Chapter 4

1.8K 28 0
                                    

Companion


I have always been so proud and imperious, reason why I can't accept the daunted part of me whenever Rhyno Villarojo is around.

The preeminent level of my amour propre enunciate predatory to the people around me, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan tuwing nakakabanggahan ang landas namin, I would always find myself unconsciously acting like a tamed prey.

Hindi man araw-araw na nakikita ko siya sa school ngunit natatagpuan ko nalang ang sariling umiiwas sakanya sa tuwing nasusulyapan ko siya sa malapit.

Last na approach ko sakanya ay noong nasa Pagudpud pa kami.

"Alam mo kung 'di mo lang sinabi na hindi mo siya type, iisipin kong may gusto ka na kay Kuya Rhyno."

Inirapan pa ako ni Charry bago isubo ang kinakaing popcorn.

I heaved a sigh and looked at her seriously.

Nasa ilalim kami ng puno ngayon at hindi sadyang nasa malayong bench si Rhyno, may kausap na babaeng hula ko ay graduating din gaya namin ni Charry dahil nakikita ko minsan sa department namin.

"Kulang nalang katayin mo iyong babae na kasama ni Kuya Rhyno." Ulit niya pa.

Naiirita ko siyang binalingan muli. "Why do you keep on calling him Kuya? Hindi nga ako nagkukuya even Torin."

She faked a shocked look with hand gestures pa.

"Ay malay ko? Wala kasi akong gusto diyan kay Kuya Rhyno kaya ganon. Tignan mo ako, hindi ko din Kinu-Kuya si Bellamy." She rolled her eyes again.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Wala naman akong gusto kay Rhyno. Should I call him Kuya too to prove it?"

Humalakhak siya at tumayo na. "Bahala ka, una na ako sa klase. Stalk mo pa ang bebe boy mo."

Sa irita ko ay gusto ko siyang sabunutan pero nakalayo na siya. Napabuga ako ng hangin at tumayo na din. Isang sulyap pa sa kinaroroonan ni Rhyno ngunit wala na ito kasama ang babae.

Pakealam ko naman diba?

Binalewala ko ang mga sutil ni Charry sa akin, dagdagan pa na patuloy sa pangungulit ni Kevin at ang pasimpleng paramdam ni Cole Lacoste.

It's good na rin na ga-graduate, isang semester nalang. I'm always tired of boys trying to confess their feelings and trying to ask me out.

Dahil siguro wala na ako next school year kaya sumusubok na. I mean, noon pa man marami nang sumubok na ligawan ako pero dahil nandiyan si Kuya at boyfriend ko noon si Kev ay umuurong. Takot nalang nila sa isang Alfaust Dizon na barumbado.

"That's a limited edition bag from Paris, my Mom went there last week and she's ecstatic upon hearing that I'm finally courting you kaya binili ka niyan."

I smiled awkwardly sa isang third year. Kakatapos lang ng klase ay ito agad ang sumalubong sa akin.

"Limang tao lang ang mayroon niyan sa buong mundo..." dagdag niya pa.

Agad nawala ang ngiti ko. Anong pinapalabas niya? Na hindi ko kayang bumili nitong mag-isa? Goodness, that's what I hate from rich suitors, akala nila nasisilaw ako sa karangyaan nila.

I can have all what they are giving kaya hindi na dapat kailangang ipagmayabang.

Kahit nakangiwi ay pilit akong ngumiti ulit dahil nandito pa ang professor namin. G-graduate na nga ako magsisimula pa ba ako ng away.

"Salamat."

Sumilay naman ang ngiti nito. "Great! Can I invite you over dinner kung ganon?"

Unti-unti akong umiling. "Susunduin kasi ako ni Kuya mamaya dahil may Friday night out kami."

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon