Chapter Theme: If it means a lot to you - A Day to RememberIt's finally sunday, meaning it's Wrencel's birthday. I decided to wake up early kasi mag-aayos pa ako ng sarili ko, even though sasabay naman ako kay Zanji papuntang bahay ni Wren ay kailangan ko pa rin maghanda ng maaga kasi tutulong pa kami doon sa paghahanda.
I texted Zanji to come over by 10, at pumunta naman siya exactly sa oras ng usapan.
"Why aren't you wearing fabulous dress?"
Iyon agad ang bungad niya pagkababa ko ng hagdan, napakunot ang noo ko. Nakasuot ako ngayon ng black t-shirt na may logo ng straw-hat pirates sa gilid, tapos naka maong na fitted pants at nike shoes, what the hell is wrong with that? Kay Wren na birthday naman ang pupuntahan namin so wala naman sigurong dress coding doon.
"Tara na, gusto ko maagang makarating doon," I said as I entered his car nang makalabas na kami ng bahay, hawak ko ang regalo ko kay Wren, hopefully, magustuhan niya.
As we arrived, nakita ko pa ang iba naming kaibigan. I never expected them to be earlier than me, mga bugok.
"Wow, may regalo si Trex, sana all." Reymond shouted. Naghihila sila ng lamesa sa labas, malamang doon kakain mamaya.
"Bakit ang aga niyo mga bugok, ha." I asked raising my eyebrow.
"Nag text si Walter e, kailangan daw ng tulong." Elton answered.
Nang pumunta si Zanji sa pwesto namin ay saka naman ako pumasok sa loob to greet Wren, actually hindi pa kami totally okay simula nung incident noong midterms, ang taas naman kasi ng pride nito e.
Nang matagpuan ko siyang nagluluto ng spaghetti sa kusina ay agad ko naman siyang ginulat. At nagulat naman siya, napahawak pa nga sa dibdib.
"Tangina mo," bulong nito.
"Happy birthday, my man!" I greeted with such happy face. Inakbayan ko siya kahit matangkad siya, saka pinakita sakanya ang regalo kong naka wrap, natigilan naman siya sa ginagawa niya at saka inagaw sa akin ang regalo, hindi ako nakagalaw agad dahil hindi ko alam kung babawiin ko ba o ano.
Sinimulan niya nang buksan iyon, at doon lang ako nakakilos, amputa excited si gago.
"Mamaya mo na buksan, baliw." Sabi ko. Tumingin siya sa akin nang masama, saka ako dinilaan na parang bata. Gago talaga e.
"Manahimik ka dyan, di pa tayo bati-"
Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang regalo ko sakanya. This was the reaction I expected. Matitigilan siya saglit tapos magpapasalamat sa akin kasi magugustuhan niya ang regalo ko sakanya.
"Ano? Ayos ba? Hahahaha. Ingatan mo 'yan ah, pina-customize ko pa iyan para sa 'yo." Sabay tawa ko pa.
Tumingin siya sa akin saka ako niyakap, nakangiti na siya ngayon, muntanga sabi niya kanina hindi kami bati ah.
"Thank you, gago. Tagal ko na gustong magkaroon nito kaso nag-iipon ako." sambit niya sa akin.
Napangiti ako, syempre sino ba naman ang taong ayaw magkaroon ng Jacket na may tatak ng crest ng stigma with his name on it.
*****
"They're here," I shouted. Nang mag text si Walter sa akin na nasa labas na sila ni Zamyr ay agad kong inalok ang iilan sa mga kaibigan ko para matulungan sa pagbubuhat ng karaoke at speaker na dala ni Walter, si Zamyr naman ay may dalang mga regalo.
YOU ARE READING
Memory of a Sinner
Roman pour Adolescents[STIGMA SERIES #1] Within the halls of Crestwood High, Trexdeene Wriley shone as a beacon of positivity and academic prowess. Her radiant spirit attracted attention, but it was the arrival of an enigmatic young man that would change the course of he...