Chapter 4

217 26 2
                                    


Luna's POV

Kakatapos niya lang ilagay ang mga gamit niya sa kwartong itunuro nang Maid sa kanya. Tutulungan sana siya sa pag aayos pero tumanggi siya dito. Kanina nung makarating siya sa bahay ni Kyros halos malula siya sa ganda at laki nito. This is her first time to step on a very fancy house. Nakadinig siya nang katok sa pinto kaya agad niyang binuksan iyon.

"Ma'am nakahanda napo ang meryenda ninyo." Sabi nang katulong na kaedad niya lang ata. Tatalikod na sana ito nang hawakan niya ang kamay nito.

"Ahmm wag mo na akong tawaging Ma'am, Luna nalang po . Tsaka ano po ang pangalan niyo?"

Ngumiti ito tsaka bahagyang yumuko sa kanya. "Baka magalit po si Sir pag di po kita tinawag ng Ma'am. At ako nga pala si Nina, yung mayordoma naman dito si Nanay Ising. Yung dalawang guard sa gate ay sina Lando at Fabian. May dalawa pa po akong kasama sina Claire at Lourdes. Halika po sa baba, nang makilala mo po sila." Sabi nito tsaka ito nag patiuna sa paglalakad.

Nang makarating sila sa kusina ay may nakita siyang tatlong babae, dalawang kaedaran niya at isang matanda.

"Ma'am siya po si Nanay ising." Turo nito sa matanda. "At sila naman po si Claire at Lourdes." Pakilala ni Nina sa dalawa na agad naman ngumiti sa kanya. "At siya naman ang asawa ni Sir Kyros si Ma'am Luna."

Dinig niya ang pagsinghap nina Claire at Lourdes kaya napatingin siya sa mga ito.

"Hala Sorry Ma'am, nagulat lang po kasi kami. Wala po kasi kaming nakikilala na girlfriend ni Sir kaya na shock po kami sa sinabi ni Nina na asawa ka ni Sir Kyros." Claire said.

Ngumiti siya sa mga ito tsaka tumingin kay Nanay Ising. "Wag na po ninyo akong tawagin na Ma'am, Luna nalang po." Mahinang sabi niya na nagpangiti sa matanda.

"Napakabait mo namang bata iha." Sabi nito. "Sige tatawagin ka naming Luna pero pag wala si Kyros pag nandito siya, Ma'am ang itatawag namin sa iyo."

Tumango siya tsaka umupo sa upuan. "Sabayan niyo po ako sa pag memeryenda. Hindi ko po kasi mauubos ang ginawa ninyo. Tsaka bigyan niyo nadin nang meryenda sina Lando at Fabian sa labas panigurong gutom na ang mga yon." Sabi niya bago sinimulang kumuha nang pagkain sa mesa.

Nang makabalik si Claire galing sa pagbibigay nang pagkain sa dalawang gwardiya ay agad itong umupo at nakisabay sa pagkain nila.

"Nay Ising pwede po ba akong tumulong sa mga gawaing bahay dito?" Tanong niya na nagpalaki nang mga mata nila.

"Naku iha hindi pwede, papagalitan kami ni Kyros." Agad na sabi ni Nanay Ising. "Isa pa nandito naman sina Nina para gawin yun."

"Ayaw ko lang po nang walang ginagawa Nay." Sabi niya na ikinangiti nito.

"Mag garden ka nalang ma'am." Lourdes said. Na sinang ayunan agad ni Nina. "Oo nga po. May space po sa likod na kulang nalang ay mga halaman. Yun nalang po ang gawin niyo wag lang kayong maglilinis dahil baka tanggalin kami ni Sir."

Tumango siya bago sumubo nang Cake. "Sige ipakita niyo sa akin mamaya. Para makausap ko si Kyros kung pwede ba ako mag tanim don." Sabi niya tsaka tumingin ulit sa matanda. "Nay pwede po bang banana cue naman ang gawin nating meryenda bukas? Mas sanay po ako dun kesa dito sa cake." Sabi niya na ikinatawa nang apat.

"Alam mo Ma'am unang kita ko palang sayo mula ng ihatid ka ni Ashton dito, alam ko nang mabait ka. Kaugali mo po si Ma'am Kara, down to earth at hindi mapag mataas." Nina said na nagpakunot nang noo sa kanya.

Unexpected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon