Luna's POV
Its sunday at nandito lang siya sa bahay, halos everyday kasi lalo na pag weekdays ay sinasama siya ni Kyros sa trabaho nito. Pati nga ang pag attend nito sa mga meeting nito ay kasama din siya, wala naman siyang choice.
At nakausap na niya din ang mama niya at nasa amerika na ito at naoperahan narin ang kapatid niya and she was very thankful to Kyros for that.
"Ma'am heto na po ang juice niyo." Nina said habang inilapag nito ang juice sa may mesa.
Nasa likod siya nang bahay kung saan ay pinakiusapan niya si Kyros na payagan siyang mag tanim nang mga bulaklak sa gilid, few inches away from the pool. Buti nalang at pumayag dahil may mapag kakaabalahan na siya.
Sa loob nang halos dalawang buwan nilang pagsasama, masasabi niyang gentleman ito. He surely never did take advantage sa kanya, the only thing he do na nakasanayan na rin niya ay ang pagyakap nito pag sila'y matutulog na at ang mga halik na pinagkakaloob nito sa noo niya.
"Salamat Nina. Ahm gising na ba si Kyros?" She ask dahil iniwan niya itong natutulog sa kwarto nila.
"Di pa po ma'am. Ganyan po talaga si sir pag linggo late na babangon. Rest day kung rest day po talaga siya." Nina said tsaka ito tumingin sa ginagawa niya. "Gusto niyo po ba nang tulong?" Tanong nito.
Ngumiti siya at umiling dito. Agad niyang inubos ang juice na dala nito bago hinarap ang mga tanim niya. "Wag na, malapit na naman akong matapos." She said na tinanguan lang nito bago ito magpaalam at iwan siya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ginagawa dahil enjoy na enjoy siya sa pagtatanim nang mga ibat ibang kulay na rosas. And she was also humming a song na tila ba kinakantahan niya ang mga alaga niyang bulaklak.
"What song is that."
"Ay anak ng kamote." Gulat na wika niya nang biglang may magsalita sa likod niya.
Agad siyang napatayo nang makita si Kyros na nakangiting nakatingin sa kanya. But when he saw kung ano ang sout niya ay agad tumalim ang mga mata nito.
"What the fck are you wearing?" Salubong ang kilay na tanong nito kaya tiningnan niya ang suot.
Nakatshirt naman siya na may malaking Smiley face na print at short.
"Tshirt at short?" Patanong na sagot niya dito. Nang makita ang ayos nang asawa ay siya naman ang napalunok. Nakapajama lang ito pero hubad sa pang itaas. Bago paman traydurin siya nang mga mata niya ay umiwas na siya nang tingin dito baka kasi mapatingin pa siya sa ibaba nito mahirap na.
"Short? You call that a short? Eh ang ikli niyan. Sana nagpanty ka nalang." Sabi nito na nagpasinghap sa kanya.
"Hoy Kyros Samaniego short to noh. Talagang maikli dahil short nga, utak please." She said sabay ikot nang mga mata niya.
Ganun nalang ang gulat niya nang hilahin siya nito sabay ikot nang mga kamay nito sa bewang niya.
"Dont you roll your eyes on me Luna Marie Samaniego. Go back to our room and change. Starting from today you are not allowed to wear shorts, and if mapilit ka magpanty ka nalang but only in our bedroom and show it in my eyes only."he said tsaka nito hinawakan ang mukha niya. "And dont ever leave my side pag tulog pa ako."
"Bakit?" Paos niyang tanong dahil sa lapit nang mukha nito.
Kitang kita niya ang pag ngisi nito sabay sandal ng noo sa noo niya. "Why? Because ikaw ang gusto kung makita sa oras nang pagmulat ko." He said then kissed her forehead. "Damn love go and change now." He said bago ito tumalikod at nalakad palayo sa kanya.
Pero bago pa ito makalayo nang tuluyan ay bigla itong humarap sa kanya at naglakad ulit pabalik sa harap niya. And to her surprise he grab her near him and give her a smack kiss on the lips.
"There, kanina ko pa gustong gawin yan. Good morning love." He said sabay kindat nito bago talikod at iwan siyang tulala.
---------------------
Kyros POV
Kanina pa niya gustong tumawa habang nakatingin kay Luna na nakasimangot na nakaupo sa sala katapat niya. Suot parin nito ang tshirt nito pero nakapajama na. Geez this woman dont know how sexy she is wearing that short kanina.
"Come on Luna, naka aircon naman tong buong bahay kaya no need to wear shorts here." He said.
Inirapan siya nito bago tumayo at naglakad papuntang kusina. Napangisi siya nang makitang hinawakan nito ang laylayan nang pajama nito bago umirap ulit sa kanya sabay alis. He forgot to mention, its his pajama she's wearing right now kaya inis na inis ang asawa niya.
"You look happy kuya."
Napalingon siya sa pinto and saw his sister with her dog na papasok. Agad itong lumapit sa kanya and kiss his cheek, naka boyish attire na naman ito na ikinailing nalang niya.
"Where's ate?" Tanong nito kaya nginuso niya ang kusina. Kara just nod and sit next to him. "Few more days and tita will arrive already. Nag improve naba kayo ni ate Luna?" Tanong nito.
He sighed bago tumingin sa kusina hoping to see his wife come out. "Maybe? Diko alam, but im doing my part sis. Pero parang naiilang pa siya sa akin. Maybe you should try to talk to her." Sabi niya.
Magsasalita sana ito nang biglang mag ring ang phone niya kaya nag excuse siya sa kapatid at sinagot ang tumatawag and decided to just walk sa may pool area.
"Sir should I put Mr. Reyes for tomorrow's schedule?" Dinig niyang sabi nang sekretarya niya pero di siya makasagot dahil mula sa kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang asawa na tila batang ngumingiti habang dinidiligan ang mga tinanim nito kanina. Geez he didnt even saw her na lumabas papunta sa may garden, o baka sa kusina ito dumaan.
"Sir?" Untag nang sekretarya.
"Ill call you back later." He just said bago naglakad palapit kay Luna.
Tila hindi na naman nito napansin ang paglapit niya, he smirk when he saw her happily singing or rapping a song. His eyes travel down to her hips at kulang nalang mapasipol siya nang kumimbot iyon. Dang even with pajama this girl got big effect on him.
And without thinking, he walk towards her and embrace her from behind na nagpatigil dito. Tila ito na estatwa habang yakap yakap niya.
"I wish I'm a flower. Dimo naman ako ini inform na may libreng kanta at sayaw pala ang pagdidilig nang halaman." He whisper, then he put his nose on the side of her neck and start snipping her.
Damn she smell so good.
"Ky baka may makakita." Nanginginig na bulong nito kaya itinigil niya ang ginagawang pag amoy dito at pinaharap sa kanya ang asawa.
Tila ito kamatis sa pula at hindi nito masalubong ang mga tingin niya. "Look at me sweetheart." He said sabay hawak sa chin nito at pilit iniharap ang mukha sa kanya. "I want to see you looking at me while im talking to you."sabi niya with a hint of seriousness in his voice na agad namang nagpatingin sa asawa sa kanya.
She surely got a simple features pero habang tinititigan mo siya nang matagal gumaganda ito lalo sa mga mata niya. An untouched gem that he's willing to protect until their contract last.
"Starting today I want you to call me with an endearment. Love would be fine to me." He said tsaka siya umiba nang pwesto at niyakap ito from behind. "Learn to be comfortable with me sweetheart, after all we gonna be together for a year. Plus my mom is coming home soon, and I dont wanna be busted with this fiasco dahil lang sa naiilang ka lagi sa akin. So today will start to remove this awkwardness between us" He said tsaka ito iginaya paharap sa pool.
"And we gonna start doing that by this." He said then jump to the pool habang yakap yakap ang asawa.
Nang makaahon sila ay agad niya itong binitiwan at lumangoy siya palayo dito habang may malaking ngiti sa labi.
"Kyros, pakshet ka." His wife said that earns a laughter from him.
———————————####———————
MessyImagination
BINABASA MO ANG
Unexpected Wife
ChickLitBinalak mo lang magtrabaho sa manila, pero hindi mo akalain na dahil sa isang pangyayari ikaw ay matatali sa isang tao na hindi lang gwapo kundi isang billionario. Sabi nila everything happens for a reason, would you dig deeper to know the reason of...