Nakatingin siya sa malaking pangalan nang building ng huminto ang sinasakyan niyang jeep sa harap nito. Papunta na siya sa trabaho at ito nga may mga iilang trabahante ang pababa nang jeep para pumasok sa malaking building sa harap niya.
Samaniego Group of Companies
Ulit na basa niya, bago siya umupo nang tuluyan ay tiningnan muna niya ang mumurahin niyang cellphone. Dalawang buwan nadin siya dito sa manila at ngayon ay nagtatrabaho bilang crew sa isang fastfood chain. Pero hindi padin niya makalimutan ang nangyari sa kanya habang papunta dito.
Napangiti siya habang inaalala kung paano siya nanatili sa bisig nang lalaking katabi niya hanggang sa naging maayos ang lipad nang eroplano. Kahit tiningnan lang siya nito nang magpasalamat siya ay sapat na yun para sa kanya. When they landed ay agad itong nawala sa paningin niya, kaya nga pinuslit niya ang magazine sa eroplano kung saan featured ang lalaki.
Kyros Samaniego
Pangalan palang gwapo na, yes tila siya nagkacrush at first sight sa lalaki. Pero alam naman niyang suntok sa buwan ang magkatagpo sila ulit. Kaya ok na sa kanya ang picture nito na nasa wallet niya na ginupit pa niya mula sa magazine na pinuslit niya.
Nang makita ang establisemento na kanyang pinagtatrabahuan ay agad siyang bumaba nang jeep at tumakbo papasok. Nang makapasok ay pansin niya na ang mga estudyanteng costumer na nakapila sa counter kaya agad siyang nag clock in para maka pwesto sa counter niya.
Napasinghap siya nang makita ang lalaki sa harap niya. Kahit naka shades ito alam niya siya iyong lalaking katabi niya sa eroplano. Napalingon siya sa katabi nang bahagya nitong sinipa ang paa niya at taasan siya nang kilay.
"Hmm welcome to Mcdonald's sir , may I take your order?" Tanong niya dito.
Pasimple niyang nilibot ang tingin sa paligid at hindi na siya nagtaka nang makita ang mga mababaehan na pasulyap sulya sa pwesto nila, maging ang kanyang manager ay lumabas at pasimpleng sumulyap din dito.
"Love."
Napalingon siya sa lalaki nang magsalita ito.
"Ano po?"tanong niya. Pinaraanan niya nang tingin ang lalaki at napasin na hindi ito naka business suit. Simpleng tshirt na puti at pantalon lang ang suot nito pero ang sex appeal nito ay tila hinihila ang nga mata nang mga kababaehan para tingnan ito. Kita niya ang paglapit nito lalo sa counter niya kaya agad siyang napayuko.
"I said Love can I speak to you in private?" Sabi nito na nag pasinghap sa mga kasamahan niya na nakarinig sa sinabi nang lalaki. Bago paman siya makasagot at humarap na ito sa manager niya. "Can I speak to my wife for awhile in your office?"
Ramdam niya ang kurot sa tagiliran nang katabi niya tsaka ito bumulong. "Akala ko ba single ka Luna? Jusko bat dimo sinabi na subrang gwapo nang asawa mo? Nako bhe kung ako asawa niyan ipangangalandakan ko na akin yan." Sabi nito.
Sasagot sana siya nang tumingin ang lalaki sa kanila tsaka ito ngumiti na nagpatili nang mahina sa kasamahan niya.
"Luna, go ahead talk to your husband in my office." Her manager said kaya tumango nalang siya at naunang pumasok sa loob. Ramdam niya ang pag sunod nito ganun nalang ang panlalaki nang mga mata niya nang ilock nito ang pinto. Umupo agad siya sa upuan nang magsimula itong maglakad sa palapit sa kanya.
Umupo ito sa harap niya at ramdam niya ang katahimikan nang titigan siya nito.
"What is your name?" Basag nito sa ka tahimikan.
"Luna po." Sagot niya.
"Full and real name."
"Luna Marie Ocampo po." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Wife
ChickLitBinalak mo lang magtrabaho sa manila, pero hindi mo akalain na dahil sa isang pangyayari ikaw ay matatali sa isang tao na hindi lang gwapo kundi isang billionario. Sabi nila everything happens for a reason, would you dig deeper to know the reason of...