Chapter Theme: Resentment - A Day to RememberHindi na ako nagtagal sa hotel ng AGO, sinabihan ko rin si Achelo na ihatid ako palabas after an hour at pumayag naman ito. The other members just waved goodbye and told me to come back anytime, ang hindi ko lamang namataang nagpaalam ay si Zirk at Jaxon, silang dalawa lang sa grupo ang pinaka-misteryoso at hindi friendly pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil ayos lang naman sa akin kung hindi sila makipag kaibigan, I still have my stigma boys.
"What will you say to them if ever tanungin ka nila?" Achelo asked.
Naglalakad na kami on our way to the elevator nang magtanong ito, napatingin ako sakanya bago sumagot.
"Talagang magtatanong ang mga iyon, ilang oras ba naman ako nawala sa paningin nila." I said, nakakaramdam na ako ng kaba habang nasa elevator kami, na-low battery pa man din ang phone ko at hindi ako maka receive ng tawag at text sa ngayon, mamaya nalang ako mag eexplain sa mga punggok.
"I-block mo na ang number ko pala, hindi na ako ang nagmamay-ari ng numerong iyon," paalala na naman ni Achelo, takot marahil sa kung ano'ng mensaheng matatanggap ko mula roon.
Tumango na lamang ako at saka kami dumiretso sa parking lot ng mga sasakyan. Sosyal talaga ng hotel nila, ano pa nga ba ang aasahan ko? Mukhang rich-kid ang mga gago e.
*****
Nang maihatid ako ni Achelo sa souvenir shop kung saan ko iniwan ang magkapatid na sila Wren at Walter ay agad akong nagpasalamat sakanya.
"Don't get lost again, alright?" Achelo said, half-chuckling.
I nodded, "aight!"
Nang makalabas ng sasakyan ay agad rin niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan pabalik. Ako nama'y naglakad na patungong hotel namin, natatanaw ko na ang gusali nito kaya imposible na para sa akin ang mawala at maligaw ulit.
Habang naglalakad pabalik ay unti-unting bumabalik ang kaba na nararamdaman ko. Kasabay noon ay mga ingay ng tao na nagkukumpulan sa lakas ng hotel. Iyon ang mga kaibigan ko at ang kapatid ko, halata sa mga mukha ang pag-aalala at galit.
"Damn you! Saan ka ba galing?!" Trevora yelled in anger, napatingin ang iba sa direksyon ko kung saan siya nakatingin. Trevora was the first one who noticed my presence. Nothing beats the sister talaga.
Sabay na sabay tumingin sa akin ang mga kaibigan ko, it was evident on their faces the fear, worry, and anger but as the seconds goes by, they all sighed in relief and smiled at me. Reymond and Elton waved and shouted my name.
"Trexdeene, saan ka nagpunta?" Walter asked. I smell something fishy, bakit sila magkatabi ni Trevora? Hmm.
"I got lost, a little." I said and smiled sheepishly.
"Sino ka si Zoro?" Reymond joked. One piece addict ang tangina. Sinamaan ko lang siya ng tingin, pinaghalintulad pa ako sa anime character e.
YOU ARE READING
Memory of a Sinner
Novela Juvenil[STIGMA SERIES #1] Within the halls of Crestwood High, Trexdeene Wriley shone as a beacon of positivity and academic prowess. Her radiant spirit attracted attention, but it was the arrival of an enigmatic young man that would change the course of he...