Chapter Theme: I Wanna - The All American Rejects
"What the fuck are you doing here, you asshole?!" I yelled as I stood up when I saw him, mabuti na lang at mag-isa lang ako kundi mahuhuli siya ng mga kaibigan ko at baka bugbugin pa siya by this time dahil nga sa nangyari noong birthday ni Wren.
"Calm down, missy! Hindi ba pwedeng nag vacation lang rin ako rito? At the moment naliligaw lang rin?" He asked calmly. Nakasuot pa ito ng puting cap; terno ng plain white shirt niya with a denim jacket and denim pants, tapos white shoes.
"Imposible! Ano nga ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo na naman ba ako? At teka nga, paano mo naman nalaman na nandito ako sa baguio?" Sunud-sunod kong tanong sa aking kaharap na lalaki.
This time hindi na siya kalmado, natatawa na siya sa reaksyon ko. This dumb!
"As I've said. It's just a coincidence. Baka naman pinagtatagpo lang talaga tayo ng tadhana, don't you think?"
"Coincidence mo ang mukha mo! Babalik na nga ako sa mga kaibigan ko." Sabi ko saka siya tinalikuran. Isa pa ang mga iyon, ni hindi manlang namalayan na nawawala na ako sakanila, mga shunga.
"Hey, Trexdeene. Baka mawala ka naman lalo nyan. Here's the right way," sabay turo sa isang direksyon. Nakatingin siya sa akin, halata naman sa mukha niya na nagsasabi siya ng totoo.
"Kapag ito mali, humanda ka sa akin. Hindi na kita kakausapin habang buhay." I said. Pero biro lang iyon, sino ba naman ako upang hindi siya pansinin?
Achelo just chuckled and lead the way, napaka casual lang ng lakad niya. Hindi nagpapa-cool o kung ano man.
"Bakit ka ba kasi nahiwalay sa mga kaibigan mo?" Tanong nito.
"Hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito, paano ko malalaman ang tamang daan?" Tanong ko pabalik.
Napatigil siya sa paglalakad at tanging nakatigil lang siya sa harapan ko, lumingon siya sa akin nang may ngiti sa kanyang mukha. Problema nito?
YOU ARE READING
Memory of a Sinner
Teen Fiction[STIGMA SERIES #1] Within the halls of Crestwood High, Trexdeene Wriley shone as a beacon of positivity and academic prowess. Her radiant spirit attracted attention, but it was the arrival of an enigmatic young man that would change the course of he...
