CHAPTER 19

6.3K 115 2
                                    

Chapter 19

Nagising ako dahil sa narinig ko na pagsusuka. Agad akong lumabas ng kwarto para tingnan si mama na nasa kusina.

"Ma, mag pa check-up na kaya kayo, mukhang lumalala na ang pagsusuka nyo. " nag aalalang sabi ko.

Umiling lang ito at muling bumalik sa pagluluto ng fried rice. Parang bumaliktad naman ang tiyan ko nang maamoy ang bawang sa niluluto nya.

Agad akong pumunta sa lababo para sumuko. Naramdaman ko ang pag hawak ni mama sa buhok ko at pag himas nito sa likod ko.

"Ayos ka lang ba? " nag aalalang tanong ni mama saakin. Nag mumog muma ako bago humarap at tumango sakanya.

"Tumataba ka, Astraia. " napatigil ako sa paglakad papunta sa lamesa nang sabihin nya iyon.

Pilit akong tumawa habang nanatiling nakatalikod sakanya. "Mabuti nga po iyon e. Nag kakalaman ako. " pagbibiro ko.

Nagsimula kaming kumain, hindi ako makatingin kay mama dahil ramdam ko ang mabibigat nyang tingin saakin na parang inoobserbahan ako.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpaalam na ako na papasok na.

Ilang araw matapos ang pag-uusap namin ni Nereus, hindi ko na sya muling nakita at ipinagpasalamat ko iyon.

Tanging mga kaibigan ko lang ang may alam sa pagbubuntis ko.

The day Nereus broke my heart I learned some lessons. The world is full of prey and predator. It is on you what are you going to be. I am a prey and Nereus is the predator. He destroyed me and I am the fool prey who let him destroy me.

Nang makarating ako sa room ay nagtama agad ang mata namin nina Andrei. May kung ano sa mata nila na nag pangilid ng luha ko.

Agad akong pumunta sakanila at niyakap sila agad. Naramdaman ko ang paghaplos ni Andrei sa buhok ko habang mahigpit ang yakap sakanya.

Kami palang ang tao sa room dahil maaga pa. "Hush, we're here for you " mas lalong tumulo ang luha sa mata ko nang marinig ko iyon sakanila.

Naramdaman ko ang pagsali ni Andromeda sa yakapan namin. I may be broken but I am happy to have them as my friends.

"Kasama mo kami sa pagpapalaki ng baby mo, basta ninong ako. " saad ni Andrei.

Nakangiti akong tumango sakanila. "Ninang din ako. " sabi naman ni Andromeda.

Napatingin ako kay Lucas na kanina pa tahimik simula nang mag break time.

"Astraia, don't me mad but... Where is the father of your child?  Alam na ba nya na buntis ka? " nag aalinlangan pa sya kung tatanungin nya iyon.

Maging sina Andrei at napatingin din saakin na parang kanina pa nila iyon gustong tanungin.

I gulped and looked away. "Wala sya dito at hindi ko pa nasasabi na buntis ako, pero nag kausap na kami. " malamig na sagot ko.

"Kung nagkausap na kayo, bakit hindi mo pa nasasabi?" tanong ni Andromeda.

"Nung nag usap kami ay nag break din kami kaya hindi ko na ngsabi na buntis ako. " sagot ko.

Nakita ko ang pag-awang ng labi nila na parang may gusto pang sabihin pero hindi na nila tinuloy.

Habang naglalakad ako papunta sa office ni Ms. Melendez ay nakita ko ang dalawang babaeng nag-uusap.

"Nabuntis yung isang college student na kaklase ng ate ko, hindi pinanagutan ng lalaki. Nasa latin honor pa naman yung babe pero hindi tinapos yung pag-aaral dahil nawala ang scholarship. " nanlamig ako nang marinig ko iyon.

"Kahit gaano talaga katalino ang tao natatanga pa din sa pag-ibig " sang-ayon ng isa.

"Good morning po, Ms Melendez "

"Take a sit, Ms. Mondovi. Pinatawag kita dahil may gusto lang akong sabihin. All of your subject teachers are very impressed for your grades and performance this year and I hope you will continue it. I am rooting for you to be valedictorian of you class. " napangiti ako nang sabihin nya iyon.

Nang matapos ang pag-uusap namin ni Ms. Melendez ay agad din akong umuwi. Wala nang klase ngayon hapon dahil my meeting ang mga teacher.

Pagdating ko sa bahay ay napag isipan ko mag linis may pag iingat pa din ako dahil sa buhay na nasa loob ng tiyan ko.

Pumunta ako sa kwarto ni mama para kunin ang scatch tape nang iba ang makita ko.

Nasa side table iyon ni mama, may mga takip itong mga damit pero pag malapitan ay mapapansin mo pa din.

Agad ko itong kinuha. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang resulta,nanginginig ang mga kamay ko.

Sino?

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa si mama. Malamig ko syang tiningnan.

"Kumain ka na ba? " tanong nito bago halikan ang noo ko. "Tapos na po. Kayo?" tanong ko din.

"Tapos na-" napahinto sya sa pagsalita ng makita nya ang bahay na nasa lamesa. Gulat syang tumingin saakin.

"Bakit nasa iyon iyan? " gulat na tanong nya. "Nakita ko po iyan sa kwarto nyo. Sainyo po ba yan? " tanong ko.

Nangingilid na ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sakanya na nangangapa ng isasagot.

"MA, sainyo po ba yan?! " tanong ko ulit pero ngayon ay tumulo na ang luha sa pisngi ko.

"A-anak " tawag nya bago tumango. Agad akong lumapit sakanya tsaka ito niyakap ng mahigpit.

Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan nito dahil sa pag-iyak.

"MA..." umiiyak na tawag ko sakanya.

"Buntis din po ako" napatigil ito at tumingin saakin. Mas lalong bumuhos ang luha sa mata nya nang marinig nya iyon.

"Sorry po. " naiiyak na sabi ko.
Pinatahan alo nito bago umupo sa labi ko. "Sino ang ama? " tanong nya. Napa-angat ako ng tingin nang tanungin nya iyon.

"S-si Nereus po. " humagulhol ulit ito na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Yung sainyo po? " tanong ko.

"Wala. " malamig na sabi nya.

Nag karoon ng katahimikan sa pagitan namin bago ako magsalita.

"MA, malapit na ang graduation ko, pupunta ka diba? "

Ngumiti ito ng tipid. "Oo naman ako pa ang sasabit ng medalya MO. " mas lalo ang napangiti.

Misteryo pa din saakin kung sino ang ama ng anak ni mama. Wala naman akong napapansin na lalaking kasama nya dahil lagi itong nasa trabaho.

Occupation Series #3: The LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon