Chapter 9

1.4K 31 3
                                    

Ex


They say, time flies like a whirlwind when you are at the peak of euphoria.

Rhyno is always fitting me in his schedule despite the fact that it is hectic. My parents came home last weekend, that is more than enough. Alfaust closed a deal in spain. That is a huge project.

Kahit naman aso't pusa kami ay nakakaproud pa rin na unti-unti na niyang nakakamit ang mga pangarap niya. He is slowly building a name in the society. Our parents suggests na bumili na siya ng sariling condo since kaya naman na niya.

Kaso ang ang sabi, ibili nalang daw ng sportscar. He's like that since then, kawawa palagi ang bulsa nila mommy dahil sa mga luho niya. Ako din naman but compare to him? I'm the lesser evil. 

"Don't drink." Kuya warned bago ako iniwan sa sofa ng living room nila Lewis. Kasama ko si Charry at ilang kakilala.

Napaismid ako nang igala ang aking paningin sa mga tao, kaunti lang ang nasa loob, nasa pool silang lahat.

"Fau...." patiling tawag ni Charry.

I raised up a brow then fixed my crop sleeve before sitting up. "Bakit?"

"Si Bellamy kasi...."

Napahugot ako ng malalim na hininga. Here she goes again, matutuwa sana ako at susuportahan siya kung hindi ko alam ang tunay na katauhan ni Bell.

"Nagi-improve na ang relationship namin!" hinampas niya ako.

I roamed my eyes to the sea of people. May mga kakilala ding napapadaan sa amin at nangangamusta. Suddenly, their eyes went to the entrance.

Tiling-tili ang mga babae nang pumasok si Rhyno, only on his white shirt and maong jeans. He is simple yet so attractive. Maraming curious sakanya kaya halos pagkaguluhan siya. Hindi niya ako napansin dahil sa dami ng tao, hanggang sa nadiretso na siya sa kubo doon sa pool kung nasaan silang magbabarkada.

"Ay, famous ang jowa mo." asar ni Charry.

Sinikil ko siya. "Walang kami..."

"Pero nag-aanuhan?" nakakalokang ngiti ang kanyang iginawad.

I rolled my eyes and drank on my wine. Alfaust said strictly no drinking but I can't help it!

The people are getting wild. May mga naghahalikan na sa tabi. Habang lumalakas ang music, may mga nagsasayawan, nagbibilliards at pingpong balls.

Even Charry looked wasted already. May kinakausap nang guy.

Suddenly, my phone vibrated.


Rhyno:

Bored?


I gasped. How did he know? Nakita na niya ako?

Iginala ko ang aking tingin ngunit wala naman siya. Then napunta ang aking mga mata sa kubo. You can see people outside pero hindi sa loob.


Fausea:

Sobra. What are you doing? Sinong mga kasama mo?


Umangat ang aking tingin at nagulat nang nasa harapan ko na siya kasama si Torin na nakakunot noong nakatingin sa lalakeng kanina lang ay kahalikan ni Charry.

"Ako na ang maghahatid sakanila, Torin." Pigil ni Rhyno sa balikat ng kaibigan dahil aambahan na niyang susuntukin ang lalake.

Napatayo na rin ako sa kaba.

Torin sighed deeply, "Okay, ako na ang mage-explain kay Alfaust kapag nagtanong."

Binangga niya ang balikat nung lalake at tinulak. "Umalis ka dito kung ayaw mo ng gulo."

Tourney of Beguiling (North Series #2: Fausea) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon