya ang pinaka paborito kong kabayo kahit hindi ko pa ito nasasakyan.

Pinakain ko ito bago ako umalis. Mukhang matagal ako kanina sa kwadra dahil papalubog na ang araw.

Napangiti ako at tumingin sa paligid. Pumunta ako sa burol na medyo malayo sa hacienda. Maganda ang view ng paglubog ng araw sa lugar na iyon.

Namamangha ako sa ganda ng paglubog ng araw. Ang kahel na kulay nito habang unti-unting lumulubog at natatakpan ng bundok.

I love sunrise and I will love it everyday. Ang paglubog ng araw para saakin ay kahit napaka hirap ng buong araw ay may oras pa rin naman para magpahinga.

I am at peace when I see sunrise.

Naisipan kong bumalik na sa hacienda nang dumilim na ang buong paligid. Habang naglalakad ay nadaanan ko ang dati kong paaralan na pinapasukan. Masaya siguro bumalik sa pag-aaral.

"Astraia, ikaw pala iyan." Gulat akong napatingin sa dalawa kong kaklase noong nag-aaral pa ako. Nasa senior high school na sila ngayon habang ako ay nasa grade 10 palang.

"Ginabi kayo?" nakangiting tanong ko sakanila. "May project lang kaming tinapos." Napatango-tango nalang ako. Agad din naman akong nag paalam dahil baka hinahanap na ako ni mama.

Pagdating ko sa hacienda ay natanaw ko si mama na naghihintay sa labas ng mataas na gate ng hacienda.

"Ma" tawag ko at agad naman syang napalingon saakin. "Saan k aba pumuntang bat aka, kanina pa kita hinahanap." Nakakunot noong sabi nito. "Dyan lang po sa tabi-tabi." Sagot ko. Lumambot nanaman ang ekspresyon ng mukha nya at agad akong niyakap.

"Pumunta ka nanaman bas a eskwelahan mo. Pasensya ka na at wala akong pera pang paaral sayo." Agad naman akong ngumiti sakanya at mahigpit syang niyakap. "Ok, lang po iyon. Magsisikap nalang po ako para makapag-aral na ako." Sagot ko.

Naglakad nalang kami pauwi sa bahay para makatipid na din at baka may madaanan din kaming bukas pang karinderya, bibili nalang kami ng lutong ulam.

Ito ang buhay ko tahimik at maligaya kahit hirap sa buhay ay kinakaya.

Occupation Series #3: The LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon