Nanginginig na napahawak siya sa armrest nang upuan niya sa eroplano. First time niyang sumakay dito at nataon pa na may papasok na bagyo, kaya ito para silang nakikipaglaban sa hangin dahil inuuga nito ang sinasakyan nila.
"Tsk let go of my arms."
Gulat na napatingin siya sa katabi at ganun nalang ang gulat niya nang makita niya ang itsura nito. Ang gwapo..
"nakapasa ba ako sa standard mo?" Nakangisi nitong sabi.
Agad na iniwas niya ang tingin dito tsaka niya binitawan ang braso nitong aksidente niyang nahawakan kanina.
Umuga na naman ang eroplano kaya napapikit na naman siya. Jusko mamatay ata ako.
"Are you scared?" Tanong nang katabi niya.
Hindi niya ito sinagot instead nagsimula siyang magdasal nang tahimik. Halos mapahikbi siya nang biglang mag patay sindi ang ilaw nang eroplano at nadinig niya ang flight stewardess na pinagseseatbelt ang lahat dahil nakakaranas daw sila nang air turbulence.
Nadinig niya ang pag asik nang katabi niya bago niya naramdaman ang pagkalas nang seatbelt niya kaya napatingin siya dito. Ganon nalang ang panlalaki nang mata niya nang hilahin siya nito sabay kandong nito sa kanya, magsasalita sana siya nang yakapin siya nito nang mahigpit.
"Close your eyes, makakarating tayo nang manila nang safe ok." Mahinang sabi nito. Tsaka siya tinitigan sa mata. "And im doing this dahil para kanang mahihimatay sa takot. Don't worry once ma stable na ang lipad nang eroplano I'll put you back to your seat. Now close your eyes and relax." Sabi nito sabay sandal nito sa ulo niya sa may balikat nito.
Hindi niya alam kong bakit pero ang init na nagmumula sa katawan nito ay nagpaparelax nang katawan niya. Pipikit na sana siya nang biglang may stewardess na lumapit sa kanila at kinausap ang lalaki at pinapabalik siya sa upuan niya dahil bawal daw ang ginagawa niya.
Aalis na sana siya sa kandungan nang lalaki nang higpitan nito ang paghawak sa kanya bago ito humarap sa stewardess tsaka nito sinabi ang salitang nagpawindang hindi lang sa kanya kundi maging sa mga pasaherong kasabayan niya.
"Look My wife is scared as hell, hanggat hindi nag e stable sa pag lipad ang eroplanong to then my wife will stay in my lap. I dont care about the rules you guys have, my wife is more important than that. Now leave." Masungit na sabi nito.
Nakanganga naman siya habang nakatitig sa lalaki. Jusko anong wife ang pinagsasabi nito ni hindi niya nga ito kilala.
Napasinghap siya nang bumaling ito sa kanya. Myghad this guy possess an eyes na kung titingnan ka ay tila inaarok ang pagkatao mo.
"I told you to close your eyes." Maangas na sabi nito na agad naman niyang sinunod.
Pero bago niya tuluyang maipikit ang mata ay nahagip nang paningin niya ang isang magazine at kitang kita niya ang lalaki sa front page.
"The multi- billionaire Kyros Samaniego is finally back in the Philippines."
————————————-####———————————-
Yes this is the Edited Version.
MessyImagination
BINABASA MO ANG
Unexpected Wife
ChickLitBinalak mo lang magtrabaho sa manila, pero hindi mo akalain na dahil sa isang pangyayari ikaw ay matatali sa isang tao na hindi lang gwapo kundi isang billionario. Sabi nila everything happens for a reason, would you dig deeper to know the reason of...