CHAPTER 27

8K 145 8
                                    

Chapter 27

Pag kalabas ko ng hotel at dinumog agad kami ng mga media. I tried to covery face because of the flash of the camera. Ngayon ang Fashion Week kaya mas maraming media ang nag aabang sa labas.

"Ms. Astraia, ano po yung masasabi nyo about sa kumakalat na pictures nyo ni Attorney Madrigal, ngayon na wala pa ding statement si attorney ukol dito? " tanong ng isang reporters pero hindi ko ito pinansin at pumasok na sa kotse.

Nasa tabi ko si Kio na tahimik lang habang nakatingin sa mga media sa labas. Malamang ay may ideya na ito tungkol sa nangyayari.

Ilang araw na din hindi nag papakita saakin si Nereus sa naging mabuti para saamin dahil kapag may nakikita saamin magkasama ay baka mas lumala ang issue.

Inayusan ako pag karating ko sa sa studio. May dalawang oras pa kami bago mag simula ang runway.

Napatingin ako kay Kio na nakaupo sa sofa at nakatingin lang saakin habang inaayusan. I smiled at him and he smiled back at me.

"Models, get ready. Line up! " sabi ng isang staff saamin.

Pumila kami sa back stage nang may bumangga sa balikat ko dahilan kung bakit ako muntikan nang matumba mabuti nalang at nakahawak ako sa pader.

She looked at me with a smirk on her face. Sya yung model na kasama noon ni Nereus. Naglakad na ito sa pila nya pero hindi pa din nawala ang ngisi nito sa labi.

I mentally rolled my eyes. Papansin! Ako ang final walk kaya nakatingin ako sa TV dito sa back stage. They walked very good. Halatang matagal na din sila at sanay na sa gantong trabaho.

"Astraia, your turn" sabi ng staff dito sa backstage. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng back stage. I remain with my resting bitch face.

Nakita ko sa front row si Deiva kasama si Stratus at isang lalaki. Pero base sa mukha ng lalaki sa tingin ko ay ito ang ama ni Stratus.

Hindi na kami naka punta sa birthday ni Stratus dahil na din sa lumaganap na issue tungkol saakin na iknalungkot ni Kio.

Sa hindi kalayuan na upuan ay nakita ko si Nereus na serysong nakatingin saakin. Naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko at biglang panginginig ng mga binti ko.

His eyes are like piercing through my soul, na parang sinusubaybayan nito ang bawat lakad ko.

Nang maka ikot na ako ay nag lakad na ako papunta sa backstage. Nakahinga ako ng malalim nang naging maayos ang lakad ko.

Pinuri din ako ng ibang staff bago ako pumasok sa dressing room at nag bihis ng bagong damit na pang-uwi ko  na.

Medyo malalim na din ang gabi. Pumunta ako sa banyo ng dressing room at doon nag bihis. Pagkalabas ko ng banyo at nakita ko si Nereus na nakaupo sa sofa doon habang si Kio naman ang natutulog sa lap nya.

Seryoso itong nakatingin saakin at hindi ko maiwasang hindi kabahan sa presensya nya. "W-what are you doing here?" pinigilan ko pa ang sarili kong wag mautal.

"We need to talk" sagot nito.

"No, we can't. Maugong pa ang balita tungkol saatin. " mariin kong sabi.

"It's about my son" biglang may bumundol na kaba sa dibdib ko nang marinig ko iyon mula sa labi nya.

"What about him? " tanong ko. "I know that you are lying to me. I had a DNA test with Kio and I and do you want to know the result? " mapang-uyam na tanong nito..

"It's positive .Astraia " mariing sabi nya pero pinipigilan pa nito and sariling boses dahil baka magising si Kio.

"I am his father and I have the rights to know him but you kept him from me. " madiin ang bawat salitang binibigkas nito sa harap ko.

Occupation Series #3: The LawyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon