Chapter Theme: Good Times - All Time Low"Maria Trexdeene! Ano'ng nangyari sa iyo? Diyos ko po!" Iyon agad ang bungad sa akin pagkapasok ko pa lang ng aming bahay, nakita ko si Mama na nag-aabang sa isa sa mga sofa namin sa living room, nakaupo ito tila hindi mapakali nang datnan ko.
"Ma, sorry ngayon lang ako." I said apologetically. Nakatingin ako sakanyang nag-aalalang mukha.
"Ayos lang, mabuti at nakauwi ka. Pero bakit ka naman basang-basa ng pawis, nakalimutan mo naba ang kalagayan mo?" Paalala nito habang nakatingin pa rin sa akin with a worried-look.
I shook my head at agad lumapit sakanya upang halikan siya sa pisngi, "Sorry, nag-enjoy lang kasi ako ng sobra sa luneta, Ma. May mini concert pala na nagaganap doon?" Halos natutuwa kong kwento.
Ngumiti siya sa akin, "Kunsabagay, mahilig ka nga pala sa mga banda banda na iyan, ano?"
Tumango ako. Nang magpaalam kay mama na aakyat na ako ay dali dali kong binuksan ang aircon upang makapagpatuyo ng katawan ng kaunti saka pumasok ng banyo upang maligo na dahil nanlalagkit na ako sa katawan ko. Habang naliligo ay inaalala ko ang lahat ng mga nangyari kanina sa park.
"At hindi pa rito nagtatapos!" Sigaw muli ng bokalista ng tumutugtog na banda sa stage.
I still remember how his face suddenly change into agony from being happy.
*****
While dressing up in my PJ's someone knocked on the door so I shouted come in.
"Any plans this sembreak?" A face of the devil suddenly asked in front of me. I was astounded that I nearly sit down on my bed because of her pale face and red eyes, obviously just got out of bed. her hair is also messy and tangled.
"For the love of God, huwag ka ngang manggulat," Pahayag ko kay Trevora.
"Huwag kang OA. Hindi kita ginugulat," Sabi nito bilang sagot. Natawa naman ako, kasi totoo namang hindi niya ako ginulat sadyang nakakagulat lang ang itsura niya ngayon.
"So?" She asked hangingly then threw herself on my black bed, nahulog pa ang skull-pillow ko dahil sa lakas ng pagtalon niya at pag alog ng higaan. Dinampot ko ito saka hinagis sa kama.
YOU ARE READING
Memory of a Sinner
Teen Fiction[STIGMA SERIES #1] Within the halls of Crestwood High, Trexdeene Wriley shone as a beacon of positivity and academic prowess. Her radiant spirit attracted attention, but it was the arrival of an enigmatic young man that would change the course of he...