Soliman
Hindi man lamang mamili ng oras itong itim na engkanto na ito. Nag-uusap kami... nag-uusap!
Napahinto ako sa pagtakbo pabalik sa palasyo nang may maalala sa mga sinabi ng tatlong mahiwagang engkanto sa gubat.
Kasal kami ni Tala!
Unti-unting sumilay ang ngiti sa akin. Mukhang may kailangan akong habuling pulot-gata.
"Tabi," sigaw ko sa aking nasasakupan na humaharang sa aking daraanan.
Isang malakas na kidlat ang namutawi sa langit gayong masikat ang araw.
Tala, tawag ko sa aking isipan.
Umaaraw ngunit kumikidlat. Anong klaseng panahon na naman ang pinapalabas mo? mabilis niyang sagot.
Ilang itim na engkanto ang aking namataan sa 'di kalayuan. Mabilis akong huranag sa aking mga tao at inutusan ang lupa na gumawa ng panangga. Nararamdaman ko na ang kapangyarihan ng lupa na matagal ko nang isinasantabi. Pinalabas ko ang mga ugat ng puno at ginawang mga tinik na yumakap sa mga itim na engkanto. Ang sigaw nila ang huling narinig ko bago ako lumingon sa aking mga tao na nakaupo sa putikan at nanginginig sa takot.
"Magtago kayo," utos ko sa kanila.
"Opo, pinuno," ani nila.
Naisip ko lamang na masyadong abala ang mga itim na engkanto na ito sa naudlot nating pulot-gata.
Nangingiti akong nagpatuloy sa pagtakbo. Hinihintay kong sumagot si Tala.
Umaasa ka? Nanunuyang tanong ni Tala na tuluyan kong ikinatawa.
May mga humarang sa akin na isang hanay ng mga sundalong itim na engkanto. Naiiling akong tumigil sa paggalaw at tinawag muli ang lupa. Isa-isa silang itinuhog ng mga ugat na waring gawa sa tinik ng mga rosas na kasing laki ng mga tao. Wala ni isa sa kanila ang naiwang buhay.
Masama bang umasa ang iyong kabiyak?
Narinig kong tumawa si Tala. Ni hindi ko nga matandaan na um-oo ako.
Narinig mo ang sinabi, ang Ada ang nagbuklod sa atin. Nais mo bang hindi sundin?
Tampalasan ka. Manatili kang buhay, Soliman. Nakikipaglaban ako dito.
Natiim ang aking mga bagang sa sinabi ni Tala. Huminto akong muli at tiningnan ang mapligid. Pinakiramdaman ko ang lupa... ang lupang tumatawag sa akin. Nararamdaman ko ang bawat is ana nakatapak dito. Nararamdaman ko si Tala na tunay ngang may kinakaharap ngayon. Nararamdaman ko ang mga itim na engkanto.
Inipon ko ang aking lakas at pinakawalan ng tuluyan ang kapangyarihan na aking kinikitil. Ang aking buhok ay tuluyang nag-iba, naging kulay ginto ito maging ang aking mata. Mas tumalas ang aking paningin, mas nakakarinig ako ng taimtim. Hinawakan ko ang lupa at muling tinawag.
"Igapos ang lahat ng itim na engkanto na tatapak sa lupa," utos ko.
Naramdaman ko ang pagyanig ng lupa at ang paggalaw nito. Narinig ko ng mga pagkabigla ng mga engkanto, ang sigawan at pagtatalo. Naramdaman ko ang pagpupumiglas ng mga naigapos.
Mag-iingat ka, Mahal.
Soliman, naiinis na sagot ni Tala. Pwede bang mamaya na tayo mag-usap?
Sayang ang oras. Kung makakapag-usap tayo ngayon ay maaring iba na ang gagawin natin mamaya.
Natawa ako ng bahagya nang marinig ko ang napagbalingan ng inis ni Tala.
BINABASA MO ANG
The Book of Goddess
FantasyIKA-LIMANG AKLAT Ano ba ang alam ng mga tao sa amin? Bukod sa amin pangalan na kakaunti ang nakakaalam ay hindi wala na yatang nakakaalala sa mga ginawa para sa kanila. Kasabay ng pagkalimot ng tao ay ang pagkalimot ko sa aking puso- sa aking nag-ii...