-chapter thirty-
Tahimik ang buong silid. Tanging ang malamig na ihip ng air conditioner lang ang naririnig. Sa isang kama na natatamaan ng sinang ng buwan ay isang babaeng may pulang buhok. Nakataas ang kaniyang baba at hinahawakan ng isang lalaking may blonde na buhok ang kaniyang pisngi.
"Serena." seryosong sambit ni Kahel sa pangalan ng babae. "Ano ang ibig sabihin nito?"
Serena gulped. Parang lalabas na ang puso niya sa bilis at lakas ng tibok nito. Puno ng takot, kaba at gulat ang mga mata niya. Kahel stared at her left eye. It's not their usual blue color, anymore. No. Para itong isang orasan na kulay ginto, and it's pointing to the current time. 12:25.
Hindi niya maintindihan kung bakit nangyari ito, ngunit may parte sa kaniya na alam kung ano ito.
Serena tried to calm her emotions down. That dream... nightmare must have messed her emotions. Ngayon wala na siyang nagawa para pigilan pa ito.
Marahan niyang ipinikit ang mata at kumuha ng malalim na hininga. Sa susunod niyang pagmulat ay bumalik na ito sa totoo nitong kulay.
Kahel exhaled a shaky breath.
Bigla siyang tinalikuran ni Serena. She burrowed herself into a blanket and hid her face in a pillow.
"Go back to sleep-"
"No." matigas ang boses ni Kahel at may halong galit dito. "Serena. Sabihin mo kung ano 'yon."
"You don't care."
"I'm your fucking partner, of course I care!"
Umalingawngaw sa buong silid ang malakas na sigaw ni Kahel. Kinuyom niya ang kamao at napapikit para pakalmahin ang sarili. He can't believe this girl!
"That something came out after you had a nightmare. Sino bang matino ang hindi magtatanong at mag-aalala?"
Bumangon si Serena at sinamaan ng tingin ang lalaki. Mabigat ang bawat hinga niya dahil sa nangyaring panaginip at sa timing ni Kahel ng confrontation. Bakit ba kasi hindi niya na lang ito isinali sa good conduct at proper human behavior? Hindi niya ba alam na dapat matulog muna at mag-usap sa umaga?
"Maybe I don't want to tell you. Maybe I don't want you to realize-"
"Serena, alam kong may pagkabobo ako sa mga komplikadong bagay pero hindi ako tanga." singhal ni Kahel na nagpatahimik kay Serena. "Kung ayaw mong ipaliwanag ngayon, sabihin mo. Hindi na tatalikuran mo lang ako at tutulugan pagkatapos kong magtanong- tangina! Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan nang-"
He loudly muttered a curse before heading back to his own bed. Nakaawang ang labi ni Serena nang pinanood niya ang binatang magalit at humiga. She knew the dog gets mad, but she never imagined he could get this mad.
"Look." she perked up in his soft voice. "Sabihin mo lang kung masama 'yon sayo o hindi."
Nanlaki ang mata ni Serena.
"Hindi." bulong niya.
Nakita niya ang mahinang pagtango ng lalaki. "Mabuti."
Serena bit her lower lip and she stared at the ceiling. Nawala na ang kaba at takot mula sa panaginip. All she can think of is Mikhael's words. Ibig ba nitong sabihin ay akala ng aso na makakasama sa kaniya ang nakita at nag-alala?
BINABASA MO ANG
Anathema (The Academy of the Cursed)
Science FictionA new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes a threat to two dividing factions slowly uncovers the truth, but her own secrets also starts to sho...