Chapter 28 (Weird feelings)

1.9K 46 28
                                    

This chapter is dedicated to @febheii1989 . Thankyou po sa paghihintay ng updates ko. Salamat talaga po madami. God bless! :)

Kizang's  POV

“Tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng huli kaming nagkita. Hindi ko maintindihan yong pakiramdam ko kanina habang ninanakawan ko sya ng tingin. Para bang gusto ko syang yakapin ng mahigpit at sabihan na namimiss ko sya ng sobra. Yong ganong pakiramdam at hindi ko lubos maisip kung bakit ganon yong naramdaman ko. Alam nyo yong nasasabik ako at dahil don naalala ko na naman lahat ng mga panahong magkasama kami. SIguro dahil nasanay ako na sa loob ng isang buwan na araw-araw kaming nagkikita,nagkukulitan at nagbabangayan kaya siguro ganito yong nararamdaman ko. And yes I am smiling now while these words running through my mind. Yeah, I’ve missed Dao so much.”

 

 

“Bu are you okay? Mukhang Masaya ka ata ah?” bigla akong bumalik sa realidad ng naramdaman ko ang kamay ni MM sa balikat ko. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa may kalsada.

“A-ah yes Bu. I’m okay. Medyo kinakabahan na naman ako para mamaya. You know na hindi naman ako masyadong sanay kumanta sa harap ng maraming tao pero wala naman akong magagawa kailangan ko tong gawin.” Hindi ko nga pa pala nasasabi sa inyo, nag wo-work na ako ngayon sa bistro ni Ken. Kumankanta na ako don every night. Kahit papaano ay nabibigyan na ng solusyon yong problema namin ni Mama.

Kila Cherry muna kami nakikitira ngayon pansamantala dahil sapilitan kaming pinaalis niong butanding na yon. Pero don’t worry guys magiging okay din ang lahat. Babalik din kami don pag nakaipon na kami ng sapat na pangbayad. Balak ko kasing bayaran na lang lahat yong mga pinapabayaran nong butanding na yon para matapos na. Kaya ito maliban sa pagkanta sa Bistro, nag pa-part time din ako sa isang Travel Agency. Nakakapagod pero kakayanin.

“Ah wait. Saan ka nga pala galing? Nagmamadali ka daw umalis kanina?”tanong ko kay MM habang nagmamaneho.

“H-ha. A-ano B-bu. K-kasi a-ano eh. May kailangan lang akong ayusin. I-importante lang. Pero okay na kaya nga andito na ko oh” sabay pisil nya ng mahina sa pisngi ko “Andito na tayo, goodluck mamaya Bu ah. Susunduin na lang ulit kita after ng work mo.”

“H-ha? Bakit? H-hinidi ka na naman manunuod?” tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.

“Eh kasi Bu.. Alam mo naman po diba, ang dami kong gagawin sa school. Tapos malapit na rin yong B.A Olympics kaya todo training ako ngayon.”

Hindi na ako sumagot kay MM. Medyo nagtatampo ako sa kanya dahil ilang araw na syang hindi nanunuod ng gig ko. Medyo wala na syang time sakin pero hinahatid at sinusundo nya naman ako kaya kahit papano ayos na lang din. Pagkababa ko ng sasakyan nya, pinaandar nya kaagad yong sasakyan kaya napabuntong hininga na lang ako. Nagmadali na rin akong pumasok sa loob dahil malapit na rin mag umpisa yong gig ko.

“Preeeend.” Napalingon ako sa tumawag sakin at nag wave ako sa kanya. “Ready ka na ba?”tanong nya habang inaayos ang buhok ko.. “Ay wait. Wala na naman yong Bubu mo? Aba! Parang iba na yan Kizang ha!!”

" Fan girl meets The Popular Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon