Chapter Twenty-Seven: Murder Meeting

4.8K 417 71
                                    

Note: Ang ranking po ng playing cards ay gawa ko lang, dahil wala din naman atang fixed na rank ito. Hehe.

-chapter twenty-seven-

"You have to abide by our bet, Serena. You are to go out with my brother this weekend."

"For the last time, mad dog, I am not going on a freaking date!" singhal ko sa kaniya. "At isa pa, if I did, walang masama do'n."

Padabog ko tuloy na nailagay ang librong binabasa sa bag dahil sa hirit niya. Since the conclusion of our battle yesterday, he's been pissing me off. Nainis siya dahil daw tinigil ko ang laban eh malapit na siyang manalo. I was only thinking about his condition after the match!

Tapos buong gabi pa siyang nagreklamo tungkol sa bet namin ni Kiyara. Hanggang ngayon. Maaga siyang gumising at nakaupo sa sariling kama habang binabato sa'kin ang pinakamasamang tingin. Hindi ko alam kung galit ba siya kay Keian o obsess dito.

"Hindi ko gusto ang lalaking 'yon."

"I didn't ask for your preference." naningkit ang mata ko. "Besides, you don't have anyone you like."

Ngumuso siya at nagpahulog sa kama. I rolled my eyes and passed him, kicking his feet in the process. Narinig kong sumagot siya pero hindi ko iyon naintindihan. Nang lumingon ako'y nakatago ang mukha niya sa unan. His voice was muffled through the pillow.

I crossed my arms. "Bark, dog."

Mabilis siyang bumangon at sinamaan ako ng tingin. "Stop calling me dog, you iritating witch!"

I rolled my eyes. "Ano ba kasi ang sinabi mo?"

"Sabi ko may gusto rin ako."

Tumaas ang kilay ko. Nakatingin siya malayo sa'kin at namumula. Oh? Is the dog blushing? What a rare and strange sight.

Umiling ako at sarkastikong ngumiti. "Si Tanya, right?"

Hindi siya sumagot kaya humiga ako sa couch at tiningnan ang likuran ng ID card. May nakalagay na ngayon sa card rank. Tinitigan ko ito.

I had a total of 57 chips, while Kahel got 55. Kaya naman ang card rank ko ay Queen of Spades, the second highest rank. Kahel got the King of Hearts, the third highest rank. Lucky dog.

"Anong si Tanya?" narinig kong tanong niya.

Napatingin ako sa pintuan. Why are Ana and Akiru late? Sabi nila sabay daw kami mag-aagahan.

"The person you like."

Napa-atras siya sa sinabi ko. He frowned to himself. "Well, gusto ko rin naman siya. She's a good frie-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay bumukas ang pinto. Pumasok dito ang ever joyful na si Ana at si Akiru na mukhang pinagbagsakan ng langit. Finally. I was almost starving to death.

"Problema niya?" pagtukoy ni Kahel kay Akiru.

"Ang daming tao sa labas. Gaganapin daw ngayon ang meeting tungkol sa nangyari kay Antonio." sagot ni Ana at tumingin siya sa'kin. "Oo nga pala, you're part of the council, Ren. Shouldn't you be in the hearing too?"

I'm not really interested sa kung anong mangyayari. As long as I see those two lions butt heads, I'm alright. I'm not even interested in the council seat.

Anathema (The Academy of the Cursed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon