Soliman
"Soliman—"
Napahinto ako sa pagpasok ng palasyo nang marinig ko ang boses ni Dalisay.
Tala. Tawag ko bigla kay Tala at ngayon ko pinagsisisihan na hindi ko tinanggap ang mungkahi niya kanina kung paano kami makakapag-usap ng walang sagabal.
"—kanina pa kita hinahanap." Lumitaw si Dalisay sa harapan ko na ikinabigla ko.
Saan nanggaling iyon?
Napatingin ako sa paligid at sa mga kawal na nakatayo sa gilid. Tanging mata nila ang gumagalaw at pawang nakamasid sa amin ni Dalisay.
"Ngayong nandito na ako, maaari ka ng umuwi."
"Hindi pa ako naghahapunan. Hinihintay kita," nakalabing wika nito. Napatingin ako sa kawal na natawa ng bahagya. Agad itong umayos ng tayo at tumingin ng deretso sa kawalan.
"Kaya nga umuwi ka na upang makapaghapunan ka," sagot ko. Umiwas ako upang makaraan kay Dalisay ngunit humarang siyang muli sa daraanan ko bagay na nagsimulang magpainis sa akin.
Sa 'di kalayuan ay may kidlat na nagliwanag sa madilim na langit.
"Ngunit malayo ang aming tahanan at makulimlim ang langit—"
"Mawalang galang naman Soliman," putol sa amin ng bagong dating na labis kong ikinagpasalamat.
"Jake, ano iyon?"
Humakbang ako palayo kay Dalisay at tumabi kay Jake.
"Pasensya na sa abala—"
"Wala iyon. Aalis na si Dalisay," mabilis na sagot ko.
"Malayo nga ang aming tahanan," giit ni Dalisay.
"Wala bang Air Bnb dito?" tanong ni Jake kay Dalisay. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Dalisay.
"Ugh, ano iyon?"
"Paupahang bahay kung saan pansamantala kang pwedeng matulog," paliwanag ni Jake.
"Walang gano'n—"
"Naku sayang, kung ganoon ay simulan mo na palang maglakad," putol ni Jake sa gustong sabihin ni Dalisay.
"Soliman—" tawag ni Dalisay sa aking pansin. Isang kidlat muli ang lumitaw sa kalangitan. Hindi ba makahalata ang isa na ito.
Niyaya ko papasok ng palasyo si Jake at iniwan si Dalisay sa labas ng pintuan. Pagpasok namin ni Jake ay si Faustino naman ang naghihintay sa akin sa loob.
"Saan ka nanggaling?" Mataas ang tono nito na ikinakiling ng ulo ni Jake. Napatingin siya kay Faustino na kinakakitaan ng iritasyon sa mukha.
"Kanina pa kita hinahanap. Kasama mo ba ang walang galang na —"
"Careful," babala ni Jake.
Parang natauhan si Faustino at biglang nagbaba ng boses.
"Nag-aalala kami sa iyo, Pinuno."
Natawa ng bahagya si Jake at patuyang nagpahayag. "Pinuno ka pala Soliman, akala ko ay kasintahan ka kung bungangaan. Bueno, napadaan lang ako talaga at hindi naman kita kakausapin. Humingi lamang ako ng tea sa kusina ninyo at kailangan yata ni Bunao para pakalmahin si Tala." Tumingin si Jake kay Faustino.
"Ano na naman ang nangyari?" may babalang tanong ko sa dalawa.
"'Yong kaibigan mo ay mukhang mainit ang ulo kanina. Sige," paalam ni Jake.
Si Faustino ay may gana pang tumingin sa akin nang makalabas si Jake at maisarado ang pintuan. Isang malakas na kidlat at kulog ang yumanig sa palasyo nang maisarado n ani Jake ang pintuan.
BINABASA MO ANG
The Book of Goddess
FantasyIKA-LIMANG AKLAT Ano ba ang alam ng mga tao sa amin? Bukod sa amin pangalan na kakaunti ang nakakaalam ay hindi wala na yatang nakakaalala sa mga ginawa para sa kanila. Kasabay ng pagkalimot ng tao ay ang pagkalimot ko sa aking puso- sa aking nag-ii...