Kabanata 25- GIVE UP

1.9K 141 36
                                    

Soliman

Nagkalat ang mga libro at gamit sa loob ng bahay ni Anagolay nang lumabas kami sa lagusan. May marka ng karahasan sa mga pader kung saan naroon ang ilang kalmot sa mga kahoy.

"Wala na siya," wika ni Sidapa.

"Saan nagpunta?" tanong ni Jelie.

Sa 'di kalayuan sa akin ay si Jake na nakatitig sa pader na umuusok-usok pa at nangingitim.

"Nahuli tayo," wika ni Bunao.

"Nakaalis na si Aunt Go—" hindi natapos ni Jelie ang nais sabihin nang mapatingin siya sa kumpol ng abo na puti sa sahig na tinitingnan ni Bunao habang ang tatlong Diwata naman ay nakaluhod at nakapalibot dito at nagbibigay ng huling panalangin.

"Namatay siya?" pabulong na tanong ni Jelie.

"Pinatay," pagtatama ko.

"Sino—"

"Si Sitan," mabilis na sagot ni Jake sa tanong ng taga-bantay.

"Hindi mo ba kayang buhayin, Soliman?"

Umiling ako kay Jelie. "May hangganan ang kapangyarihan ko. Hindi ako si Bathala at wala tayo sa Biringan."

Napabuga ng hangin si Jelie at nakiluhad kina Tala. Sumunod sila Amihan, Adarna at Carol na nagdasal batay sa paniniwalang alam nila.

"Jake—"

"Papatayin ko siya," wika nito. Hiniwakan ko ang balikat nito ngunit kaagad ko ring nabitawan dahil sa init ng nanggagaling sa kanya.

"Kailangang kumalma ka. May kailangan pa tayong hanapin upang mahanap si Bathala."

Umihip ang napakalamig na hangin sa loob ng bahay. Unti-unting tinangay nito ang mga labi ni Anagolay papunta sa himpapawid. Parang tubig na umaagos sa hangin ang abo.

Isang payapang paglalakbay, Anagolay usal ko.

Tahimik na nagligpit ng mga kalat ang mga kababaihan.

Si Sidapa, Bunao at Zandro naman ay naghahanap ng palatandaan kung saan makikita ang anak ni Malakas at Maganda. Iyon naman ang ipinunta namin dito talaga.

Sa ilalim na nagkalat na libro ay isang pangalan ng bayan ang lumitaw nang matangkap na ang mga kalat na nakatabon dito.

Sambal.

Nakaukit ang salita sa sahig na kahoy at may kakaunting dugo na natuyo at nagmistulang tinta.

"Iyan ba ang huling kinakain ni Auntie bago siya pinatay?" tanong ng taga-bantay habang nakikigulo sa amin.

"Hindi iyan pagkain. Lugar 'yan," paliwanag ni Zandro kay Jelie.

"Saan nga?" pangungulit nito.

"Zambales?" hindi siguradong sagot ni Carol.

"Paano mo nasabi? Letter Z ang Zambales."

"Sasakalin na kita, Jelie. Manahimik ka muna nga," angil ni Bunao rito.

Si Tala ay tumabi sa akin at humawak sa aking braso. Si Bunao naman ay naghagis ng kung ano-anong dahon, pulbos at ugat ng mga puno sa palibot ng salita. Nagbigkas siya ng orasyon at lumiwanag ang salitang nakaulit sa sahig.

Lumitaw ang mapa ng Maharlika— ang Pilipinas. Itinuro nito kung nasaan ang Sambal.

"Tama, Zambales nga. Katabi ng Bataan, malapit sa Pampanga," ani ni Carol.

"Tabing dagat," ani ni Amihan.

"Aww. Let's go to the beach-each, Let's go get a wave. They say what they gonna say. Have a drink, clink, found the Bud Light. Bad bitches like me is hard to come by."

Napapailing si Tala habang umaawit si Jelie. Si Bunao ay mukhang nayayamot na dito at sinabuyan ng kulay pulang pulbo si Jelie at nagsimulang umubo. Kaagad na lumamig ang paligid at binalot ng itim na usok si Bunao.

"Bawalan mo kasi 'yang asawa mo. Ang ingay minsan," ani ni Bunao na mas lalong nairita.

Natatawa ang ilan habang kinakabog ni Sidapa ang likod ni Jelie na akala mo ay nabilaukan.

"Malaki ang Zambales, saan tayo magsisimulang maghanap?" tanong ni Zandro sa mga kasama.

"Magtanong tayo kay Maria Sinukuan," mungkahi ni Hanan.

"Hindi," ubo. "Pa ba," ubo. "Siya," ubo. "Nag-give up?" ubo. Kahit nahihirapang magsalita ay nakisabat ang taga-bantay na ikinayuko ni Tala at mahinang tumawa.

"Ano?" tanong ng Adarna at ni Carol kay Jelie.

"Ang kulit ano?" tanong ko kay Tala.

"Mauubos ang pasensya mo d'yan kay Jelie," mahinang sagot ni Tala sa akin.

"Si Maria, hindi pa sumuko?" tanong muli ni Jelie nang nakahinga na siya ng maayos.

"Gagi, iyon ang pangalan niya," walang ganang sagot ni Jake.

"Ahh, akala ko parang 'Sumuko na ang Bataan' phrase."

Napadukmo si Tala sa balikat ko upang itago ang pagtawa.

"Minsan ang bright mo, minsan naman wala ka sa tiyempo. Ang hirap mong sabayan," ani ni Jake rito.

"Ang aga pa kasi," mapaklang sagot ni Jelie. "Wala man lang pakape kanina."

"Zambales o Arayat?" tanong ko sa kanila.

"Sa Arayat muna, hanapin natin si Maria," sagot ni Bunao.

"Wait, question?" ani ni Jelie na ikinalukot ng mukha ng mga kaibigan niya.

Nagsimula ang mga ito na iwan si Jelie at Sidapa. Sumunod kami ni Tala sa mga ito sa kusina. Nakialam sila sa kusina ni Anagolay at nagtimpla ng kape.

"Guys, saan ang Arayat?" tanong ni Jelie nang makasunod na siya sa kusina. Wala namang kibo si Sidapa na nakasunod sa kanya.

"Sa Pampanga," sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan niya. Napalakas na ang boses ng mga ito. Natahimik si Jelie at walang kibong umupo sa tabi ni Tala.

"Bakit kayo galit?" bubulong-bulong na tanong ni Jelie na ikinatawa na ng tuluyan ni Tala.

"Paano nga ulit ang kinakanta mo kanina?" biro ni Tala dito. "Pagpatuloy mo, bilis."

"No, thanks. Parang laging kasalanan ko."

"Bea—"

"Bobbie iyon," masungit na sagot ni Jelie kay Carol. "Pareho kaming hindi mahal ni Ma."

Napadukmo na si Tala at ang kanyang mga kapatid sa kakatawa. Ang ibang kaibigan naman ni Jelie ay nangingiti na sa kanya.

"Saya ni Tala. Tawang-tawa ka. Ginawa mo akong clown."

"Manahimik ka kasi," sagot ni Tala kay Jelie.

"Bukas, luluhod muli si Tala," baling ni Jelie sa amin.

"Ayyy, mukhang merong nagtatampo. Lambingin mo na nga Sidapa. Kulang yata sa pagmamahal," biro ni Jake.

Hinintay naming sumikat ang araw bago kami kumilos papunta sa Zambales.

"Maghihintay akong lumuhod muli ang mga tala," wika ko s aisip.

"Manahimik ka," sagot ni Tala sa akin.

-Wakas

The Book of GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon