Chapter Sixteen: A Compatible Duo

5.6K 421 124
                                    

- k i y a r a

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- k i y a r a

-chapter sixteen-

"I finally know why my brother is very interested in you."

Natahimik kaming dalawa ni Kahel. Inilipat ko ang tingin sa lalaking nakatayo sa tabi ng presidente. Hmm. So I was right, magkapatid nga sila. They really have identical features if you squint more.

Nakatitig lang sa'kin ang kapatid niya. Hindi ba 'to nagsasalita? At bakit ba lagi 'tong nakatitig? Binalingan ko si Kahel na nakatayo lang at nakatitig din sa lalaki.

"Aso," tawag ko. Sinulyapan niya lang ako. "See how that boy stares at me. That's how beautiful I am."

Sumama ang timpla ng mukha niya at pinapatay niya na ako sa tingin. I only grinned at him before facing the president and his strange twin again.

"Thank you for the compliment. I also think I'm quite interesting." sagot ko at nginitian silang muli bago naglakad paalis.

Perhaps they're twins. Ngayong natitigan ko na silang mabuti ay talagang identical sila. Especially the sharpness in their eyes. They look and act dangerous.

I dug my nails deep in my palm, not enough to cut skin but just enough to hurt. What do these people need from me? Do they know anything about my past?

Meredith treats me like a threat, even though I've already expressed my intentions. Hindi ko maalala ang kung ano mang nagawa ko na pwedeng magbigay ng ideya sa kaniya.

Baka lumala pa ito kapag nalaman niyang nakipag-usap sa'kin ang presidente. Those two are also suspicious. Her brother was constantly staring at me. And interested? Are they planning to recruit me in their organization?

Or may nadiskobre ba ang dalawa tungkol sa past ko? Kaya ba palagi akong tinititigan ng lalaking 'yon. What actions would they take once they know I'm-

"Witch." tawag ni Kahel. "Baka may plano kang maglakad?"

I blinked. Kanina pa pala ako nakahinto. Sumabay ako sa mabilis niyang paglalakad. Bakit ba kapag naglalakad 'to puno ng galit o di kaya ay parang may deadline?

"Where are we going? I'm hungry." reklamo ko nang makitang hindi kami palabas ng field.

"Sina Ana." tipid na sagot niya at hinanap ang pinsan.

Ngumuso ako. Hinayaan ko siyang maghanap noong una at nanatili lang ako sa likod niya, nagrereklamo o nangaaway kung gustuhin. Dahil do'n he made me stay in one place. Medyo nainsulto ako do'n kasi sa aming dalawa siya ang aso.

I opened my ID card and studied the chips. May lima ako na bigay noong unang araw. I spent and gained three which gave me five back. Nang maglaro kami sa Poker, I had twelve chips. I won thirty-four from that stupid game they requested and gave 10 chips to Kahel. Mayroon akong total na thirty-six chips ngayon. Dahil iba ang bet namin sa preliminary, I gained no chips.

Anathema (The Academy of the Cursed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon