Chapter 7

238 22 2
                                    

Luna's POV

Napatigil siya sa pag pasok sa dining area nang makitang nakaupo na si Kyros doon at prenteng nagbabasa nang dyaryo. Nagising siyang wala na ito sa kwarto, pero may iniwan itong damit at sapatos sa tabi niya at isang note na nagsasaad na yun daw ang isuot ko.

And now she was wearing a black dress na hapit sa katawan niya at hanggang ibabang tuhod niya na pinarisan nang itim din na sandal na may design na gold in it. Inshort mukha siyang professional sa damit niya.

"Are you just gonna stand there and dont have plans on joining me?"

Agad na napakurap siya nang magsalita si Kyros. He was already staring at her with a serious look on his face. Kagat labi siyang naglakad palapit dito at umupo sa katabi nitong upuan.

Sa pag tataka niya ay tumayo ito at lumapit sa kanya, at nang makalapit ay hinawakan ang mukha niya at ipinatingala dito.

"You forgot something love." He said kaya napakunot noo siya. Kitang kita niya ang pag ngiti nito sabay halik sa noo niya. "There, thats what you forgot. Good morning sweetheart." Sabi nito bago tumalikod at balik sa upuan nito kanina.

Napatingin siya sa gilid nang may mag iritan. And saw Nina at nanay ising with big smile on their faces. Tila nakita nang mga ito ang ginawa ni Kyros kaya agad siyang namula sa naisip.

"Eat sweetheart," untag ni Kyros sa kanya kaya agad siyang tumango at kumuha nang itlog at hotdog sa mesa. She look around at agad na dismaya nang hindi makakita nang kanin, kaya no choice at kinuha niya ang tinapay at nag simula nalang kumain nun.

After eating one piece of bread, one hotdog and piece of egg ay agad na niyang binaba ang kubyertos niya at uminom nang tubig.

"Tapos ka na?" He ask kaya tumango siya. Kitang kita niya ang pag kunot ng noo nito na tila ba may hindi nagustuhan. "Geez you only eat a little, nabusog ka nun? Eat more Luna, at hindi tayo tatayo hanggat hindi ako nasasatisfy sa kinain mo." Istrikto nitong sabi.

"Pero busog na ako." She said na agad niyang pinagsisihan nang tingnan siya nito nang masama.

"Busog? Nagpapatawa ka? Ano ka ibon? Sa kakarampot na kinain mo walang mabubusog dun." He said. "Gusto mo bang subuan pa kita?"

Agad siyang umiling at tahimik na kumain nalang ulit. Jusko paano ba kasi ako kakain nang marami kung nakatingin ka?

After few minutes and after eating more ay tumigil na siya. Kitang kita niya ang pag ngiti nito na tila ba natuwa dahil sinunod niya ito.

Tumayo na ito kaya agad siyang tumayo sa inuupuan niya. Kyros walk towards her, agad nitong hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas nang dining area.

Nang bitiwan nito ang kamay niya at kinuha ang attache case nito at naglakad palabas nang pinto ay sumunod nalang siya sa likod nito.

Infairness naman sa asawa niya ha, ang tambok nang pwet dinaig siya. Bagay na bagay dito ang business suit na suot nito.

"Faster love baka ma traffic pa tayo." Sabi nito kaya halos mapatakbo siya sa pag habol dito. Nang makalapit sila sa sasakyan ay agad siya nitong pinagbuksan nang pintuan bago ito gumilid at pumasok sa kabila.

Jusko bat ba ang bango nang lalaking to?

Napakurap siya nang makitang halos mag banggaan ang ilong nila nang asawa nang lumapit ito sa kanya. "Remember, always wear your seatbelt." Tila paos nitong sabi bago ito umupo nang maayos.

Kagat labing umiwas siya ng tingin sa lalaki dahil ramdam niya ang pamumula nang pisngi niya. Shutangina akala ko hahalikan ako pero kinabit lang pala ang seatbelt. Asa pa more Luna Marie.

"Stop thinking about me Love, and please dont bite your lips pag nasa malapit ako. Mahirap magpigil."Bulong nito na dinig naman niya.

"Ha?"

Kyros look at her bago ito napailing habang may ngisi sa lalaki.

"Adorable."

Napakunot noo siya bago napanguso, agad siyang napabaling dito nang hawakan nito ang kamay niya.

"Ky--."

Ngumiti ito bago siya sinulyapan.

"Just let me hold your hand wife." sabi nito kaya napakagat labi nalang siya at tumingin sa labas ng bintana.

Puso kalma.

—————————####————————-

MessyImagination

Unexpected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon